II

2062 Words
"Ano na, Warren? Hindi ka ba sisipot sa engagement party ng kapatid mo?" Timothy Warren Saavedra sighed. For the nth time. Hinihilot ang sentido na pinagmasdan niya ang mga medical charts na nasa lamesa niya. "I'm not interested on parties, Papá." His father scoffed. "See? Paano ka naman makakapag-asawa n'yan kung palagi kang subsob sa trabaho? You're not getting any younger, Warren! Treinta y singko ka na, sino ang magmamana ng negosyo kapag tumanda ka na, ha? Buti pa si Miguel, nagkakaroon pa ng girlfriend, tapos ngayon magpapakasal na. E ikaw?" Warren snapped. "Look, Papá. I have no interests on marriage. Masyado na akong abala sa pagpapatakbo ng ospital plus not to mention cleaning Miguel's mess. I don't think marriage suits me." "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, Timothy Warren," tila sumusuko na saad ng kanyang ama. "Atleast listen to me, no?" "I'm busy, Papá. Marriage is the last thing on my list," pagbibigay-diin niya. "Magkaiba kami ni Miguel. Hindi por que kambal kami e ibig sabihin, kung anong gusto ng isa, gagawin din ng isa pa. Besides, Miguel's just fooling around. Is that what you want me to do? Fool around with women? Be reckless and irresponsible?" "I'm giving you an ultimatum, Timothy Warren. Kapag hindi ka pa nagpakasal sa loob ng taon na 'to, tatanggalan kita ng mana at aalisin kita bilang medical director ng Saavedra Medical. Baka nakakalimutan mo, ako pa rin ang may hawak ng kompanya." "O, really, Papá? Pero kapag si Miguel, kahit anong desisyon, hinahayaan niyo siya? No wonder Mamá had always said you got favorites—" Hindi na siya sinagot ng ama. Ibinaba nito ang tawag, at naiwan muli si Warren sa kanyang opisina sa loob ng ospital. Tahimik. Siguro ay dahil gabi na at madalas naman talagang tahimik sa loob ng ospital. His mind is chaotic. Pang-ilang beses na rin ba siyang tinanong ng kanyang ama na si Maximo kung may balak ba siyang magpakasal? Hindi na niya rin mabilang. Treinta y singko na siya. Siguro ay tama lang din naman na palagi siyang tinatanong ng kanyang ama kung may plano pa ba siyang lumagay sa tahimik. Naiintindihan naman ni Warren iyon. Ang tanging kinaiinisan niya lang ay ang palagiang pagkukumpara nito sa kanya sa kanyang kakambal na si Miguel. Buong buhay niya, palagi siyang nakasunod sa bawat utos ng kanyang ama. Mula sa kursong kinuha at propesyong tinahak hanggang sa mga dapat na pakisalamuhan, lahat ay nakaayon sa kagustuhan ng kanyang ama. Hindi katulad ng kanyang kakambal. Sunod ito sa luho. Kung anong gustong gawin nito sa buhay nito ay hinahayaan ng matandang Saavedra. Nang sabihin nito na magmomodelo ito ay hindi nagdalawang-isip ang kanyang ama na suportahan ito. Kapag nasasangkot ito sa mga gulo dahil na rin sa pagiging palikero nito ay si Warren ang sumasalo ng mga tsismis. Naglilinis ng mga kalat ng kanyang kapatid. Habang ang kanyang ama ay walang ibang bukambibig kung gaano nito kagusto si Miguel. Kung gaano ito natutuwa sa kanyang kakambal. Sa kabila ng lahat ng ginawa niya para maging magaling sa paningin nito ay tila wala itong ibabg nakikita kung hindi ang kanyang kakambal. Si Miguel lang ang magaling. Si Miguel lang ang pamoso. Si Miguel lang ang nakakatuwa. He sighed as he removed his reading glasses and leaned back on his swivel chair. This marriage issue has been bugging the hell out of him ever since Miguel decided to marry the daughter of one of their business partners. What was her name again? Betty? Letty? Nancy? He grunted and stood up. Kailangan niya nang umuwi. Hindi naman toxic ngayon sa ospital at hindi puno ang mga wards. Isa pa, kumpleto ang mga staff niya. Wala siyang ibang dapat ipag-alala. Removing his white coat and stethoscope, he glanced at his watch. And then outside the window. Madilim na sa labas. Slightly squinting his eyes that probably needs some rest, he grabbed his keys and left his office. Hindi niya pinansin ang mga nurse sa nurses' station na nagbubulungan pagkadaan niya. Bahagya niya pang narinig ang mahinang pagtili ng mga ito nang tapunan niya ng