Chapter 43

1026 Words
"Seb, lasing ka na!" suway ko sa binata ng akmang paaandarin na nito ang sasakyan. "No, I'm not!" nakangiting tugon naman nito. "Mag-taxi na lang tayo at baka mabangga pa tayo kung ikaw ang magmamaneho," may pag-aalalang sambit ko. Malamlam ang mga matang tinitigan ako nito saka masuyong hinaplos niya ang aking pisngi. "Don't worry Baby, I can drive. Makakauwi tayo ng bahay kahit nakapatong ka pa sa akin," pabirong saad nito habang patuloy lang siya sa paghaplos sa aking pisngi. "Pero..." Pinutol nito ang anumang sasabihin ko nang kabigin niya ang ulo ko palapit sa kaniyang mukha. "Seb..." hinihingal kong usal nang bitiwan nito ang labi ko. "I love you, Baby!" malambing niyang sabi. "I love you too!" kandautal kong tugon at tila gusto kong maiyak ng mga sandaling iyon. "Why are you crying, Baby?" may pag-aalalang tanong nito. Iniling-iling ko ang ulo bilang tugon sa kaniyang tanong. Hanggang ngayon kasi ay 'di pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari sa buhay ko. Dati pangarap ko lang ang may isang taong makakaintindi sa akin. "Baby?" muling tanong nito. "Thank you, Seb!" madamdaming wika ko sa kaniya. "For what?" naguguluhang tanong naman nito. "S-salamat sa pag-unawa mo sa akin," patuloy sa pagluha kong tugon sa kaniya. Umangat ang katawan ko mula sa pagkakaupo nang buhatin ako nito upang dalhin sa ibabaw ng kaniyang mga hita. "I love you, Baby!" bigkas nito saka siniil niya ng halik ang aking labi. Halik na agad ko namang tinugon at nalasap ko ang tamis ng kaniyang pagmamahal mula roon. "Tandaan mo parati na kahit anong mangyari, nandito lang ako para sa iyo, Baby," ani pa nito nang bitiwan ang labi ko. "Seb..." Lumundag ang puso ko sa bawat salitang binigkas nito. Hinawakan nito ang mga kamay ko saka dinala niya iyon sa kaniyang labi. "Baby, pwede bang itong mga daliri mo ay rito mo na lamang ipasok." Kunot noong napatitig ako sa kaniyang mga mata. "A-anong ibig mong sabihin?" "Ang mga daliring ito ay rito lamang nababagay." Isinubo nito ang mga daliri ko sa loob ng kaniyang bibig saka sinipsip niya iyon. "Seb!" Kinilabutan ako sa ginawa nito at halos nagtayuan ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan ng dahil sa kakaibang kiliting dulot ng kaniyang dila sa aking daliri. Ilang minutong sinipsip nito ang mga daliri ko bago niya iyon inilabas mula sa loob ng kaniyang bibig. "Huwag mong pahirapan ang mga daliri mong iyan na magbigay saya sa pangangailangan ng iyong katawan, Baby." Bumaba ang mukha nito sa pagitan ng aking mga dibdib. "Kaya kong higitan ang ligayang dulot ng iyong mga daliri, Baby." Gumapang ang bibig nito mula sa gitnang bahagi ng aking dibdib hanggang sa marating niyon ang kanang bahagi. Tila siya isang sanggol na uhaw na uhaw sa paraan nang pagkakasipsip nito. Tumutunog-tunog iyon habang sinasabayan pa niya nang paghila sa aking u***g. "Call me baby please?" nagsusumamong wika ni Seb saka muling isinubo ang isa ko pang dibdib. "Ooh..." umuungol kong anas dala ng sensasyong dulot nang pagsipsip nito. "Gusto kong marinig mula sa iyong mga labi na ako lang din ang baby mo. Please?" nagsusumamong anas niya sa akin. "B-baby..." kandautal kong tugon sa kaniya. Nakita ko ang malawak na pagngiti ng mga labi nito. Nahihiyang iniyuko ko ang ulo upang itago ang pamumula ng mga pisngi ko. Itinaas ng mga daliri niya sa kamay ang ulo ko saka ipinagdikit nito ang mga tungki ng ilong namin. "You're cute when your blushing!" mapangbuska nitong saad. "Kainis ka!" nakalabing turan ko saka mahinang hinampas siya sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko ang paggapang ng mga kamay niya sa ibabaw ng mga hita ko kasabay nang pagtaas nito ng suot kong miniskirt. "Ako na lang ang magpapaligaya sa iyo parati, Baby," pabulong niyang saad sa akin. Malakas akong napasinghap nang humimas sa hiyas ko ang isang kamay nito. "S-Seb..." nagdedeliryong usal ko sa pangalan nito nang maglabas masok sa loob ng kweba ko ang kaniyang daliri. "Call me, Baby..." Mahigpit na pumisil naman ang isang kamay nito sa aking balakang. "Ba--" Naputol ang sasabihin ko nang huminto siya sa ginagawang paglabas masok ng kaniyang daliri sa kamay at bigla na lamang akong binuhat nito paitaas. "Seb!" napahiyaw ako ng sa pagbaba niya sa katawan ko ay pumaloob sa aking ari ang kaniyang nagmamatigas na alaga. "Yes, Baby?" nakakalokong ngiti nito sa labi ang nasilayan ko sa kaniyang mukha. "U-umuwi na tayo!" kandautal kong sagot sa kaniya. Pinilit kong tumayo mula sa pagkakasaklob ng aking ari sa kaniyang sandata, ngunit lalo lamang na-lock sa looban ko ang alaga nito. "Ganito na lang tayong dalawa hanggang sa makauwi," mapang-asar nitong sabi. "Lasing ka na nga tapos ganitong posisyon pa ang gusto mo hanggang sa pag-uwi? Huwag abuso, uy!" mataray kong anas sa kaniya na tinawanan lang nito. "Baby, hindi ako lasing. Nakainom lang ako, oo! Pero hindi ako naglasing dahil alam kong darating si Kobie," natatawang saad nito. Nalungkot ako nang marinig ang pangalan ni Kobie, bigla ko tuloy naalala ang kaibigang si Dahlia "Huwag ka ng malungkot pa, Baby. Wala namang mangyayaring masama sa kaibigan mong si Dahlia at tiyak na tiyak ko iyan sa iyo," pahayag pa sa akin ni Seb upang pawiin ang lungkot na nadarama ko. "Pa'no kung saktan niya si Dahlia?" malungkot kong tanong sa kaniya. "Kobie is a kind of good man especially in woman and I'm sure of it!" paniniguro pa sa akin ni Seb. Natahimik ako sa sinabi nito at hinayaan ko na lamang siyang magsalita nang magsalita. Nang gumalaw si Seb para paandarin ang makina ng sasakyan, tumama ang matigas nitong sandata sa g-spot ko dahilan para muling mapaungol ako. Alam kong hindi ako makaaalis sa ibabaw ng kaniyang mga hita kung kaya ipinulupot ko na lamang ang mga braso ko sa kaniyang leeg. Ako na rin ang nagkusang magselyo ng aming mga labi upang pawiin ang nagsisimula nang sumingaw na init mula sa loob ng aking katawan. Init na nagsisimula nang umalpas mula sa loob ng aking katawan at tila naghihintay na lamang ng anumang sandali upang tuluyang makalaya. Mula sa simpleng halikan ay tuluyan na nga kaming nauwi sa mas matinding pangangailangan ng aming mga katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD