Ang init talaga ng pakiramdam ng isang buntis. Madalas akong magbabad sa banyo para lang maligo. Sabi nina Mama Cassy at ng OB Gyne ko ay normal lang daw iyon sa akin dahil nga sa buntis ako. "Seb..." Mahinang niyugyog ko ang natutulog na binata. Kinabukasan, matapos ang bendisyon ng pari sa bagong bahay namin ay agad na kaming lumipat doon dahil iyon din ang kagustuhan ni Seb. "Hmm?" paungol niyang sagot sa akin. "Gusto ko ng ice creame," ungot ko sa kaniya. "Huh? Ice creame?" Biglang bumalikwas ng bangon si Seb saka pupungas-pungas na humarap sa akin. "Anong flavor, Baby?" Ito ang gusto ko kay Seb, kapag may hiningi akong pagkain sa kaniya ay agad niyang ibinibigay sa akin. Naalala ko tuloy ang pag-uusap namin noong nakaraang araw. Iyak ako nang iyak dahil sa nakita kong babaen

