XXXVIII

1277 Words

“O, anlalim naman yata ng iniisip mo?” Napalingon si Warren sa asawa niyang kakapasok pa lamang ng silid. Kakatapos pa lamang maligo ni Anastasia. Habang siya naman ay nakatunghay sa may bintana ng kanilang silid. Tipid siyang ngumiti. “Hindi, hinihintay lang kita.” Sa totoo lang ay maraming tumatakbo sa isipan niya noong mga oras na iyon. Si Adrian. Ang kasunduan. Si Miguel at ang selosa nitong fiancee. Ang posisyon niya sa ospital. Ang kanyang ama. Si Stacy. Napakaraming tumatakbo sa isipan niya na hindi na niya malaman kung ano ang dapat unang pagtuunan ng pansin. Hindi na niya malaman kung kailang matatahimik ang kanyang mundo kasama ang kanyang asawa. Hindi na niya malaman kung... magiging ayos ba ang lahat kayag tumakas silang dalawa. Inirapan siya nito at naupo sa gilid ng kama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD