Hindi na pumapasok si Seb sa trabaho mula nang lumabas ako ng ospital. Ibinigay niya kay Sandra ang pamamahala sa kaniyang opisina sa tulong na rin ng kakambal nitong si Sandro. Hindi ako pabor sa gusto ni Seb no'n una pero ayoko namang makipagtalo pa sa kaniya para lang sa ganoong usapin. Isa pa'y tinanggap din naman ni Sandra ang position ng Kuya niya para matuto na rin siyang mamuno sa isang kumpanya. Lahat ng mga bagay at usapin tungkol kay Seb ay in-open na niya sa akin. Wala na siyang inililihim na kung ano pa man ultimo nunal niya sa katawan. Kagaya ng dati ay mahilig pa rin kami pareho pagdating sa s*x at madalas pa rin naming pinagsasanib ang aming mga katawan kahit buntis na ako. Hindi ko na rin ramdam ang sakit ko at kagaya nang sinabi sa akin ng doktor ay tuluyan na iyong