tingin ang mga ito. Hindi naman kasi maikakaila na makisig si Warren. Mula sa pangahan nitong mukha, hanggang sa mga labing tila palaging nakapinid, at ang mga mata nitong kulay tsokolateng nagiging ginto kapag tinatamaan ng sikat ng araw, marami na ring mga pasyente ang napatulala habang pinagmamasdan ang doktor. Ilang mga nurse at medical staff na rin ang nagtanong kung nagba-blind date ba si Doc. Ngunit nanatiling nakapinid ang kanyang puso para sa iba. Trabaho ay trabaho at ayaw niyang madagdagan ang kanyang iniisip ng mga personal na relasyon na para sa kanya ay napakakomplikado. He stretched his arms as he walked towards his black Mercedez Benz. He let out a deep sigh as he entered the car, massaging his neck. All that he needs tonight is a good night's sleep. Nothing more, nothing less. Driving back to his bachelor's pad felt plain like the usual. Rutinaryo na iyon ng buhay ni Warren. Paulit-ulit. Hindi naman siya nagrereklamo. He has gotten used to it to complain, anyway. Kumbaga, sa sobrang pagkasanay na niya, nagiging komportable na siya sa ganoong takbo ng kanyang buhay. Nang mai-park niya ang kanyang sasakyan sa loob ng kanyang tahanan ay kaagad na umibis ng sasakyan si Warren. Inalis niya ang pagkakabutones ng kanyang suot na polo pagkatapos ay dumiretso sa likod na bahagi ng kanyang bachelor's pad at tuluyang naghubad ng damit. Ang tunog na nilikha ng kanyang pagtalon sa swimming pool ang tanging nagpaingay sa gabi. Sumisid siya hanggang sa kailaliman, hinihigit ang kanyang hininga. Kahit ngayong gabi man lang ay maranasan niya ang katahimikan. Kaagad siyang napa-ahon nang marinig ang pagri-ring ng kanyang smartphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon. Hindi na nag-atubili pa ang doktor na kumuha ng tuwalya o takpan man lang ang kanyang hubad na katawan. He stared at the caller ID for a very long time before answering it. "Doc Warren speaking." "Warren, this is Uncle Adrian," humahangos na pakilala ng nasa kabilang linya. "Adrian Consuelo. Remember me?" He jogged down his memory lane until he remembered who he was. "Mr. Consuelo! What can I do for you?" Garagal ang tinig ng nasa kabilang linya. "Look. My daughter, Stacy, got into a car accident. Isinugod siya d'yan sa Saavedra Medical. Please look after her, Warren. I can't leave now since police are questioning us and I want you to be there for her, okay?" Hinagod ni Warren ang batok niya. Bakit naman sa dinami-rami ng tao, siya pa ang napakiusapan ng magiging biyenan ng kapatid niya? "What about Miguel? He's the groom-to-be. I mean, I know it is my job to cure the sick, but why don't you ask Miguel too to look after his bride?" He cleared his throat. "Isa pa, wala po kayong dapat ipag-alala kung titingin at gagamot lang din pala ang pag-uusapan. My medical team is excellent in service and—" "Oh, no, please don't let that goddamned man go near my daughter," may gigil na sambit ng kausap. "Baka magdilim ang paningin ko at mapatay ko ang hayup na 'yon!" Warren sighed. Labag man sa loob ay wala na rin naman na siyang ibang magagawa kung hindi ang sumunod at bumalik sa ospital. Isa pa, mukhang nag-aalala talaga si Mr. Consuelo sa lagay ng anak nito. "Don't worry, Mr. Consuelo. Ako po ang bahala sa anak ninyo. Has she arrived at the hospital already?" "Oo, kanina pa. Isinugod sa ER. Please, Warren. Ikaw na ang bahala sa anak ko." "Rest assured, Mr. Consuelo." Ibinaba niya ang tawag. Pinulot niya ang mga damit na kanina lang ay hinubad niya. Kung kailan akala niya makakapahinga na siya ay tsaka naman nagkaroon ng pasyente. Hindi siya nagrereklamo. Hindi talaga. He grabbed a towel hanging on the nearest towel rack by the pool and dried himself. Hindi siya nangangamba na baka may makakita sa kahubdan niya dahil una, siya lang mag-isa sa bachelor's pad niya at ikalawa, hindi naman sila lugi kung makikita nila ang katawan niya. Warren's body is toned, not to mention that he do wotk outs on almost every morning. Maalaga sa katawan ang batang doktor at dumagdag pa sa gandang lalaki nito ang pagkakaroon ng purong lahing Espanyol na nananalaytay sa dugo nito. He let out deep sighs as he drove out of his bachelor's pad. Alas diyes na ng gabi at kailangan niyang bumalik ngayon sa Saavedra Medical. Sa tantiya niya, kung kanina pa dumating ang dalaga sa ospital ay paniguradong nalapatan na ito ng paunang lunas ng mga staff niya. Kung malala naman ang lagay nito ay kailangan niyang magdesisyon kaagad in behalf of the family. Anything just to save her life. Sa pangamba na baka malala nga ang lagay nito ay naapakan tuloy ni Warren ang silinyador. Humarurot patungo sa Saavedra Medical ang kanyang itim na Mercedez Benz sa kalagitnaan ng gabi, na animo ay nakikipaghabulan kay Kamatayan. Kunsabagay, buhay ang nakasalalay sa kanyang pagdating. Buhay ng anak ng isa sa mga pinakaprominenteng pamilya sa siyudad ng X. Pagkapasok na pagkapasok pa lang ng gusali ay kaagad niyang tinungo ang nurses' station. "Did somebody rushed a woman here just earlier this evening? Car accident victim?" Tila nabato-balani na natulala ang dalawa nang makita si Doc Warren. Kaagad lang nagbalik sa huwisyo ang mga ito nang tumikhim siya at tila naiinip na itinapik sa sahig ng paulit-ulit ang kanyang suot na sapatos. "Ah, yes po, Doc. Si Miss Maria Anastasia Consuelo po. Naitawag na po sa amin ng father ni Miss Stacy na sa ngayon, kayo raw po muna ang tatayong immediate family member..." "Where is she now?" atat na tanong niya. "Is she alright now?" "Stable na po si Miss Stacy, Doc. Wala naman po siyang masyadong injury maliban po sa baling braso. Pero..." "Pero?" "Doc, nasunog 'yong mukha ni Miss Consuelo," nag-aalangan na tugon ng nars. "Sabi no'ng nagsugod dito, nahagip daw no'ng nagliyab ang sasakyan. No'ng nailabas na raw po ang pasyente do'n sa sasakyan, wala na. Huli na. Sunog na 'yong buong mukha niya. Buti naagapan at nagamot kaagad dito sa Saavedra Medical kung hindi..." Warren sighed. Dumiretso siya sa pagkakatayo. "I want to visit her now. What room?" "Sa room 201 po, Doc. Mino-monitor po si Miss Consuelo as of now." Tango lang ang isinagot niya sa nurse bago nilakihan ang mga hakbang patungo sa naturang silid. Tila nakahinga siya ng maluwag nang makita at malaman na nagamot na ang dalaga. May nakakabit na ventilator dito at may inilagay na tubo sa lalamunan nito para makahinga nang maayos. Kahit papaano ay kailangan niya na lang muna na hintayin na magising ito bago siya magbigay ng kung ano mang diagnosis o magsagawa ng kung ano pang tests sa dalaga. Mayamaya ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama. Hesitant to answer it, Warren let it rang for almost two minutes before picking up. "Doc Warren speaking." "Warren, nand'yan ba ang anak ni Adrian?" may halong pagkataranta na tanong nito. "How is she?" "Stable, by now. Minor injuries aside from a broken limb and burnt face. What on Earth happened? Mr. Consuelo called me and he was mad at Miguel. Sabi niya, huwag daw hahayaan 'yon na makalapit sa anak niya. Care to fill me the details?" His father let out a deep sigh, as if tired. "Well, your brother was having an affair with Adrian's step-daughter and Stacy found out. She drove away, got involved in a car accident, and the rest is history." Stacy... ulit ng isipan ni Warren sa pangalan ng dalaga. What a beautiful name. "Warren, are you listening?" Napatikhim si Warren. "Yes, Papá. Don't worry, I'll stay with Miss Consuelo for now." Ibinaba niya ang tawag at naupo sa tabi ng nahihimbing na katawan ng dalaga. Nakabalot ng benda ang mukha nito na bahagya pang may bahid ng dugo at naka-cast na ang kabilang braso nito, maliban sa ventilator at IV tube na nakakabit sa katawan nito. Hindi niya malaman kung bakit niya iyon ginawa. Ngunit ang tanging natatandaan lang ni Warren ay kinuha niya ang kamay ng dalaga at masuyong dinala sa kanyang mga labi. "So, Miguel dumped you, huh? What a moron. Sayang ang ginastos sa engagement." Hindi pa bumilang ng ilang segundo bago tila may bumbilyang sumindi sa bumbunan ng batang doktor nang mapagtanto ang sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD