“Hinay-hinay lang, Anastasia Saavedra! Baka naman ma-empatso ka n’yan,” komento ni Warren habang nakakalumbaba at pinagmamasdan siya na kumain. He bought a huge banana split for her and it was her favorite dessert that she excitedly gobbled it up. Napagdesisyunan nilang dalawa na magtungo sa mall noong araw na iyon kaya naman kasama niya ang kanyang asawa. Bagaman alam niya na pagod ito ay hindi niya mapigilan na mapangiti habang pinagmamasdan ang guwapo nitong mukha. “Thank you, Warren!” she exclaimed. He chuckled. “May kapalit na exercise ‘yan mamaya.” Inirapan niya ito at itinuloy ang pagkain. Lalong namula ang kanyang mga pisngi nang gumalaw ang kamay ni Warren upang punasan ang gilid ng labi niya. His licked his lips before talking. “Ang gana naman kumain ng mahal ko...” Napabungi

