Kaarawan ko ngayong araw at alam kong hindi alam ni Seb iyon dahil hindi ko maalalang nasabi ko iyon sa kaniya. "Happy birthday to me!" bati ko sa sarili saka hinimas ang maumbok kong tiyan. "Maswerte akong makasama kayo ng Daddy mo sa araw na 'to," kausap ko pa sa anak na hindi pa naisisilang. Magluluto na lang ako ng pansit para may mapagsaluhan kami. Bumaba ako sa kama saka tinungo ang pintuan. Nang pipihitin ko na ang seradura ng pinto, bigla na lang iyon bumukas at saka iniluwa si Seb. "Magbihis ka, Baby. Aalis tayo," ani nito sa akin. "Saan tayo pupunta?" maang kong tanong sa kaniya. "May pupuntahan lang tayong mahalaga," seryosong sagot naman nito. Seryoso ang anyo ni Seb at tila hindi siya nagbibiro kung kaya sinunod ko na lang ang binata. Nakapagbihis na ako at nakahanda

