III

1635 Words
Nang magmulat ang mga mata ni Stacy ay unang bumungad sa kanya ang puting kisame ng kinaroroonang silid, na kanyang tanging naaaninag dala na rin ng pamamaga ng buo niyang mukha. Tuyong-tuyo ang lalamunan niya at nang subukan niyang bumangon ay kaagad siyang pinigilan ng isang kamay na nakadagan sa may bandang beywang niya. Nang akmang titingnan niya iyon ay tsaka niya lang napansin ang mga tela na tumatakip sa paligid ng kanyang paningin. Akmang hahawakan iyon nang marinig niya ang baritono at malalim na boses ng lalaking kasama niya sa silid. "Are you awake now, Miss Consuelo?" Ungol lang ang tanging naisagot niya dahil ramdam niya ang pamamaga ng kanyang mga labi. Halos hindi niya na maidilat nang maayos ang kanyang mga mata. "Hold on, let me check your vitals first." Hinayaan niya itong galawin ang katawan niya. Bagaman masakit ang buo niyang mukha pati na rin ang ulo at hindi niya maigalaw ang isa niyang braso ay walang ibang maramdaman ang dalaga. "We'll change the dressings of your wounds later, Miss Consuelo. And please, do not move that much. I need you to stay still and let the staff assist you. Cleaning wounds would be very painful but it will all be over, okay?" She raised her thumb to tell him that she understood what he said. She heard him sigh and was followed by the sound of a chair being pulled. "You might be wondering what happened. I hate sugarcoating so please, bear with me." Tumikhim ito. "You were involved in a road accident last night, and unfortunately, your face received severe second degree burns. We have already performed debridement, in which we removed dead skin and foreign debris that might be possibly stuck on your outer skin layer. For now, we need you to recuperate and rest. Leave the rest to us.” Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. “We’ll help you get better, Miss Consuelo. By the way, I’m Doc Warren.” Hindi man maproseso ng kanyang isipan ang mga pangyayari ay tumango na lamang ang dalaga. Hinayaan na tulungan siya ng doktor at ng mga staff nito. Tumayo ang doktor at nang makita niya ang itsura nito ay tila nais magwala ng dalaga. Nagpakawala ang kanyang mga labi ng mga mararahas na ungol na dahilan para maalarma ang doktor. ‘What is the problem, Miss Consuelo?” Akmang hahawakan siya nito nang tabigin niya ang kamay nito. Kamukha nito si Miguel! Nang mapagtanto ng doktor ang dahilan ng kanyang pagwawala ay mahina itong natawa. “Huwag kang mag-alala, Miss Consuelo. Miguel’s not here. And he’s actually… my twin brother.” Tumikhim ito ulit. “And besides, I’m not like my brother. I can assure you that.” Mayamaya pa ay sinagot siya ng tunog ng papasarang pinto. Nangingilid ang mga luha na tila nais ng dalaga na murahin ang lahat ng mga tao sa paligid niya. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng mga taong pupuwedeng malasin ay siya pa ang napili? Maliban sa naloko na siya, pumalpak ang kanyang engagement party, naaksidente, nasunog ang mukha, ay heto at na-stuck pa siya sa ospital kasama ang kakambal ng lalaking kinamumuhian niya. Mabilis na lumipas ang mga araw para kay Stacy. Ang mga araw na puno ng sakit sa tuwing ginagamot ang mga sugat niya at ang mga araw na hirap na hirap siya sa pagkain o maski sa paliligo at pagsusuot ng damit na kailangan niya pang humingi ng tulong sa mga staff. Halos mag-iisang buwan na rin bago tuluyang naghilom ang mga sugat niya at tuluyang tinanggal ang mga benda niya sa mukha. Nag-iwan iyon ng pinsala at malalaking peklat sa kanyang balat, na dahilan para mas lalong pangliitan ng tingin ang dalaga sa sarili sa bawat araw na nagdadaan. Ang mga araw na ayaw niyang kausapin ang kanyang ama maski na rin ang mga panunubok nito na suyuin siya. Magagawa niya pa sanang mapatawad ito kung ito ang unang bumungad sa kanyang mga mata nang pagbalikan siya ng ulirat ngunit hindi. Buti na lang at hindi nagpapakita si Miguel o ang walanghiyang stepsister niyang si Stephanie pati na rin ang madrasta niyang si Rossana. Kunsabagay, ano ba namang pakialam ng mga iyon sa kanya? “Good evening, Miss Consuelo,” bungad sa kanya ni Doc Warren na may bitbit pa na tray ng pagkain. Kaagad siyang napa-irap at tinalikuran ito. “Ano na namang kailangan mo?” Simula noong nalaman niya na kakambal ito ni Miguel ay naging bayolente ang pakikitungo niya sa doktor. ‘Ni ayaw niyang kausapin ito dahil sa tuwing nakikita niya ang lalaki ay naaalala niya lang ang itsura ng lalaking nanloko sa kanya. Hindi naman maikakaila na katulad ni Miguel Saavedra ay guwapo rin si Warren Saavedra ngunit hindi iyon sapat para mapalubag ang loob ng nagpupuyos na dalaga. “I could not simply comprehend why you are violent at me, Miss Consuelo. For the record, I’m not like Miguel, and second, I’m trying to make you feel better. Puwede bang kahit saglit man lang, kahit papaano, tanggapin mo ako?” She sighed and sat up. Iniiwas niya ang tingin niya kay Warren bago nagsalita. “Iwan mo na lang ako dito, Doc. I’m doing fine.” Nakita niya ang paghagod nito sa batok nito sa gilid ng kanyang mga mata. “Stacy, that simply won’t do. You just can’t simply shut everyone out of your life.” “Nasasabi mo ‘yan kasi hindi mo naman alam ang mga pinagdaanan ko, Doctor Saavedra,” may diin na sabi niya. “Pagod na ako maging mabait. Pagod na ako magtiwala, pagod na akong magpapasok ng mga tao sa buhay ko na wala namang ibang ginawa kung hindi ang husgahan ako base sa itsura ko. I’m done. End of discussion.” Warren sighed and sat at the opposite part of the bed. “I understand where you are coming from, Stacy. But…I don’t think it is necessary to shut everyone out of your life. That’s immature.” Naramdaman ng dalaga ang bugso ng pagbuhos ng kanyang mga luha. “Siguro nga, immature ako. Kaya ako naloloko ng ibang tao.” Sinulyapan niya ang doktor. “Ikaw, bakit ka nakikipaglapit sa akin? Siguro may binabalak ka ring masama, ano?” He chuckled and placed the food tray on the bedside table. “Binabalak na masama? If making you fall for me is included on that list, then I guess, yes.” Napamulagat na lang ang dalaga sa itinuran ng doktor. “Ha?” Ngumisi ito at kinuha muli ang tray ng pagkain. “Wala. Come here now, I’ll feed you.” Wala nang nagawa ang dalaga kung hindi ang sumunod sa gusto ni Warren. Tahimik niya itong pinagmasdan habang pinapakain siya nito. Walang kaemo-emosyon ang mga mata nito habang ginagawa iyon, siguro ay marahil dala na rin ng pagkahapo sa buong maghapong trabaho nito sa ospital. “Ano, nahuhulog ka na ba sa akin? Titig na titig, a.” Awtomatikong napa-irap ang dalaga at nag-iwas ng tingin. “Tigilan mo nga ako, Doc. Ayoko nang kumain. Busog na ako.” “Wala pang limang subo ang nakakain mo, busog ka na agad?” She just sighed and grabbed the glass of water on the bedside table. Tahimik lamang siyang pinagmamasdan ni Warren. Mayamaya ay inilapag nito ang food tray sa lamesita at naupo sa isa sa mga couches na naroroon sa loob ng kanyang pampribadong silid. “Wala ka bang ibang pasyente, Doc? Napapadalas tambay mo rito, a,” puna ng dalaga. Warren took out some medical folders and started reading them. “Medical director ako, Anastasia. I can do whatever I want. And besides, don’t you feel special? Ikaw lang ang binabantayan ko. Not to mention feeding you and befriending you every single day.” “So, dapat na ba kitang ipagtayo ng monumento at ipa-canonize ka na santo dahil inaalagaan mo ako?” pamimilosopo niya. “No, I guess you should start being grateful to me, you little brat,” sagot nito pabalik. “No, thanks.” Ngumisi ito at tinapunan siya ng tingin. ‘How about this? Pakasalan mo na lang ako, Stacy.” Nasamid ang dalaga sa itinuran ng lalaki. Kaagad siyang napadiretso sa pagkakaupo “Anong…” Mas lalong napalunok ang dalaga nang tumayo si Warren at naglakad papalapit sa kanya. Kaagad siyang napasiksik sa kinauupuan at iniiwas ang kanyang mukha. Her face is too deformed for her to let someone see it. “Stacy, look at me," he commanded. “You keep on hiding your face. You don’t need to hide it.” “Ano bang pinagsasasabi mo, Doc?” naiilang na saad niya. “Pinagtitripan mo ba ako?” He smiled and took her hand before sitting at the edge of the bed. “Listen, Stace. I can arrange for the best reconstructive surgeon to bring back your old face, maybe even enhance it. I can even help you boost your confidence and show other people who you really are. Really, princess. If you want to take revenge on my twin brother and your stepsister, I’ll gladly help you.” He glanced at her. “But it comes with a price.” “Hindi kita maintindihan,” nagugulumihanang saad ng dalaga. Dinala nito ang kamay niya sa mga labi nito at ginawaran ng masuyong halik. “I can give you everything that you need, Stacy. I can help you conquer the world if you want to. But you have to marry me. Marry me, Anastasia. Marry me and I’ll be at your service.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD