“Warren, alam mo, kapag... naging ayos na ang lahat, gusto ko magpunta tayo sa ibang bansa. Bakasyon ba. Hindi pa natin nagagawa kasi ‘yong honeymoon natin.” Mahinang natawa ang kanyang asawa. “Halos gabi-gabi na nga tayong nagha-honeymoon, hindi ka pa rin masaya?” Napanguso si Anastasia. “E iba pa rin ‘yong sa ibang lugar n’yo ginawa. Malay mo, makabuo tayo. Ta’s pangalanan nating ‘Venice’ o kaya ‘Paris’. Punta tayo do’n,” paglalambing niya pa. Niyakap niya ang braso nito at isinandal ang ulo roon. “Gusto kong makasama ka nang tayong dalawa lang. ‘Yong tipong walang nakakakilala sa’tin. Then we’ll do stupid things that couples do...” “And we’ll make love like stupid couples do,” pagbibiro ng kanyang asawa na dahilan para mahampas niya ang dibdib nito. “Aray! Akala ko ba, honeymoon?” S

