Madaling araw na nang makauwi kami ng bahay kung kaya halos tulog na rin ang lahat.
Akala ko'y ihahatid niya lamang ako sa kwarto ngunit nagulat ako nang pumasok din siya sa loob saka ipinad-lock pang maigi nito ang pinto.
"Seb!" Impit akong napatili nang buhatin ni Seb saka dinala sa may malambot na kama upang doon ipahiga.
Humigpit ang hawak nito sa aking baywang kaya ramdam na ramdam ko ang tensiyon ng katawan naming dalawa hanggang sa tuluyang pumaibabaw na siya sa akin.
"I can't wait for you to fall asleep," bulong nito sa likod ng aking tainga.
"Baby..." Nakikiusap ang aking tinig na 'di mawari kung para saan nga ba.
Ngumiti lang siya sa akin at inilapit ng husto ang kaniyang mukha sa leeg ko. Napasinghap ako nang amuyin at dilaan niya ang leeg ko hanggang sa tumaas siya at napunta sa likod ng aking tainga.
"Do you want me to stop this?" may pang-aakit na tanong nito at tila may tease akong naramdaman sa paraan ng kaniyang pananalita.
Hindi ko gustong ihinto nito ang ginagawa sa akin kung kaya ipinaikot ko sa kaniyang baywang ang mga binti ko upang ipabatid sa binatang ituloy lang ang masarap na sinimulan.
Hindi ko alam kung pa'no niya nagawang hubarin ang mga kasuotan ko basta ang alam ko na lamang ay hubo't hubad na akong karga nito.
Pumasok si Seb sa loob ng hiyas ko kahit pa nga nakatayo lang siya at buhat-buhat ako.
Napapahiyaw naman ako sa dulot na ligaya nang pagbayo nito at kakaibang kiliti ang nadama ko nang magsanib ang aming mga ari.
Walang kapagurang ipinataas baba ako nito sa kaniyang katawan upang salubungin nang naninigas niyang alaga.
"Baby..." umuusal nitong sambit.
Parehong nagniningas ang aming mga pakiramdam at bawat isa sa amin ay tila nilalagnat sa tindi ng init na sumisingaw mula sa loob ng aming mga katawan.
May kung anong namumuo mula sa loob ng aking puson at tila anumang sandali ay sasabog na iyon sa tindi ng sensasyong nadarama ko.
"S-Seb..."
"B-baby..."
Sabaw naming usal kasabay nang panginginig ng aming mga katawan. Pumutok ang katas ko sa kaniyang mga binti na hindi naman inalintana nito.
Pagod na pagod kong isinandig ang mukha sa kaniyang dibdib at narinig ko ang paghahabulan ng kaniyang hininga.
"I love you, Baby!" malambing nitong bigkas at saka ginawaran niya ako ng halik sa noo.
"I love you!" madamdamin kong tugon sa kaniya hanggang sa nagdilim na lang ang aking paningin at tuluyan na akong ginapo ng antok.
********
Naramdaman ko ang pagdantay ng mabigat na bagay sa aking binti at tila may kung anong matigas na bagay rin ang nanunundot doon.
Minulat ko ang mga mata at malawak na napangiti nang makita ang gwapong mukha ni Seb.
Pinagmasdan ko ang makinis nitong mukha at natutuwang tinitigan ko ang mahaba niyang pilikmata.
Napapalunok ako ng laway nang bumaba ang mga mata ko sa mga mapupula niyang labi na tila kay sarap lamang halikan.
Napaigtad ako sa pagkakatitig sa kaniyang mga labi ng bigla na lamang akong dampian ng halik nito sa aking labi.
"Good morning, Baby!" masiglang bati niya sa akin.
"Good morning!" tugon ko naman sa kaniya.
Babangon na sana ako mula sa pagkakahiga nang pigilan naman ako nito.
"Dito muna tayo, Baby. Gusto ko pang makatabi ka," parang batang paslit na pakiusap nito sa akin.
"Pero, may pasok pa tayo, Seb," tugon ko naman sa kaniya.
"Papasok naman tayo Baby pero mamaya pa nga lang," nakangiting hayag pa nito.
Maang akong napatitig sa kaniyang mukha at nakita ko ang naglalarong ngiti sa labi nito.
"Mukhang hindi ko gusto ang klase ng ngiti mong 'yan," nandidilat ang mga matang saad ko.
Malakas na napatili ako nang pumaibabaw siya sa aking katawan.
"Don't worry Baby, papasok naman tayo sa trabaho after nating mag-take ng ilang rounds," nakangising saad nito saka nakakalokong kumindat pa sa akin.
"Seb!" mahinang tinampal ko siya sa braso na tila wala rin saysay dahil sa nanaig din ang kagustuhan kong muling maramdaman ang masarap na pagbayo nito sa akin.
Masuyong hinaplos ni Seb ang aking pisngi saka dumapa sa ibabaw ng aking katawan. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa aking leeg at doon mahinang kumagat-kagat ang labi nito.
"Lipat ka na sa kwarto ko mamaya, Baby. Tabi na tayong matulog sa kama ko," may pagsusumamong anas niya sa akin.
"Baka magalit si Mama Cassy," tugon ko naman sa kaniya.
Inangat nito ang kaniyang mukha saka tinitigan niya ako. "Hindi magagalit si Mama. Ipagpapaalam ko!"
"Pero nakakahiya sa kanila, Seb," nahihiyang saad ko.
"Baby, parte ka na ng pamilya namin. Wala kang dapat ikahiya dahil para ka na rin nilang tunay na anak kung ituring lalo na si Mama at ganoon din naman si Papa," paliwanag pa nito.
Totoo naman ang sinabi ni Seb, ngunit 'di ko pa rin maiwasang mahiya sa pamilya niya lalo na't wala naman talaga akong maipagmamalaki sa kanilang lahat.
Hindi ko pa rin naiiwasang manliit sa aking sarili sa tuwing nakakasama ko si Seb sa mga business meeting nito.
Wala akong maipagmamalaking kapuri-puri sa aking sarili dahil bukod sa hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral ay nakuha lang din ako ni Seb sa isang club.
Napabuntonghininga na lang ako sa naisip saka iniyuko ang ulo ko upang itago ang lungkot na aking nadarama.
Mahigpit na yakap ni Seb ang nagpabalik sa mga mata ko sa kaniya.
"Malungkot ka na naman, Baby," ani niya sa akin.
"N-nahihiya lang talaga ako sa inyo," pautal kong tugon sa kaniya at tila gusto nang tumulo ang nagbabatang mga luha mula sa aking mga mata.
Narinig ko ang pagpapakawala nito ng malalim na buntonghininga bago siya magsalita.
"You're part of our family!" Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin saka matiim na tinitigan niya ako sa aking mga mata.
"Ikaw lang ang gusto kong makasama kasama ng aking pamilya," malamyos pa nitong sabi.
"Seb..." Tuluyan nang umagos ang mga luhang pilit kong iniiwasang pumatak.
Ang saya-saya ko nang marinig ang sinabi ni Seb. Animo'y nasa alapaap lang ako ng mga sandaling iyon at tila ayoko nang umalis pa.
"I love you, Baby!" malambing niyang bigkas saka siniil nito ng halik ang labi ko.