bc

Spy Turn to Love the Target

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
forbidden
contract marriage
heir/heiress
drama
tragedy
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Isang assassin, isang billionaire, at isang mission na puno ng kasinungalingan.

Si Eva Garcia ay isang secret agent na walang kinatatakutang misyon, kahit gaano ito kadelikado, basta may target, tatapusin niya ang trabaho.

Hanggang sa dumating si Zane Villanueva, isang billionaire at CEO ng Villanueva Holdings, na ipinag utos sa kanya na patayin.

Walang personal na dahilan para magdalawang isip si Eva, hanggang sa mismong gabing dapat niyang tapusin ang mission, may isang tawag na nagpabago sa lahat.

"Eva, huwag mong patayin si Zane."

Natigilan siya.

Hindi si Zane ang tunay na target.

May nagmanipula sa mission file niya, at ang totoong pangalan sa orihinal na file ay isang taong malapit sa pamilya Villanueva.

Ngayon, hindi na lang buhay ni Zane ang nakataya, pati ang buhay ni Eva ay nasa panganib.

Habang sinusubukan nilang tuklasin kung sino ang tunay na nasa likod ng lahat, unti unting lumalabas ang mga lihim, pagtataksil, at mga taong handang pumatay para manatiling nakatago ang katotohanan.

Pero may isang bagay na hindi kasama sa plano ni Eva.

Ang mahulog sa lalaking dapat niyang patayin.

At nang malaman ni Zane na ang babaeng nasa tabi niya ay hindi isang ordinaryong babae, magsisimula ang isang laro kung saan walang sinuman ang ligtas.

Dahil sa mundong puno ng assassin, lihim, at pagtataksil, minsan ang pinakamapanganib na tao ay hindi ang taong may hawak ng baril.

Kundi ang taong natutunan mong mahalin kahit alam mong maaari ka niyang patayin.

chap-preview
Free preview
Chapter-1
Alas onse na ng gabi nang tingnan ni Eva Garcia ang relo sa kanyang kamay, Sa ibaba ng mataas na gusali ay patuloy pa rin ang pagdaan ng mga sasakyan sa mga kalsada ng Makati, Kita pa rin ang mga ilaw mula sa mga restaurant at mga gusaling bukas pa kahit gabi na, May mga taong pauwi galing trabaho, habang ang iba naman ay nagsisimula pa lamang sa kanilang gabi. Pero sa rooftop kung saan nakatayo si Eva, halos hindi na marinig ang ingay mula sa kalsada. Malamig na hangin lamang ang dumadampi sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa malaking gusali sa kabilang kalsada. Ilang minuto na siyang naghihintay pero wala pa ring malaking pagbabago sa paligid, mula sa kanyang kinatatayuan ay tanaw niya ang mga ilaw mula sa private office sa itaas ng gusali. Paminsan-minsan ay may aninong dumadaan sa likod ng salamin, pero hindi niya kailangang hulaan kung sino ang naroon dahil ilang oras na niyang pinag-aralan ang lugar bago siya pumunta roon. Simple lamang ang suot niyang itim na damit at maayos na nakatali ang mahaba niyang buhok. Wala siyang mamahaling alahas at maliit lamang ang bag na dala niya. Kung may makakakita sa kanya, madali nilang maiisip na isa lamang siyang ordinaryong babae na may hinihintay o may pupuntahan sa hotel. Walang makakahalata na sa likod ng maamo niyang mukha ay isang babaeng ilang taon nang namumuhay sa mundong hindi niya basta maaaring iwanan. Dalawampu't apat na taong gulang pa lamang si Eva pero marami na siyang natapos na mission. Sanay na siya sa mga trabahong hindi puwedeng ikuwento kahit kanino. Natuto siyang maghintay ng tamang oras, magmasid sa bawat kilos ng mga tao at huwag gumawa ng bagay na maaaring makasira sa kanyang plano. Hindi siya madaling maawa at hindi rin siya sanay magtanong kung tama ba o mali ang ipinapagawa sa kanya kapag trabaho na ang pinag-uusapan. Kapag sinabi sa kanyang tapusin ang isang tao, ginagawa niya iyon nang walang pag-aalinlangan dahil iyon ang mundong matagal na niyang nakasanayan. "Eva, naririnig mo ba ako?" Mabilis na hinawakan ni Eva ang maliit na earpiece sa kanyang tainga habang hindi inaalis ang tingin sa gusali. "Naririnig kita." "Kumusta ang paligid?" "Tahimik naman. Wala akong nakikitang pagbabago sa security." Muli niyang tiningnan ang kanyang relo bago ibinalik ang tingin sa gusali. Alam niyang nasa loob na roon ang target niya. "Zane Villanueva. Dalawampu't siyam na taong gulang. May-ari ng Villanueva Holdings." Kabisado na ni Eva ang impormasyong iyon dahil ilang beses na niyang binasa ang file bago siya pumunta sa lugar. Alam niyang hindi madaling lapitan si Zane dahil mayroon itong sariling security team at halos bawat galaw nito ay binabantayan. Pero hindi iyon problema para kay Eva. Sanay siyang pumasok sa mga lugar kung saan hindi siya dapat naroon at lumabas nang walang nakakaalam. "Ano ang mission?" Alam na niya ang sagot pero kailangan pa rin niyang marinig ang final instruction. "Patayin si Zane Villanueva." Saglit na nanahimik si Eva habang nakatingin sa mga ilaw ng private office. "Bakit?" "May nalaman siya tungkol sa isang illegal na negosyo na konektado sa isang malaking grupo. Masyado na siyang malapit sa katotohanan kaya kailangan siyang mawala bago pa siya makapagsalita." Hindi agad sumagot si Eva. Muli niyang tiningnan ang gusali at ang mga taong gumagalaw sa ibaba. Hindi niya alam ang buong kuwento sa likod ng utos na iyon at hindi rin niya kailangang malaman. Sa trabaho niya, sapat nang alam niya kung sino ang target at kung ano ang kailangan niyang gawin. Para sa kanya, isa lamang itong trabaho. Si Zane Villanueva ay isa lamang taong kailangan niyang tapusin bago matapos ang gabi. Pagkaraan ng ilang sandali ay pinatay ni Eva ang communication at muling itinuon ang kanyang atensyon sa gusali. Hindi siya nagmamadali. Alam niyang mas maraming problema ang maaaring mangyari kapag hindi pinag-iisipan ang bawat kilos. Ilang taon na niyang ginagawa ang ganitong trabaho kaya natuto siyang huwag basta magtiwala sa unang nakikita niya. Bago siya tuluyang umalis sa rooftop ay inayos muna niya ang kanyang buhok at sinilip ang maliit na bag na dala niya. Nasa loob nito ang mga gamit na kailangan niya para sa mission at alam niyang sapat ang mga iyon para matapos ang trabaho. Ngunit bago siya tuluyang makaalis ay muli siyang napatingin sa private office sa itaas ng gusali. May isang lalaki na dumaan sa likod ng salamin. Saglit na natigilan si Eva. Hindi niya alam kung si Zane iyon o isa lamang sa mga taong kasama nito. May kakaibang pakiramdam na dumaan sa kanyang dibdib pero agad niya iyong binalewala. Hindi siya puwedeng magpadala sa nararamdaman niya. Inalis niya ang tingin sa gusali at tuluyang naglakad papunta sa hagdan. Samantala, sa kabilang building, tahimik na nakaupo si Zane Villanueva sa loob ng kanyang private office. Hawak niya ang isang folder na ilang minuto na niyang binabasa pero hindi niya gusto ang mga nakikita niya. May malaking halaga ng pera na dumadaan sa isa sa kanilang mga kumpanya, pero wala siyang alam tungkol dito at lalong hindi niya iyon inaprubahan. Ilang buwan nang may ganitong mga transaksyon at noong una ay inakala niyang normal lamang na galaw ng pera sa kumpanya. Ngunit nang ipasuri niya ang mga record, napansin niyang may ilang account na paulit-ulit na ginagamit. Mas lalo siyang nagduda nang makita niyang may mga halagang lumalabas sa records na hindi niya maalala kung kailan niya inaprubahan. Hindi niya maalis sa isip niya ang isang bagay. May gumagamit ng kumpanya niya nang palihim. Mas lalo siyang kinabahan nang makita niyang may ilang pangalan na konektado sa mga transaksyon at isa sa mga iyon ay malapit sa kanyang pamilya. Kinuha ni Zane ang phone na nakapatong sa mesa at tinawagan ang kanyang assistant. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na may dalang isa pang folder. "Sir." Lumapit ito sa mesa at inilapag ang folder. "Sino ang may access sa account na ito?" Itinuro ni Zane ang ilang bahagi ng dokumento, Kinuha ng assistant ang folder at isa-isang tiningnan ang mga pangalan. "May ilang senior executives po at members ng board. Pero may isa pang pangalan na paulit-ulit na lumalabas sa records." "Sino?" Saglit na nag-atubili ang assistant bago sumagot. "Victor Villanueva po." Tumigil ang kamay ni Zane sa paghawak sa folder. Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Si Victor ay kapatid ng kanyang ama at isa sa mga taong matagal nang nasa loob ng kumpanya. Alam niyang matagal na itong naghahangad ng mas malaking bahagi sa Villanueva Holdings, pero hindi niya kailanman naisip na maaari itong konektado sa illegal na negosyo na ilang buwan na niyang sinusubukang imbestigahan. "Sigurado ka ba sa information na ito?" "Yes, sir. Ilang beses na naming chineck ang records at pare-pareho ang lumalabas na pangalan." Hindi na nagsalita si Zane isinara niya ang folder bago tumayo at lumapit sa malaking bintana. Sa labas ay tanaw niya ang mga ilaw ng Makati at ang mga sasakyang patuloy na dumadaan sa kalsada. "Simula ngayon, walang makakaalam nito. Naiintindihan mo ba?" "Opo, sir." "Kung may magtanong tungkol dito, wala kang nakita at wala kang narinig." Tumango ang assistant bago lumabas ng silid at maingat na isinara ang pinto. Naiwan si Zane mag-isa sa loob ng opisina. Ilang sandali siyang nanatiling nakatayo sa harap ng bintana habang iniisip ang lahat ng nakita niya sa mga records. Hindi niya alam kung gaano kalalim ang problemang kinakaharap niya pero alam niyang hindi ito matatapos sa isang simpleng pag-uusap. Matagal na niyang gustong malaman kung sino ang nasa likod ng mga transaksyon at ngayon na may pangalan na siyang hawak, hindi niya maaaring basta balewalain iyon. Makalipas ang ilang minuto ay nakapasok na si Eva sa hotel at nagpalit na rin siya ng itsura. Wala na ang dating itim na damit na suot niya sa rooftop ngayon ay mukha na siyang ordinaryong babae na naghahanap ng trabaho. Nakasuot siya ng simpleng blouse at pantalon habang hawak pa rin ang maliit na bag na dala niya kanina. Habang naglalakad siya sa lobby ay hindi siya nagmamadali. Maingat niyang tinitingnan ang paligid nang hindi halatang nagmamasid siya may mga taong nakaupo sa lounge at may ilang staff na abala sa pagtanggap ng mga bisita hindi niya kailangang magpanggap nang sobra. Sapat nang magmukha siyang isang babaeng may pakay sa hotel. Pagdating niya sa private elevator ay lumapit siya sa dalawang guard na nakatayo sa entrance. "Ma'am, hanggang dito lang po." "May appointment ako kay Mr. Villanueva." Maayos ang boses ni Eva habang ibinibigay ang pangalan na kasama sa kanyang fake identity. Tiningnan ng guard ang system at ilang segundo itong naghintay bago umiling. "Wala po kayong appointment, ma'am." Saglit na ngumiti si Eva at bahagyang inayos ang hawak sa kanyang bag. "Baka hindi pa na-update ang system." "Sorry po, ma'am, pero hindi po kami puwedeng magpapasok nang walang confirmation." Naghanda si Eva na gumawa ng ibang paraan para makalapit sa private floor, ngunit bago pa siya makapagsalita ay bumukas ang elevator sa likuran nila. Lumabas mula roon ang isang lalaki. Agad itong napansin ni Eva dahil sa paraan ng paglakad nito at sa biglang pagbabago ng kilos ng mga taong nasa paligid. Matangkad ito at nakasuot ng itim na suit. Seryoso ang mukha nito at malamig ang mga mata,hindi na kailangang sabihin ng kahit sino kung sino siya dahil agad siyang nakilala ni Eva. Si Zane Villanueva. Sa unang pagkakataon ay nakita niya nang personal ang target niya. Saglit siyang natigilan. Hindi niya inaasahan na ganoon kabilis siyang mapapalapit kay Zane,ang plano niya ay maghintay muna sa loob ng gusali at humanap ng tamang pagkakataon para makapasok sa private office. Ngunit ngayon ay nasa harapan na niya mismo ang lalaking kailangan niyang patayin. Mabilis niyang pinigilan ang kanyang sarili at inayos ang ekspresyon ng mukha. Lumapit si Zane at tiningnan siya mula ulo hanggang paa bago magsalita. "Sino ka at bakit ka narito?" Maayos na ngumiti si Eva. "May kailangan po akong sabihin tungkol sa isang negosyo ninyo." Bahagyang nagbago ang tingin ni Zane. Walang ordinaryong tao ang basta lalapit sa kanya para pag-usapan ang negosyo niya, lalo na kung wala naman itong appointment. "Anong negosyo?" "May information po ako tungkol sa isang transaction ng Villanueva Holdings." Hindi agad nagsalita si Zane, ilang segundo niya itong pinagmasdan Hindi niya kilala ang babaeng nasa harapan niya pero may kakaiba sa paraan ng pagsagot nito. Masyado itong kalmado para sa isang taong walang appointment at may sensitibong bagay na gustong sabihin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.2K
bc

The Billionaire Father Vs. His Son

read
4.4K
bc

Palit Tayo Ng Asawa (Wife Swapping Gone Wrong)

read
8.4K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
11.3K
bc

A Kiss With The Mafia Lord

read
245.1K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.6K
bc

MY HOT DADDIES (SSPG)

read
37.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook