Chapter 22

1031 Words
Dahan-dahang lumapit ang mukha ni Kobie saka lumapat ang kaniyang labi sa aking labi. Kaysarap namnamin ng halik nito at para akong dinadala niyon patungo sa kung saan. Pakiwari ko nga'y napalilibutan na ako ng maraming ulap sa paligid. Masuyo at punong-puno ng pag-iingat ang bawat paggalugad ng kaniyang dila at totoong kaiba iyon sa halik na iginawad sa 'kin ni Seb. Pakiramdam ko'y biglang napaso ang dila at labi ko sa pagkakalapat sa kaniyang labi nang maisip ang lalaki. Nagtatanong ang mga matang tumitig sa aking mga mata si Kobie. "Pasensya na kailangan ko pang maghanap nang malilipatang bahay," pagdadahilan ko sa lalaki. Matamang tumitig ito sa 'kin at maya-maya'y narinig ko ang paghugot nito ng malalim na buntonghininga. "Sorry..." pausal nitong sambit. "Para saan?" kunot noong tanong ko sa kaniya. "Sa paghalik ko sa 'yo." Napangiti ako sa sinabi nito. Itinaas ko ang palad sa kaniyang pisngi saka masuyong hinaplos ito roon. "Wala kang dapat ihingi ng sorry." Nakita ko ang pagdaan ng kakaibang paghanga sa kaniyang mga mata. Paghanga na walang anumang halong malisya na madalas kong makita sa mga walanghiya at manyakis na mga lalaki. Minsan ko na rin nakita ang ganitong klaseng paghanga sa mga mata ni Seb at talaga namang pinatutunayan lang nila sa 'kin na mabubuti nga silang mga lalaki. Sinapo nito ang palad kong nakasapo sa kaniyang pisngi saka dinala niya iyon sa kaniyang labi upang doon halikan. "Thank you!" Kaylambing nang pagkakabigkas nito sa salita at tunay ngang natutuwa ang aking kalooban. Tipid na ngumiti ako sa kaniya saka muling hinarap na nito ang manibela. "Samahan na kitang maghanap nang malilipatan mo," nakangiting pahayag nito. "Sige!" masayang sagot ko naman. Ikinambiyo nito paikot sa may U-turn slot ang kaniyang sasakyan saka binaybay ang tila isang subdivision na may kalapitan ng konti sa club. Ipinarada muna nito ng maayos ang sasakyan sa isang tabi saka sabay kaming bumaba upang tunguhin at baybayin ang magkakatabing bahay na townhouse kung tawagin. Maayos at maganda ang bahay. Up and down na rin iyon at sadyang napakalaki na para sa nag-iisang tao na titira kagaya ko. Mura na rin ang halaga ng renta at tiyak na kakayanin ko na rin mabayaran iyon. "Hmm... Pwedeng-pwede na tayong manirahan dito," pabirong saad ni Kobie. "Sira!" natatawang tugon ko saka mahinang hinampas ito sa kaniyang braso. "I'm serious," biglang sumeryoso ang bukas ng kaniyang mukha. "Hoy! Napakaseryoso mo naman. Wala pa akong balak mag-asawa, no!" natatawang tinampal ko ulit ito sa kaniyang braso. Agad nitong hinuli ang kamay ko saka hinapit niya ako sa baywang palapit sa kaniyang katawan. "I'm serious! And I'm willing to give up my single life for you," bulong pa niya sa likurang bahagi ng aking tainga. "Ang corny mo!" Malakas na humalakhak ako saka mahinang kinurot ito sa kaniyang baywang. Effective naman ang ginawa ko dahil napaurong ito palayo sa akin. Mabuti na rin na malayo siya sa 'kin at baka mailang na ako ng husto sa kaniya lalo na sa mga pinagsasasabi nito. Binayaran ko ang two months advance at one month deposit para sa pag-upa sa bahay na 'yon. Paglipat ko na lamang doon ang aking iintindihin. Nang mapansin kong medyo madilim na sa may labasan ay inaya ko na si Kobie na umalis. Gusto ko rin makapagpaalam ng maayos kay Tiya Melba nang tuluyan na rin akong makalayo sa walanghiyang asawa nito na si Tiyo Gener. "Sa wakas, hindi na ako kakabahan sa tuwing gabi dahil alam kong hindi ko na makakasama pa ang h*yop na Tiyo Gener na iyon," bulong ko sa isipan. "Kumain na muna siguro tayo bago ka pumasok sa trabaho mo," tinig ni Kobie ang umuntag sa lumilipad kong diwa. Hindi ko nahimigan sa tinig nito ang tila panlalait sa aking trabaho. Bagkus ay parang natutuwa pa nga itong bigkasin iyon. "Wala akong pasok ngayon, pinagpahinga ako ng Manager namin. Tatawagan na lang daw niya ako kapag kailangan na ulit ako sa club," pahayag ko kay Kobie na lumawak ang ngiti sa kaniyang labi. "Pagkakataon ko palang masolo ka ngayon." Kumindat pa sa akin ito. "Loko!" Malakas na tinampal ko 'to sa kaniyang braso saka nauna na akong humakbang palabas ng bahay. May ilang minuto rin kaming nagbiyahe at dinala ako nito sa isang restaurant kung saan bigla akong nakaramdam nang pagkaasiwa sa aking itsura. Pa'no ba naman kasi puro mga class at sopistikada ang mga taong nakikita ko roon. "Shall we?" Inilahad pa sa 'kin ni Kobie ang palad niya upang alalayan akong maglakad papasok sa loob ng restaurant. Gawa nang pagkailang na aking nadarama, nanginginig na kumapit ako nang mahigpit sa kaniyang braso. "Relax!" natatawang sambit nito. Paulit-ulit akong humugot ng hangin mula sa baga saka pasimpleng ibinuga iyon upang pawiin ang kabang aking nadarama. Pagsapit namin sa mismong mesa na may nakalagay na reserved ay saka pa lamang ako nakahinga ng maluwang. "Grabe ka naman, parang lahat na yata ng hangin sa baga mo iniluwa mo na," komento sa 'kin ni Kobie. "Ikaw naman kasi, 'di mo man lang ako in-inform na sa mamahaling restaurant mo pala ako planong dalhin. Hindi man lang tuloy ako nakapaghanda," natatawang tugon ko naman sa kaniya saka nag-flip hair. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang papasok si Seb sa may pintuan. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay at biglang napalitan ang masayang bukas ng mukha nito. Para akong itinulos mula sa pagkakaupo at 'di ko maigalaw-galaw ang aking katawan dahil pakiramdam ko'y malilintikan ako sa paraan nang pagkakatitig sa akin ni Seb. Daig ko pa tuloy ang isang estudyante na nahulihan ng kodigo ng kaniyang guro mula sa pag-eexam. "What do you want, Nena?" tanong sa akin ni Kobie nang lumapit sa amin ang waiter. "Ha? H-hindi ko alam," kandautal kong sagot kay Kobie dahil patuloy pa rin nakatutok kay Seb ang aking mga mata. Animo'y may sampung kabayo na nag-uunahan sa pagtakbo sa loob ng aking dibdib dahil sa lakas nang dagundong niyon. "Hi!" malamig na bati ni Seb na 'di ko alam kung patungkol ba iyon sa 'kin o para sa kaniyang kaibigan na si Kobie. "Dude!" masayang bati ni Kobie kay Seb saka tumayo pa ito mula sa pagkakaupo upang tapikin sa balikat ang kaniyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD