"Ma, I have something to tell you," agaw pansin ni Seb sa kaniyang ina.
Biglang nanlamig ang mga kamay ko nang sabay-sabay na tumingin ang mga kapatid ni Seb sa gawi namin, pati na rin ang mga magulang nito.
"Ano iyon, Anak?" tanong naman ni Mama Cassy kay Seb.
"Gusto ko po sanang humingi ng basbas sa inyo ni Papa," seryosong saad ni Seb sa kaniyang ina.
"Anong klaseng basbas, Anak?" pabirong tanong naman ni Papa Baste kay Seb.
"Hihingin ko po sana ang basbas ninyo para sa aming dalawa ni Nena," walang paligoy-ligoy na tugon naman ni Seb. "Hihingin ko po sana ang kamay ni Nena."
"Kuya, bakit mo naman kailangang hingiin ang kamay ni Ate Nena, e hawak-hawak mo naman po ito," inosenteng tanong ni Cony.
Napatingin kaming lahat sa gawi nina Sandra at Cristel nang magtititili sila pareho. Patakbong lumapit sila sa akin saka sabay nilang niyakap ako.
"Congratulations, Ate!" masayang sambit ni Sandra.
"Ang saya-saya ko para sa iyo, Ate!" nagagalak na wika naman ni Cristel.
Bumagsak ang mga luha mula sa aking mga mata. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya na dulot nang pag-comfort sa akin.
Kailan man ay hindi ko naranasan sa tanang buhay ko ang ganitong klase nang papuri lalo na mula sa ibang tao.
"Welcome to our family, Nena!" Malamyos na tinig ni Mama Cassy ang nagpaharap muli sa akin sa kaniya.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka lumapit ako kay Mama Cassy na nakaupo sa may tabi ni Papa Baste.
Lumuluhang yumakap ako sa kaniya. "Ma, salamat po! Maraming maraming salamat po!"
"Kami ang dapat magpasalamat sa iyo, Iha." Kumalas ako mula sa pagkakayakap kay Mama Cassy saka humarap naman ako kay Papa Baste.
"Nang dahil sa iyo, nanahimik ang mapaglaro kong anak," nangingiting dagdag na wika ni Papa Baste.
"Pa naman!" maktol ni Seb na nasa likuran ko na pala.
Malakas na tawanan ng mga kapatid nito ang pumalibot sa buong paligid.
Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama ko ng mga sandaling iyon. Pakiramdam ko'y nakumpleto na ako dahil sa mainit na pagtanggap sa akin ng pamilya ni Seb.
Napatingin ako sa kamay kong kinapitan ni Seb. Nakangiting mukha nito ang sumalubong sa akin nang bumaling ako sa kaniyang mukha.
"I love you!" malambing nitong bigkas.
Malakas na 'Ayie si Kuya!' ang sumunod kong narinig naman mula sa kaniyang mga kapatid.
Nag-iinit ang mga pisngi ko kasabay nang pamumula niyon. Ngumiti ako sa kaniya saka gumanti ng pisil sa kamay nito.
"Let's celebrate for Kuya Seb and Ate Nena!" malakas na hiyaw ni Sandro.
"Cheers!" sabi naman ni Carmie saka itinaas ang baso niyang may lamang juice.
Natatawang itinaas naman ng lahat ang mga baso nila saka sabay-sabay na pinag-umpog ang mga iyon kung kaya lumikha ng ingay.
"Sa wakas, magiging abay na rin ako!" masayang bulalas ni Carmela.
"At kami naman ang mga flower girl ni Kuya Seb," natutuwang saad ng kambal na sina Cony at Cory.
"O siya, kumain na tayo!" ani naman ni Mama Cassy.
Marahang hinila ako ni Seb pabalik sa upuan naming dalawa. Masayang pinagsaluhan namin ang mga pagkain at iyon na siguro ang masasabi kong pinakamasarap na agahan sa tanang buhay ko.
Kagaya nang winika sa akin ni Seb, ipinagpaalam nga niya kina Mama Cassy at Papa Baste ang tungkol sa paglipat at pagtulog ko sa kaniyang kwarto.
"As if naman may magagawa pa kami ng Papa mo Seb. Kahit naman hindi kayo magkasama sa iisang kwarto ni Nena, nakatitiyak naman akong ginagapang mo na siya," paasik na wika ni Mama Cassy kay Seb.
"Ma naman!" kakamot-kamot sa ulong tugon naman ni Seb.
"O, bakit? Hindi ba totoo?" ani pa ni Mama Cassy.
"Hon, hayaan mo na ang mga bata. Matatanda na sila at alam na rin nila ang kanilang mga ginagawa," sabat naman ni Papa Baste.
"Hindi naman ako kumokontra sa gusto nilang gawin Hon." Lumapit si Mama Cassy kay Papa Baste upang yumakap dito.
"Basta siguraduhin lang ni Seb na maging responsable siya lalo na pagdating kay Nena," banta pa ni Mama Cassy.
"Siyempre naman Ma!" natatawang tugon naman ni Seb sa kaniyang ina sabay yakap sa akin.
Isinubsob ni Seb ang mukha niya sa aking likuran saka tila batang paslit na ipinilig-pilig doon ang kaniyang ulo.
"Let's go, Hon! Naiinggit lang ako sa mga anak natin," pabirong wika naman ni Papa Baste kay Mama Cassy.
"Baste!!!" natitilihang sambit ni Mama Cassy nang hilahin siya ni Papa Baste. "Sandali lang!"
Huminto sila sa paghakbang ni Papa Baste saka muling humarap sa aming dalawa ni Seb.
"Seb!" matining na tawag ni Mama Cassy.
"Yes, Ma?" sagot naman ni Seb.
Lumapit sa amin si Mama Cassy saka masuyong hinaplos nito ang aking pisngi. "Iha, pwede bang bigyan niyo na kami ng apo?"
Maang na napatitig ako kay Mama Cassy habang si Seb naman ay bigla na lamang umikot palapit sa kaniyang ina.
"Tama ba ang narinig ko, Ma?" manghang tanong pa ng binata sa kaniyang ina.
"Bakit, ayaw mo ba? Gusto mo bawiin ko na lang?" mataray na tugon naman ni Mama Cassy.
"Of course not, Ma!" Yumakap ito sa kaniyang ina saka humalik sa pisngi nito. "I love you, Ma!"
"Seb, humayo na kayo ni Nena at nang makarami!" natatawang utos naman ni Papa Baste.
"Let's go, Baby! Baka magbago pa ang isip ni Mama." Kinapitan ni Seb ang kamay ko saka masuyong hinila nito paakyat tungo sa silid na tinutulugan ko.
Napangiti ako ng muling maalala ang eksena namin kanina habang nagpapaalam si Seb sa kaniyang mga magulang.
Tinulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko rito sa silid na ilang buwan ko rin tinulugan.
"Baby, we need to buy a new clothes for you," ani nito habang isa-isang sinisipat ang mga damit ko.
"Huwag na! Dagdag gastos lang iyan," tugon ko naman sa kaniya.
"Gastos? Hindi gastos ang bumili ng mga damit lalo na kung gagamitin mo naman," paliwanag pa nito.
"Huwag na, Seb..." sansala ko pa sa kaniyang sinabi.
"Tama na sa akin ang mga damit na 'yan. Isa pa, kabibili lang natin noong isang araw 'di ba? Tapos gusto mo bibili na naman tayo ng panibago," pahayag ko pa sa kaniya.
Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na buntonghininga saka lumapit siya sa aking kinatatayuan.
"I want a best for you, Baby! Gusto ko lang maranasan mo ang mga bagay na dapat ay naranasan mo noon," malamyos na anas nito saka isinukbit nito sa likod ng aking tainga ang buhok na lumaylay sa pisngi ko.
"Seb..." Idinantay ko ang mga palad ko sa kaniyang pisngi saka masuyong tinitigan siya sa kaniyang mga mata.
"Sapat na sa 'kin ang narito ka kasama ng buo mong pamilya. Kayo lang ang magandang karanasang gustong-gusto kong maranasan sa tanang buhay ko," madamdaming pahayag ko sa kaniya.
"I love you, Baby!" Dinampian niya ng halik ang mga labi ko.
"I love you!" Tuluyang ipininid ko ang aming mga labi hanggang sa nauwi kami sa mainit na pagsasanib ng aming mga katawan.