Chapter 25

1112 Words
Hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ko ang ID niyang nakasabit sa may harap ng sasakyan malapit sa may salamin. Sebastian Concepcion Dela Cruz Nagitla ako nang mabasa ang buong pangalan nitong nakasulat sa loob mismo ng laminated ID card kalakip ang kaniyang mukha. Binuhat niya ako at ipinaupo sa ibabaw ng kaniyang kandungan. Hindi ko naiwasang mapaluha nang magtagpo ang aming mga mata. Hindi ko akalaing ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang intern teacher ko na nagtanggol sa 'kin limang taon ng nakalilipas. Si Seb ang laging dumarating sa oras na nanganganib ako kagaya na lamang nang panahon na binastos ako ni Rodel pati na rin ng iba pa naming mga kaklase no'n. Si Seb din ang sumalba sa 'kin sa club at siya rin ang unang lalaking napagkalooban ko ng puri. Para itong knight in shining armor ko sa oras na nanganganib ako. Nakaramdam ako ng kaginhawaan nang tuyuin ng labi nito ang mga luhang nagkalat sa aking pisngi at ipinasandal niya ako sa kaniyang dibdib. Muling nagbalik sa alaala ko ang araw na iniligtas niya ako kay Rodel. 'Di ko na naman naiwasang mapaluha dahil iyon din ang huling araw na pumasok pa ako sa eskwelahang iyon. Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Seb saka matamang tumitig sa akin ang kaniyang mga mata. Inangat ko ang kanang palad saka paulit-ulit na ipinahaplos iyon sa kaniyang pisngi. "Salamat at napakabuti mo pa rin sa akin." Habang patuloy kong hinahaplos ang kaniyang pisngi, 'di ko maiwasang mapatitig sa mapupula niyang mga labi. Gusto ko itong halikan kung kaya't dahan-dahan kong ipinalapit ang mukha sa kaniyang mukha. Ngunit biglang isinapo nito ang mga palad niya sa kaniyang ulo at napapangiwi ito sa 'di malamang dahilan. Dala nang kalituhan, ang palad kong humahaplos sa kaniyang pisngi ay dinala ko sa kaniyang mga kamay na nakasapo sa ulo nito. "Nena..." usal nito sa aking pangalan. Napaluha ako matapos niyang sabihin ang tungkol sa nakaraan. Naaalala niya pa rin ako gaya ng kung pa'no ko rin siya naaalala. Masaya akong malaman na hinanap din pala niya ako noon. Sobrang lito ang isipan ko no'n kaya matapos niya akong iligtas kila Rodel ay agad ko rin siyang tinakbuhan palayo. Mahigpit akong niyakap nito na ginantihan ko rin naman hanggang sa tuluyan kaming nauwi sa mainit na pagsasanib ng aming mga katawan. Matapos maabot ang sukdulan ay tuluyan na akong napapikit sa kaniyang dibdib hanggang sa hilahin na rin ako ng antok patungo sa isang magandang panaginip. ********** Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ang malambot na kama na aking kinahihigaan. Agad na napabalikwas ako ng bangon at nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ang suot-suot na damit. "Nasaan ako? Kaninong damit naman itong suot ko?" wala sa loob kong tanong sa sarili nang mapagtantong hindi ko kwarto ang kinaroroonan. Pilit kong inalala sa isipan ang huling nangyari sa akin at sa pagkakatanda ko ay magkasama kami ni Seb sa sasakyan nito. "Nasaan kaya ang lalaking iyon?" tanong kong muli sa sarili. Napasimangot ako nang maisip na baka iniwanan na lamang ako ng binata sa isang hotel dahil tinulugan ko na siya matapos ang mga naganap. "E, sa napagod ako. Anong magagawa ko?!" nakangiwing anas ko sa isipan. Inilinga ko ang paningin sa paligid at wala akong ibang taong makita roon na pwedeng natutulog lang sa may couch. Mukhang mamahalin ang mga gamit na naroon dahil hindi ko ito nakikita sa bahay ng mga mahihirap na taong tulad ko. Nakarinig ako ng tatlong katok mula sa likod ng pinto kung kaya bumaba ako mula sa kama saka tinungo ko iyon upang buksan. "Hi!" malambing na bati sa 'kin ng dalagitang may hawig kay Seb. "Hi!" ganting bati ko sa kaniya. "Ako nga po pala si Carmie, kapatid ni Kuya Seb," nakangiting pagpapakilala sa akin nito. Nagulat ako ng biglang yumakap sa akin ito na ginantihan ko rin naman. "Carmie, huwag mong takutin ang bisita natin." Napatingin kami pareho sa taong may-ari ng baritonong boses. Gwapo rin ito at matangkad tulad ni Seb, ngunit mas may dating pa rin sa akin ang isa kumpara rito. "My name is Sandro." Humakbang ito palapit sa amin ni Carmie. "And what is the name of our beautiful guest?" nakangiting tanong pa sa 'kin nito. "Nena!" nakangiting tugon ko naman. Mukha namang mababait ang mga 'to at 'di maikakailang mga kapatid sila ni Seb dahil halos magkakahawig ang kanilang mga mata. "Kuya Sandro bisita ni Kuya Seb si Ate Nena, paalala ko lang po sa 'yo kung ayaw mong kumulog dito sa loob ng bahay," humahagikhik na saad ni Carmie. "Para nagpapakilala lang!" nakalabing turan ni Sandro saka kakamot-kamot ng kaniyang ulo. Nagmukha siyang teenager sa kaniyang inasta kung kaya natawa ako sa kaniya. "Sandro! Carmie!" dumadagundong ang boses ni Seb sa kahabaan ng hallway habang patungo sa aming kinaroroonan ng kaniyang mga kapatid. "Lagot ka, Kuya!" bulong ni Carmie kay Sandro na may alanganing ngiting nakaplastar sa kaniyang mukha. "Ano'ng ginagawa niyo rito?" tanong ni Seb kina Sandro at Carmie. "Nakita ko kasing ipinasok mo siya rito kagabi kaya naalala kong katukin upang ayain na siyang mag-almusal," paliwanag ni Carmie. "And you?" nakataas kilay na tanong naman ni Seb sa kapatid niyang si Sandro. "Kuya, nagpapa-cute siya sa bisita mo," sumbong ni Carmie kay Seb. "What?!" bulalas naman ni Seb sa kaniyang kapatid saka hinarap nito si Sandro. "Hoy! Hindi totoo 'yan, Kuya. Ikaw nga una kong hinanap sa kaniya kahit tanungin mo pa si Miss..." Tumingin pa sa akin si Sandro. "Ano nga ulit name mo?" Napahagikhik ako ng malakas na binatukan sa ulo ni Seb si Sandro. Napangiwi naman sa sakit ang huli. "Tsk! Kuya Sandro naman kasi..." iiling-iling na anas ni Carmie saka kumapit ito sa kaliwang braso ko. "Tara na, Ate Nena. Sabay ka na pong kumain sa amin," nakangiting aya nito. "Naku, huwag na! Uuwi na rin ako para 'di ko na kayo masyado pang maabala," tugon ko sa dalagita. "Tiyak naman pong hindi ka rin makakauwi, Ate," saad pa sa 'kin ni Carmie. "Ha? Bakit naman?" maang kong tanong sa kaniya. "Nandito lang pala kayo, ba't hindi pa kayo magsipagbaba sa kusina nang makakain na tayo?!" Lahat kami ay napalingon sa taong nagsalita. "Hi, Ma!" Sabay-sabay na lumapit ang tatlo sa kanilang ina saka isa-isa silang humalik sa pisngi nito. "Ma, this is Nena! Nena, si Mama," pagpapakilala sa akin ni Seb sa kaniyang ina. Lumapit ako rito upang magmano bilang pagbibigay galang. Nakadama ako ng hiya nang hawakan nito ang mga kamay ko. "Gosh! Ang lambot ng kamay niya!" hiyaw ko sa isipan. "Ikaw ba ang girlfriend ng anak ko?" nabigla ako sa tanong na iyon kung kaya hindi ako nakasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD