“I never thought that Maximo can raise children like you. Hindi marunong sumunod sa usapan.” Natigilan si Warren nang makapasok sa loob ng opisina niya. He went on doing his rounds and just finished it. Hinihintay niya si Anastasia na mukhang mamaya pa dadating dahil naka-schedule ang check up nito para sa araw na iyon. Ngunit hindi niya inaasahan ang bumungad sa kanyang bisita. Adrian Consuelo, comfortably sitting inside his office, reading some newspaper. As if waiting for him. “I already told you, Mr. Consuelo. Tinatapos ko na ang usapan noon pa. I don’t want the company share anymore. You can do whatever you want with that, but I’m not giving Stacy back to you,” matigas na saad niya. Tumawa ito. “You’re really hard-headed, aren’t you?” “Hindi matigas ang ulo ko, dahil umpisa pa lan

