Chapter 46

1112 Words
Nag-ayang pumunta ng mall ang mga kapatid ni Seb kaya sumama na rin ako sa kanila. Habang nasa biyahe ay panay ang kwentuhan nila tungkol sa mga nauusong korean drama. Hindi ako nahilig sa panonood ng telebisyon kung kaya hindi rin ako makasagot sa mga tanong nila. "Ate, anong nagustuhan mo kay Kuya Seb?" kapagkuwa'y tanong sa akin ni Cally. "Ha?" napaisip naman ako sa tanong na iyon. "Oo nga Ate, ano ang nagustuhan mo kay Kuya Seb?" susog pa ni Carmie. Lahat sila ay pawang mga nakatitig sa akin habang hinihintay ang isasagot ko sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil kahit ako ay 'di ko rin alam kung ano nga ba ang nagustuhan ko sa kuya nila. "Ano ba kayo, kapag nalaman ni kuya na tinatanong natin si Ate Nena ng ganiyan lahat tayo ay tiyak na sasakalin 'nun," natatawang saad ni Sandra. Nakahinga ako ng maluwang nang magsalita si Sandra. Pakiwari ko tuloy ay isinalba niya ako sa isang nakakatakot na interview. "Mabait naman si Kuya Seb kahit pa nga suplado sa atin minsan 'yon." Pagtatanggol ni Cristel sa Kuya nito. "Oo, mabait ang kuya niyo! Kagaya ninyo na pawang mababit din at mapagmahal sa akin," nakangiting saad ko sa kanila. "Ahh!" madamdamin nilang bigkas at sabay-sabay na lumapit sila sa akin upang yakapin ako. "Mabait ka rin kasi sa amin, Ate," ani ni Sylvia sa akin. "Hindi lang mabait, mapagmahal pa!" sabat naman ni Carry. "Binobola niyo na ako!" natatawang turan ko sa kanila na sinagot lang din nila ng tawa. Pagdating namin ng mall ay pumasok agad kami sa may department store. Akala ko naman ay mamimili sila ng mga damit ngunit hindi pala. Dinala nila ako sa may infant section. "Bakit tayo narito?" maang kong tanong sa kanila. "Mamimili tayo ng mga gamit para sa baby," masayang pahayag ni Sandra. "Ha? Bakit? Sinong buntis?" sunod-sunod kong tanong sa kanila. "Ikaw, Ate!" bulalas naman ni Carmie. "Ako?!" gulat na gulat kong wika. "Hindi ako buntis," dagdag ko pang sabi. Natigilan ako nang maisip ang posibilidad na baka buntis nga ako. Napaisip tuloy ako kung kailan ang huling dalaw ko at bigla akong kinabahan nang maalalang may dalawang buwan na rin pala ang nakalipas. "Hindi ka pa naman po talaga buntis Ate dahil bubuntisin ka pa lang ni Kuya." Salita ni Cristel ang nagpabalik ng diwa ko sa kanila. "OA kasi itong si Carmie bumulalas minsan," ani naman ni Cynthia. Lumuwang ang dibdib ko nang marinig ang sinabi nilang iyon. Pero, tuluyan namang hindi naalis sa isipan ko ang posibilidad na buntis nga ako. "Paano kung buntis nga ako? Anong gagawin namin ni Seb? Handa na nga ba akong maging ina? Paano ang sakit ko?" sunod-sunod kong tanong sa isipan na nagbigay lumbay sa akin. Ilang oras na kaming naglalakad sa mall at halos wala rin masyadong binili ang mga kapatid ni Seb. Para lang naming inikot ang buong building upang pagmasdan ang kabuuan niyon. "Ate, napapansin kong malungkot ka mula pa kanina. Napapagod ka na po ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Sandra. "Hindi naman, Sandra. Medyo nahihiya lang ako sa inyo," nahihiyang tugon ko sa dalaga. Napansin ko kasing lahat sila ay may sariling pera na kipkip. May sarili silang mga ATM cards pati na rin pitakang gawa mismo sa mga patapong basura na sila ang lumikha. Nakaramdam ako ng inggit sa kanila dahil lahat sila ay mayroong sariling income. Hindi tulad kong ang laman lang ng pitaka ay galing pa sa perang ipinambayad sa akin ni Seb noon sa club. "Ate, huwag kang mahiya sa amin. Isa pa, magiging kapatid ka naman na talaga namin dahil alam kong seryoso si Kuya Seb sa plano niyang pagpapakasal sa iyo," pahayag pa sa akin ni Sandra. "Kasal?" maang kong tanong kay Sandra. "Ate Sandra!!!" tili ni Carmie ang nagpalingon sa amin sa kaniya kung kaya natigil kami sa pag-uusap ni Sandra. Lumapit si Sandra sa kapatid at nakita kong may ibinulong si Carmie sa kaniya. "Hi, Guys!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang gwapong mukha ni Seb. "Kuya!!!" sabay-sabay na tawag ng mga kapatid niya sa kaniya. "O, inalagaan niyo ba ang Ate Nena ninyo?" nakataas kilay niyang tanong sa mga kapatid. "Oo naman, Kuya!" Tila echong umaalingawngaw sa buong paligid ang tinig ng magkakapatid. "Good!" ani naman sa kanila ni Seb. Lumapit siya sa akin at hinapit niya ako sa baywang saka kinintalan nito ng halik sa aking labi. "Hello, Baby! Did you enjoy?" nakangiting tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon. "Baby, bakit parang hindi ka naman nag-enjoy sa pag-iikot ninyo sa mall? Pinagod ka ba ng mga ito?" Turo pa ni Seb sa mga kapatid nito. "Hindi," walang ganang sagot ko sa kaniya. "So, bakit ka nga malungkot?" muling tanong nito sa akin. Tumingin muna ako sa mga kapatid ni Seb na pawang nakalayo na sa amin. "Baby?" "Naiinggit lang ako sa mga kapatid mo," walang gana kong turan sa kaniya. "Huh? Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong niya sa akin. "Mabuti pa sila may sarili silang mga pera. Ako kasi umaasa lang mula sa iyo," malungkot kong saad saka iniyuko ang ulo ko upang itago ang pamumula ng aking mga pisngi. Malakas na halakhak nito ang muling nagpaangat sa aking ulo. Tinitigan ko si Seb na patuloy lamang sa pagtawa. "Anong nakakatawa?" nakalabing tanong ko sa kaniya. "Baby, pa'no mo naman nasabing umaasa ka lang sa akin? Nagtrabaho ka sa kumpanya ko kaya sumasahod ka. Sadyang 'di mo lang kinukuha ang sahod mo mula sa akin," natatawang tugon nito. "May sahod ako?" may pagdududang tanong ko sa kaniya. Muling humalakhak sa akin ang binata kung kaya tinampal ko siya sa kaniyang dibdib. "Aagh!" kunwa'y nasasaktang anas nito na sinabayan pa niya nang pagngiwi ng kaniyang mukha. Mabilis kong tinalikuran si Seb saka sinundan ko ang mga kapatid nitong patungo sa bookstore. "Baby, wait!" tawag nito sa akin. Pinigilan ako nito sa braso saka ipinaharap sa kaniya. "Baby, may sahod ka sa kumpanya unang araw pa lang na pumasok ka roon. Siyempre, bilang empleyado karapatan mo iyon. Naipon na nga lang sa accounting department, pero kunin mo na lang pagpasok mo." Natigilan ako nang marinig ang sinabi nito. Hindi ko iniisip na may sahod pala ako sa kumpanya niya. "Akala ko kasi, gusto mo lang akong makasama sa trabaho," utal kong saad sa kaniya saka nakagat ang ibabang labi ko. "Isa iyan sa importanteng dahilan pero siyempre may karapatan ka pa rin sumahod," nakangiting paliwanag pa nito. Napangiti ako sa sinabi nito. "Sige, kukunin ko ang sahod ko bukas." "At kapag nakuha ko ang sahod ko ililibre ko silang lahat," ani ko sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD