Chapter 9

1209 Words
"Don't worry, hindi ka mabibitin diyan oras na isubo mo iyan. Mas malaki pa kay Kobie 'yan for sure." Supladong tinig nito ang umuntag sa pagkakatitig ko sa kaniyang harapan. Napaismid ako sa kaniyang sinabi. "Ang hangin!" "May sinasabi ka ba?" tanong naman nito. "Mas gwapo si Sir Kobie sa'yo," mapanglait kong tugon sa kaniya. "Mas masarap naman ako sa kaniya!" asar talong turan nito. Mapanglait kong pinagmasdan ito saka biniletan ko siya. Tinalikuran ko ito at humarap ako sa may bintana ng sasakyan sa may bandang gilid ko. In fairness, mas gwapo nga siya kay Kobie, pero mas mabait pa rin para sa akin ang huli. "Sh*t!" Dagli akong napalingon sa kaniya nang marinig ang pagmura nito. Nakita ko ang mga kaibigan niyang nakaabang sa may labas ng kaniyang sasakyan habang panay naman ang katok ni Kobie sa salaming nasa may bandang gawi nito. "Open this window, Seb!" Malakas na pagsigaw ni Kobie. Ang gwapo talagang pagmasdan ni Kobie. Napakamaskulado ng morenong katawan nito at tila kay sarap yakapin niyon. "Sir, ba't hindi mo na lang buksan iyang bintana para makausap mo sila?" tanong ko sa katabing lalaki. "No! Ako ang unang customer mo," matigas nitong tugon sa akin. "E 'di ikaw na!" nakalabing sagot ko naman sa kaniya saka muling isinandal ang aking likuran sa may upuan. "Ang layo ng sagot sa sinabi ko!" Inismiran ko ito nang paulit-ulit. "Seb!" Malalakas na pukpok sa bintanang salamin nito ang bumubulabog sa aming lahat. Ibinaba ng lalaking katabi ko ang bintana sa tabi nito. "I told you, ako ang mauuna sa kaniya, Kob," mariin nitong sabi kay Kobie. "Fine! Ikaw na ang panalo!" sumusukong anas ni Kobie saka itinaas pa ang kaniyang mga kamay. "Pero huwag na kayong umalis upang 'di masayang ang binayaran kong kwarto rito. Remember Dude, singkwenta mil ang binayaran ko para sa magandang babaeng katabi mo. Pagkatapos, ikaw na walang ambag pa ang unang gagamit," dagdag pang sabi nito saka binatukan sa ulo si Seb dahilan para mapangiwi ito. "Oo nga naman, Dude. Dumito na kayo para kung tapos ka na kay Miss Ganda, kami naman." Kumindat pa sa akin ang medyo chinito na lalaki. "I must find another place for us," sagot naman ni Seb. Isasara na sana nito ang salamin ng bintana nang mabuksan ni Kobie ang pinto ng sasakyan. "Payag na nga kaming ikaw ang mauna Dude, pero rito kayo mag-stay. Isa pa, magpakasaya muna tayo. Kadarating mo nga lang e," tila nangungunsensiyang wika ni Kobie kay Seb. Nagtagis nang tinginan ang dalawang lalaki at walang gustong magpakumbaba hanggang sa tuluyang sumuko si Seb. Napabuntonghininga na lamang ito at saka naiiling na bumaba ng sasakyan. Malakas na naghiyawan ang mga kaibigan nito at nagpalakpakan pa ang mga iyon. Binuksan ni Kobie ang pinto sa aking banda at inalalayan ako nitong makababa ng sasakyan. "Thank you!" kiming pasasalamat ko sa kaniya. "You're welcome, Miss Beautiful!" Dinala niya ang kamay kong hawak pa rin nito sa kaniyang bibig at doon ay hinalikan iyon. Kinilig ako sa ginawa nito at 'di malaman ang aking gagawin. Pakiwari ko'y nanlamig ang buong kamay ko at parang gusto kong bawiin iyon pansumandali kay Kobie upang kalamayin ang sarili. Naputol ang paghawak sa akin ni Kobie nang agawin ni Seb ang kamay ko mula sa kaniya. "Let's go inside!" pasupladong wika ni Seb. "Let's go!" malambing na aya sa akin ni Kobie na ginantihan ko naman ng matamis na ngiti. "Gosh! Crush ko na yata siya!" impit kong tili sa isipan. Muling hahawakan sana ni Kobie ang kamay ko nang hilahin naman ako ni Seb. "Ako nang aalalay sa kaniya, Kob," matigas nitong turan sa kaibigan. Kibit balikat na tumalikod na lamang si Kobie saka humakbang na ito pabalik sa club na sinundan naman ng iba nilang mga kaibigan. "Sa akin ka lang dumikit," pabulong na anas sa akin ni Seb. "Bakit naman?" mataray kong tanong naman sa kaniya. "Dahil sinabi ko!" matigas nitong turan. "Si Kobie nagbayad tapos ikaw ang demanding," bubulong-bulong kong anas sa sarili. Napaigtad ako nang isuot sa akin nito ang kaniyang coat. Dala ng pagkailang, nauna na akong humakbang at saka iniwanan ang nakabusangot na si Seb. Pagdating sa may pintuan ng club ay naroon nakatayo at nakaabang sa amin si Kobie. Matamis na ngumiti ito sa akin saka inalalayan ako. Nang makarating kami sa kanilang mesa ay sinenyasan nito ang waiter saka humingi ng drinks para sa akin. Umupo sa magkabilaang gilid ko ang dalawang lalaki. Ako ang naiilang sa kanilang dalawa dahil sa bawat galaw ko ay tila nagpapaligsahan naman sila sa pagpapapansin sa akin. Para lang silang umiinom ng tubig kung uminom ng alak. Nakakailang shots na silang magkakaibigan ngunit wala man lang nalalasing sa kanila. "Ano nga palang pangalan mo, Miss?" tanong sa akin ng medyo mestizo na lalaki. "Nena po..." kiming sagot ko naman. "You look familiar to me. Hindi ko lang maalala kung saan kita nakita," ani naman ng lalaking katabi nito. "Baka akala mo lang iyon, CJ," sansala naman ni Kobie. "Maybe!" kibit balikat na tugon nito. "Malamang madalas ka rito sa club kaya nakikita mo na rin siya," sabat naman ng lalaking kaharap namin. "Ul*l! Anong palagay mo sa 'kin, katulad mong malibog? Palibasa, ikaw ang pinakamatanda sa amin dito, Jerson," kutya ni CJ sa lalaki. "Matanda lang sa inyo pero mas masarap pa rin," natatawang tugon naman nang tinawag na Jerson. "Try this shot, Nena." Inabot sa 'kin ng lalaking medyo kahawig ni CJ ang shot glass. Nagulat ako kina Kobie at Seb ng sabay na agawin ng mga 'to ang shot glass buhat sa aking kamay. "JC, huwag mong bigyan nang bigyan ng inumin si Nena," suway ni Kobie sa lalaking nag-abot sa akin ng shot glass. Natuwa ako sa ipinapakitang pagmamalasakit sa 'kin ni Kobie. Feeling ko tuloy ay nadagdagan ang pagka-crush ko sa kaniya. "Relax, Dude! Nagiging OA na kayong dalawa ni Seb," nakangising wika ng lalaki. "Huwag mo siyang lasingin at hindi pa ako nakakapaningil sa kaniya," tugon naman ni Seb. Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa puso nang marinig ang tinugon ni Seb. Hindi ko alam kung bakit, pero totoong nasasaktan ako. Marahil ay isa lamang talaga akong bayaring babae para sa kaniya. Dala ng inis, galit at halo-halong emosyon na aking naramdaman, inagaw ko ang shot glass ng alak na hawak nito saka inisang lagok ko ang laman niyon. Napangiwi ako nang malasahan ang pait ng alak sa aking lalamunan. Para iyong humihiwa at matinding init ang inuukilkil sa lalamunan ko na siyang lumikha ng kati kaya sunod-sunod akong napaubo. "Nena!" bulalas ni Kobie saka masuyong hinagod nito ang aking likuran. "Bakit mo ininom?" May pag-aalala akong nahimigan sa tono ng boses ni Kobie at parang hinaplos ang puso ko. Hindi ko alam kung anong dahilan, ngunit bigla na lamang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata at mula sa tahimik na pagluha ay tuluyan iyong nauwi sa mahinang paghikbi "Look what you have done to her, JC," pagalit na sabi ni Seb saka marahas na tumayo ito. Nagitla ako nang buhatin ni Seb na tila sa isang bagong kasal lamang at walang kaabog-abog na umalis kami sa harapan ng kaniyang mga kaibigan. "Seb!" dinig kong tawag ni Kobie sa kaibigan na 'di nag-abalang lumingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD