Sumunod pala sa amin si Kobie, akala ko ay hinayaan na lamang kami nito na tuluyang makaalis.
"Seb, ibalik mo si Nena sa loob," sigaw ni Kobie na patuloy sa paghabol sa amin ni Seb.
Naramdaman ko ang pagpigil ni Kobie kay Seb sa braso ng huli nang abutan niya kami.
"Aalis na kami Kob at lumalalim na rin ang gabi," malamig na wika ni Seb.
"I told you Dude, bayad ang isang kwarto rito. Kaya roon na kayo magpalipas ng gabi," pagpupumilit naman na saad ni Kobie.
"I think it's not a good idea. Mas mainam ng sa hotel na lang kami," pagtutol pa rin ni Seb.
Humugot ng buntonghininga si Kobie bago muling nagsalita. "Ganito na lang, si Nena na ang pagdesisyunin natin tungkol sa bagay na 'yan. Hayaan mo siyang mamili at maging patas ka Dude this time."
Marahas na buntonghininga ang pinakawalan ni Seb saka tumitig ito sa aking mukha. Hindi man lang ito nag-abalang ibaba ako at 'di man lang din nito inalintana ang bigat ko.
"Narinig mo ang sinabi ni Kobie, ikaw na ang bahalang magdesisyon kung saan mo gustong manatili. Dito ba o sa hotel na lang?" patanong na anas sa 'kin nito.
Para akong nahihipnotismo sa kaniyang mga titig at kusang umangat ang aking kamay upang isapo iyon sa kaniyang mukha kasabay nang paulit-ulit kong paghaplos sa kaniyang pisngi.
Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko'y ang sarap haplusin ng kaniyang pisngi. Akala ko nga'y magagalit ito sa aking ginawa ngunit lalo lamang nitong idinikit ang kaniyang mukha sa aking palad.
"Ehem!" Tikhim ni Kobie na siyang dahilan nang paglingon ko rito.
Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito dahilan kung kaya pati ako'y nalungkot na rin.
"Nakapagdesisyon ka na ba, Nena?" malumanay na tanong sa akin ni Kobie.
Naisip ko ang ibinayad nitong singkwenta mil at totoong nanghihinayang ako sa perang iyon.
Kaya nga ako narito sa club ay dahil sa pera tapos sila na parang balewala lamang ang paggastos ay 'di man lang gamitin.
Muli akong napatingin kay Kobie saka ibinaling ko ang paningin kay Seb.
"Gamitin na lang natin ang kwartong binayaran nila," may pakiusap kong saad kay Seb saka muling hinaplos ko ang pisngi nito.
Matamang tumitig ito sa 'kin na tila inaalam kung totoo ang aking sinabi saka tumingin ito kay Kobie.
"Where's the room?" tanong ni Seb kay Kobie.
Nakita ko ang malungkot na pagngiti ni Kobie saka matamang tumitig ito sa akin.
"Follow me!" malamig na wika ni Kobie saka tinalikuran na kami nito.
Pahakbang na sana si Seb nang pigilin ko ito. Nagtatanong ang mga matang tumingin ito sa aking mukha.
"Pwede bang ibaba mo na ako? Marunong naman akong maglakad," reklamo ko sa kaniya.
"Don't worry, I can handle you!" Saka humakbang na ito pasunod sa lugar kung saan nagtungo si Kobie.
Pakiramdam ko'y napagod akong makipagtalo sa kaniya kung kaya isinandig ko na lamang ang ulo ko sa kaniyang dibdib saka ipinikit ang aking mga mata.
May ilang minuto rin itong naglakad hanggang sa maramdaman ko ang paghinto nito. Idinilat ko ang mga mata saka inilinga iyon sa paligid.
"Excuse me, Sir. Baka pwedeng ibaba mo na ako," wika ko kay Seb saka kinalabit ko ito sa kaniyang braso.
"Grabe naman ang tigas ng muscle nito. Kasintigas talaga ng bakal! Hindi kaya himatayin ako nito mamaya?!" pabulong kong anas sa isipan.
Ibinaba naman ako nito saka masuyong inalalayan sa pagtayo.
"Heto ang kwarto na binayaran ko para kay Nena," malungkot na wika ni Kobie na aking nilinga kung kaya nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Thanks, Kob! Pwede mo na kaming iwan." Tinapik ni Seb si Kobie sa balikat.
"Dude baka pwedeng arborin ko na sa'yo si Nena since ako naman talaga ang pinili niya," nagsusumamong pakiusap ni Kobie saka matamang tumitig ito sa aking mukha at nginitian ako.
"No, Kob! Ako na ang bahala sa kaniya. I'm gonna pay you at my office!" mariing pahayag ni Seb sa kaibigan.
"Bakit hindi mo hayaang si Nena ang magdesisyon na hindi ikaw ang kailangang masunod," hamon naman ni Kobie kay Seb.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa nang magtitigan sila ng masama sa isa't isa kaya wala sa sariling pumagitna ako sa kanila.
"Ahm..." Pinagdikit ko muna ang dalawang hintuturo saka inilapat ang mga palad ko sa kani-kanilang mga dibdib.
"Ang titigas ng dibdib nila!" Natitilihang usal ko sa isipan.
"Sabihin mo Nena kung ano sa palagay mo ang magandang gawin. Sino ba sa amin ni Seb ang pipiliin mo?" tanong sa akin ni Kobie.
"Ha? A... E..." Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot.
"Oh my! Bakit 'di ako na-inform na may ganito palang ganap sa club," asik ko sa isipan.
"Nena..." untag sa 'kin ni Kobie.
Tiningnan ko si Kobie saka ipinaling ko rin ang ulo kay Seb. Napabuga ako ng malalim na buntonghininga at bumilang ng ilang ulit sa aking isipan upang makapag-isip ng matino.
"Ganito na lang..." Muli ko silang tiningnan na dalawa sa kanilang mga mukha bago ako nagpatuloy sa pananalita.
"Kahit sinong mauna sa inyo ay asahan ninyong seserbisyuhan ko pa rin ang susunod sa kaniya. Kung anong performance ko sa mauuna, ganoon din ang gagawin ko sa kasunod. Not unless virgin kayo?! Uunahan ko na kayo, ayoko sa lalaking birhen!"
Hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga salitang iyon. Tanging ang alam ko lamang ng mga sandaling iyon ay kailangan kong maayos ang gusot na ito.
Pa'no naman ako magpe-perform ng kagaya sa mauuna gayong wala naman akong karanasan sa pakikipagtalik.
"Nalintikan na talaga!" ani ko sa isipan kasunod ang sunod-sunod na pagmumura.
Nagulat ako sa ginawang pagtapik ni Kobie kay Seb saka tuluyan na itong tumalikod sa amin.
"Pumasok ka na sa loob ng kwarto at mag-uusap lang muna kami ni Kobie. Hintayin mo na lang ang pagpasok ng sino man sa amin," malamig na utos sa 'kin ni Seb,"
Sinunod ko ang utos sa 'kin nito na pumasok sa loob ng silid. Napanganga ako sa ganda ng kwarto. Mas malaki pa ito sa bahay ni Tiya Melba.
Nakita ko ang nakakabit na telebisyon sa may pader kung kaya nilapitan ko iyon upang paganahin.
Biglang nag-init ang aking pakiramdam nang mapanood ang mainit na eksena ng babae at lalaking nagtuturjakan na sinasabayan pa ng malakas na ungol.
Natatarantang inilipat ko sa ibang channel ngunit puro nagtitirahan pa rin ang eksenang inilalabas ng telebisyon. Iba't ibang posisyon pa!
"T*ngna! Puro nagkak*nt*tan lang ba talaga ang palabas sa TV sa hotel," bulong ko sa sarili saka pinatay ang telebisyon.
Kakaibang init ang gumapang sa aking katawan nang maalala sa isipan ang iba't ibang posisyon at eksebisyon na nasaksihan ko sa palabas sa TV.
Hinubad ko ang isinuot na coat sa akin ni Seb at ipinatong ko iyon sa may couch. Dinampot ko ang tuwalyang nakapatong sa may ibabaw ng kama saka pumasok ako sa loob ng banyo.
Binuksan ko ang shower at hinayaang mabasa ng tubig ang aking katawan upang alisin ang init na nararamdaman ko.