Chapter 42

1055 Words
Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bar ni Seb. Nanlamig ang kamay ko nang makita ang mga kaibigan nitong pawang mga nakatingin sa amin. Nalungkot ako ng 'di ko nakita roon si Kobie. Pakiramdam ko'y kasalanan ko ang lahat kung bakit nasira ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Seb. "Dude!" nakangiting bati ni CJ, na siyang naaalala kong intern na kasama rin noon ni Seb ngunit sa ibang section nga lang naka-assign. Nakipag-high five naman ang ibang mga kaibigan ni Seb sa kaniya na tinanggap din naman nito. "Mabuti naman at pinaunlakan mo kaming samahan ngayon," seryosong saad naman ni JC na siyang kakambal ni CJ. Nagkibit balikat lamang si Seb saka masuyong inalalayan akong makaupo sa may couch. "By the way, Dudes, meet my girlfriend, Nena!" pagpapakilala sa akin ni Seb sa mga kaibigan nito. "We know her and lucky you man!" nakangiting tugon naman ni CJ. "Yeah, he's lucky for having her!" Sabay-sabay kaming napatingin sa taong nagsalita. "Kobie!" masayang bati ni CJ sa binata. Daig ko pa ang itinulos mula sa pagkakaupo na sinabayan pa nang pagkakasamid ng aking dila kung kaya napaubo ako. Malamlam ang mga matang nakatingin sa akin si Kobie partikular na sa kamay namin ni Seb na nananatiling magkahawak kamay pa rin. Para kaming dinaanan ng anghel dahil sa biglang tumahimik ang aming paligid habang panay naman ang palitan ng tingin nina Seb at Kobie. "Nena!" sigaw ng boses babae na tila pamilyar sa akin kung kaya tiningnan ko kung sino iyon. "Dahlia?" gulat kong tanong sa babae. "Grabe siya! Ilang buwan mo lang akong hindi nakita, nakalimutan mo na agad ang itsura ko?" may himig tampong wika nito. "Mabuti't nandito ka na nagtatrabaho," masayang tanong ko sa kaniya. "Hindi ako nagtatrabaho rito. Kay Kobie ako..." Naputol ang sasabihin sana nito nang singhalan ito ni Kobie. "Enough, Dahlia! Masyado ka nang madaldal," singhal ni Kobie kay Dahlia. May kung anong inis akong naramdaman sa ginawang iyon ni Kobie kaya pinameywangan ko siya saka dinuro-duro sa kaniyang dibdib. "Grabe ka naman makaasta kay Dahlia. Akala ko pa naman noon mabait ka Kobie, iyon pala may lihim na ugali ka rin pala," mataray kong saad sa binata. "It's not what you think, Nena. Nagkakamali ka lang nang sapantaha. Sadyang madaldal kasi itong si Dahlia," pagdadahilan pa sa akin ni Kobie saka lalapitan pa sana ako nito nang maagap akong haltakin sa baywang ni Seb. "Tama na 'yan, Baby. Nandito tayo para magsaya. So, let's drink!" Inabot pa sa akin ni Seb ang baso na may lamang kulay apple green na alak na nadidisenyuhan ng maliit na payong. "Paiinumin mo si Nena?" manghang tanong ni Kobie. "Yes, Dude! Kaunti lang naman. Saka nandito naman ako kasama niya." Nakita ko ang pagbalatay ng sakit sa mukha ni Kobie nang marinig ang sinabi ni Seb. Gusto kong maawa sa binata pero nanaig pa rin ang inis ko sa kaniya para sa ginawa nito kay Dahlia kaya inirapan ko siya. Tinawag ko si Dahlia saka pinaupo sa aking tabi. Binigyan din ito ni Seb ng katulad sa akin na alak. "Cheers!" malakas na sabi ni JC "Cheers!" sabay-sabay na saad naman namin saka pinag-umpog ang aming mga baso kung kaya lumikha iyon ng ingay. Hindi ko nalasahan ang alak sa ininom dahil animo'y juice lang iyon kung kaya nilagok ko ng diretso. Nanghingi pa ulit ako ng isa pa kay Seb na agad naman akong pinagbigyan hanggang sa nasundan pa ng ilang baso. Habang panay ang lagok namin ng alak ay naramdaman ko ang mga mata ni Kobie na titig na titig sa aking mukha. Nakaramdam ako ng hiya kung kaya patuloy naman akong humingi ng shots kay Seb. Pang-ilang shot na yata namin ni Dahlia ng bigla na lamang itong umiyak. "Dahlia!" Biglang nawala ang kalasingan sa katawan ko nang makita ang nakahahabag na anyo ng dalaga. "M-mabuti ka pa Nena nasa maayos ng kalagayan," humihikbing ani nito. "Ha? May problema ka ba, Dahlia? 'Di ba nasa maayos ka rin namang kalagayan" inosenteng tanong ko sa kaibigan. "Sana'y makatagpo rin ako ng kagaya sa iyo na handa akong mahalin sa kung sino ako," pasarkastikong saad pa nito. Hindi ko alam kung bakit pakiwari ko'y patungkol kay Kobie ang sinabi nito. Kung kaya inangat ko ang ulo saka tinitigan si Dahlia sa kaniyang mga mata upang kumpirmahin ang aking kaba. "Huwag mo nang intindihin pa Nena ang madramang babaeng iyan dahil masasayang lang ang oras at panahon mo," singit naman ni Kobie sa pag-iisip ko ng malalim. Napangiti ako at gusto kong magtatatalon sa tuwa nang maisip ang posibleng mamagitan kina Kobie at Dahlia. "Baby, anong nginingiti-ngiti mo riyan? Parang gusto ko nang magselos niyan kay Kobie," bulong naman sa akin ni Seb matapos niya akong hapitin palapit sa kaniya. "Wala!" mahina ang boses na tugon ko sa kaniya. "Stop smiling to Kobie at baka tuluyan kong malimutan ang pagkakaibigan naming dalawa. "Seb!" nagbabantang anas ko sa kaniya na tinugon naman nito ng malakas na halakhak. "Sana may ganiyan pang mga lalaki sa mundo," ani pa sa akin ni Dahlia. "Gusto mo Miss tayong dalawa na lang mag-date?" nakangiting tanong ni Jerome na bigla na lang sumulpot sa likuran ni Dahlia. "Talaga?" Malawak na ngiti sa labi ang pinakawalan ni Dahlia habang madilim naman ang anyo ni Kobie na ngayon'y nakatitig na sa kanilang dalawa. Sumimangot si Kobie saka marahas na tumayo upang lapitan si Dahlia. "Let's go!" pagalit na sabi nito. "At bakit? Saan mo na naman balak tayo pumunta?" mataray na tanong ni Dahlia kay Kobie saka ipiniksi ang braso nitong hawak ng huli. "I said, let's go!" marahas na hinila ni Kobie sa braso si Dahlia. "Ano ba! Nasasaktan ako!" reklamo naman ni Dahlia. "I said, let's go!" may kariinang bigkas ni Kobie saka kinaladkad na nito ng tuluyan ang dalaga. "Kobie!" sigaw ko sa binata at akmang lalapitan ko sana sila ni Dahlia nang pigilan ako ni Seb. "Baby, hayaan mo na muna silang dalawa mag-usap," ani pa nito sa akin. "Baka kung saan dalhin ni Kobie ang kaibigan ko," may pag-aalala sa tinig ko. "Kilala ko si Kobie at hindi iyon basta-bastang nananakit ng babae. Saka alam kong natagpuan na rin nito ang babaing para sa kaniya," tugon naman sa akin ni Seb. "Pero..." Nahinto ang sasabihin ko nang kabigin ako ni Seb sa ulo saka mariing halikan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD