Nahagip ng mga mata ko si Gardo na pababa sa kaniyang sasakyan. Mabilis akong lumapit dito upang batiin ito.
"Hello, Gardo!" bati ko sa manager ng mismong club na pinapasukan ko.
"O, Nena! Ba't nandito ka?" takang tanong sa akin nito.
"Maaga po akong pumasok para makatulong pa sa iba," nakangiting tugon ko sa kaniya.
"Ha? Hindi ka ba sinabihan ng Tiya Melba mo na huwag ka munang pumasok para makapagpahinga ka muna?" tanong sa akin ni Gardo.
"Sinabihan po, pero kaya ko na pong pumasok kung inaalala niyo po ako," nakangiting turan ko sa lalaki.
"Naku, Iha. Kabilin-bilinan ko sa Tiya Melba mo na tatawagan na lamang kita kapag papasok ka na. Ano't narito ka ngayon? Kulang pa ba ang ibinigay kong bayad sa trabaho mo para sa isang buong linggo?" mahabang litanya sa akin ni Gardo.
"Po?! Anong bayad?" maang kong tanong sa manager.
"Ibinigay ko iyon sa Tiya Melba mo. Nakapaloob pa nga sa envelope at ibinilot ko ng husto ng scotch tape upang 'di madaling buksan ng kahit sino. May kalakihan din kasi ang halaga na nakapaloob doon," pahayag pa sa akin ni Gardo.
Nanlaki ang mga mata ko nang maisip ang tila envelope na isinilid ko sa loob ng bag. Dali-dali kong binuksan ang bag saka hinugot mula sa loob niyon ang envelope. Pinunit ko ang balot at ganoon na lamang ang pagkagilalas ko nang makita ang malaking halagang nakapaloob doon.
"Iha, ibalik mo na 'yan sa loob ng bag mo at umuwi ka na. Tatawagan na lamang kita kapag kinakailangan na," nakangiting wika sa 'kin ni Gardo.
"Pero, masyado po yatang malaki ang halagang 'to?" maang kong tanong sa kaniya.
"Ayaw mo 'yon? Magpakasaya ka na lang at saka na kita tatawagan ulit. O siya, sige na. Marami pa akong trabahong gagawin." Humakbang na ito papalayo sa akin.
Natutulalang tinitigan ko ang perang hawak. Kung tutuusin ay sobra-sobra na ang halagang iyon upang makahanap ako ng bagong malilipatan na bahay.
"Tama! Gagamitin ko ang pera para makapagbukod," masayang bulong ko sa sarili saka muling isinilid ang mga pera sa loob ng bag.
Siniguro kong hindi mahahalatang pera ang laman ng bag at isinecure ko pa ng maigi.
Nagdesisyon akong maglakad na lamang upang humanap ng maaaring lipatan na bahay na medyo malapit lang din sa may club upang hindi na ako mamasahe pa.
Namangha ako sa bawat kalyeng nilalakaran sapagkat puro mga nagtataasang building ang aking nasisilayan.
"Siguro kung nakapagtapos lang ako ng pag-aaral, isa na rin ako sa mga empleyado ng mga building na iyan," malungkot kong turan habang pinagmamasdan ang mga building.
Namalayan ko na lamang ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata kung kaya dali ko iyong pinahid ng mga daliri sa aking kamay.
Humugot ako ng malalim na buntonghininga saka tumawid sa may pedestrian lane patawid sa kabilang kalsada.
Malakas akong napatili at napalundag nang bumusina ang magarang sasakyan na huminto sa aking tagilirang bahagi.
"Hoy!" bulyaw ko saka mabilis na nilapitan ang sasakyan upang malakas na hampasin ang harapang bahagi niyon.
Pumwesto ako sa may bandang gilid ng pintuan kung saan naroon banda nakaupo ang driver saka inis na kinatok iyon.
"Hoy! Bumaba ka nga riyan nang masapak kita!" nanggigigil sa inis kong anas sa taong nasa loob ng sasakyan.
Nagngingitngit na pinagkakakatok ko nang pinagkakakatok ang pintuan at bintana ng sasakyan upang pababain ang taong nasa loob niyon.
Ang g*gong driver hindi man lang nag-abalang bumaba ng sasakyan, ni hindi man lang din nag-abalang humingi ng paumanhin sa akin.
"Bwisit na 'to!" ani ko sa isipan.
Sinipa ko ang pinto ng sasakyan at muntik pa akong tamaan niyon ng bigla iyong bumukas. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkakatitig sa nakangiting mukha ng lalaki.
"Kobie..." pausal kong bigkas sa ngalan ng binata.
"Hi!" nakangiting bati niya sa akin.
Muntik nang malaglag ang puso ko nang lumitaw ang pantay-pantay nitong mga ngipin. Inirapan ko ito upang pagtakpan ang kilig na aking nadarama.
"Gosh! Ang gwapo niya talaga!" kinikilig kong hiyaw sa isipan.
"Saan ka pupunta?" nakangiting tanong pa rin niya saka ipinitik ang kaniyang dalawang daliri sa aking harapan.
"Ha? Diyan..." Naputol ang sasabihin ko sa kaniya nang sunod-sunod na bumusina ang mga sasakyan sa may likuran ng kaniyang sasakyan.
"Hoy! Huwag kayo riyan magligawan! Humanap kayo ng hotel at doon kayo maglandian," gigil na sigaw sa amin ng driver ng ibang sasakyan.
"I think, sa sasakyan na tayo mag-usap. Shall we?" Inilahad nito ang palad niya sa akin na agad kong tinanggap.
Inalalayan pa muna niya akong makasakay sa bandang shotgun seat bago naman ito umikot sa may driver seat.
"Saan ka nga pala pupunta?" kapagkuwa'y tanong nito habang nagbabiyahe na kami.
"Maghahanap sana ako nang mauupahan na bahay malapit doon sa club para 'di na ako mamamasahe pa papasok," tugon ko naman sa kaniya.
"Kaya pala..." nakangiting anas nito. "Pero halos puro mga building ang naroon sa malapit. Sa condominium mo ba gustong umupa?"
"Naku, hindi! Masyadong mahal ang upa sa mga gano'n 'di ba? Hindi ko afford iyan," bulalas ko naman.
"If you want, ako na ang uupa para sa iyo." Napatingin ako sa kaniyang mukha.
Naisip kong baka iniisip nito na mukha akong pera kung kaya sinusubukan niya akong alukin ng gano'n.
"Hindi!" Iiling-iling kong sabi. "Huwag mong gawin iyan."
"I insist!" patuloy pa nitong anas.
"Huwag mong gawin iyan, Kobie. Mas gusto kong pinaghihirapan ang mga bagay-bagay tulad nang pag-upa ng bahay. Kahit na ganitong klase lamang ang trabaho ko, gusto ko pa rin sanang patunayan ang sarili ko. Isa pa nakakahiya rin sa iyo! Mabuti sana kung asawa kita," mahabang litanya ko kay Kobie.
Pinagmasdan ko pa muna ang gwapong mukha nito at talaga namang kahit sinong babae ay mai-inlove sa kaniya dahil sa taglay niyang karisma plus mayaman pa ito.
"Baka naman matunaw mo na ako sa katititig mo?" nakangiting saad nito.
Iniyuko ko ang ulo upang pagtakpan ang pamumula ng aking mga pisngi. "Gosh! Nakakahiya!"
"Inihatid ka naman ba kagabi ng maayos ni Seb?" Muli kong iniangat ang ulo paharap sa mukha niya upang tumango bilang pagtugon.
Pinisil ng kamay niya ang kamay kong nadampot nito mula sa ibabaw ng aking mga hita saka dinala iyon sa kaniyang bibig upang doon halikan.
Kakaibang pakiramdam ang aking nadama ngunit hindi ko man lamang naramdaman sa paghawak nito ang matinding init at nakakakiliting sensasyon na aking nadama mula kay Seb.
Ipinilig ko ang ulo upang alisin sa isipan ang mukha ni Seb na bigla na lamang sumulpot doon.
"Nena..." Itinutok ko ang mga mata sa mga mata ni Kobie, kaya't nagsalubong ang aming mga paningin.
"Sana, ako naman ang makasama mo." Napanganga ako rito at 'di malaman ang aking isasagot sa kaniyang sinabi.