“Need a massage?” Napalingon si Warren sa tinig na nagmula sa pinto ng kanyang study room. Abala kasi siya noong gabing iyon dahil may mga tinatapos siyang reports na ibibigay niya sa kanyang ama. Dadalaw kasi ito sa susunod na linggo at kailangan niyang maipakita rito na maganda ang takbo ng ospital sa ilalim ng pamamalakad niya. Kaya naman dahil subsob sa trabaho ay inabisuhan niya si Anastasia na mauna nang matulog. He knew she was exhausted with the encounter with Stephanie earlier that day. Ngunit laking gulat niya ay heto ito at nakatayo sa may pintuan. Nakasuot ng sleeping robe. May bitbit na botelya ng lavender oil. Ngumiti ito at naglakad papalapit sa kanya. He pulled her and sat her on his lap. “Bakit hindi ka pa natutulog, hmm?” She smirked. “Gusto mo na ba akong matulog, Mr.

