VI

1602 Words
Pagkalipas ng anim na buwan… “Can you walk, princess?”  Napangiti na lang si Stacy sa tanong ni Warren ang kinuha ang kamay nitong kanina pa nakalahad sa kanya. Kakalapag pa lang ng eroplanong sinakyan nila pabalik ng X galing sa ibang bansa. Sa loob ng anim na buwan na nawala siya sa siyudad ay wala na siyang naging balita tungkol kay Miguel Saavedra o maski sa kanyang madrasta at sa anak nitong si Stephanie. Pinilit niya na hindi usisain si Warren kung nakikipag-ugnayan pa ba ito sa kanyang ama at kung tinatanong ba siya nito kung kumusta na siya. Naging matagumpay ang reconstructive surgery na isinagawa sa kanyang mukha. Ilang buwan niya ring kinailangan na magsuot ng saline water balloon sa ilalim ng kanyang balat kaya naman ilang buwan din siyang hindi nakalabas dahil may tatlong malalaking bukol siya sa kanyang mukha na dulot niyon. Nang tuluyang tumubo ang kanyang balat ay tinanggal na rin ang mga saline balloon at isinunod naman ni Warren at ng plastic surgeon na tumingin sa kanya ang pagsasaayos sa kanyang mukha. Inabot din sila ng anim na buwan bago tuluyang maisaayos ang kanyang itsura at talagang sinigurado ng kanyang fiance na wala masyadong makikitang marka ng sunog sa kanyang mukha. Pinatangos din nito ang kanyang ilong at bahagyang pinanipis pa ang korte ng kanyang mga labi. Hindi man malaki ang ginawa nitong pagbabago ay tila nag-ibang tao ang dalaga nang makita niya ang sarili sa salamin.  “Careful now, Anastasia. Mind your steps.” “Naks, concerned na concerned ka, Doc, a,” natatawang asar niya rito. Ngumisi lamang si Warren. “Of course, princess. Or else we’ll have to go under the knife again.” Nagrigodon ang kanyang dibdib nang maramdaman ang paghawak nito sa kanyang beywang. Ilang buwan na rin silang magkasama at masasabi niya na hindi ito nagkulang sa pagtulong sa kanya. Nirespeto rin nito ang kanyang privacy at hinayaan siya na manatili sa hiwalay na kuwarto. Ito ang nag-asikaso ng lahat, mula sa mga gastusin hanggang sa mga pinirmahang dokumento at mga gamot na kailangan niyang inumin. And Stacy could not help but to admire Warren and his dedication to her and her recovery. The nights that he spent sleepless as he monitored her, the times he had to buy things for her because she can not leave with the saline balloon on, and the moments he comforted her when she was feeling helpless and insecure. Warren was always there. Hindi man sila nagkakilala nang husto ay kahit papaano nabawas-bawasan na ang kanilang pagtatalo, siguro ay dala na rin ng unti-unting pagiging komportable sa isa't isa. Kahit na madalas pa rin siyang asarin nito ay hindi na nakakaramdam ang dalaga ng inis masyado, bagkus ay napapalitan na ng kuryosidad tungkol sa kung ano ba talaga ang ugali nito at dahilan kung bakit siya tinutulungan nito. Inalalayan siya nito na makasakay sa Mercedes Benz nito bago ito lumigid at sumakay sa driver’s seat. Ipinauwi na nito sa mga staff nito ang kanilang mga gamit sa bahay na titirahan nilang dalawa habang hindi pa sila nakakauwi dahil sa hotel muna sila tutuloy. Gusto raw kasi ni Warren na maiayos muna ang lahat bago magpahinga sa titirahan nilang bahay.  “Oh, princess, before I forgot, bukas ang kasal natin. Sa ngayon, mamimili muna tayo ng damit mo.” He glanced at her. “And maybe some makeover.” “Makeover?” “Yeah. You know, facial, spa, rebond, whatever you need.” “Okay naman ang itsura ko, a,” saad niya. Mahinang tumawa si Warren. “Jeez, princess. Just let me, okay? Consider this as a wedding gift.” “Andami mo nang wedding gift sa akin, tapos ako, wala pang naibibigay sa’yo ‘ni isa.” Muling sumilay ang pilyong ngisi sa mga labi ni Warren. “Oh, princess. For sure I’ll get that gift. Soon.” Tumaas ang kilay niya. “Ha?” Hindi ito umimik ngunit may ngisi pa ring nakapinta sa mga labi nito. Ipinagbalewala na lamang niya ang itinuran nito at itinuon ang atensyon sa kalsada. Mayamaya pa ay inihinto ni Warren ang sasakyan sa tapat ng isang pamosong tindahan ng damit. All eyes were on her as she and Warren walked side by side towards the store. Kaagad na napayuko ang mga staff nang mapagsino sila pareho. Stacy was wearing plain jeans, sneakers, and a tee while Warren stuck on his maroon long-sleeved shirt and black slacks. Sinenyasan siya ni Warren. “Pick whatever you want. It’s on me, princess. I’ll be waiting.” Naupo ito sa may lobby at inumpisahang basahin ang mga fashion magazines na naroroon habang naiwanan naman ang dalaga na paikot-ikot sa mga estante at hilera ng mga mamahaling damit. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang pipiliin niya. Noon kasi ay kung ano na lang ang mahablot niya mula sa closet ay iyon ang kanyang isinusuot. Stacy does not really pay much attention to fashion and her appearance since people have always considered her unattractive. Sa pagkatuliro ay humatak na lang siya ng kahit na nong damit sa estante at dinala iyon kay Warren. Napasimangot ang doktor nang makita ang pinili niya. “Pangarap mo bang maging clown, Anastasia?” Itinaas nito ang mga nakuha niya. Dalawang bright neon green leggings at isang orange na blouse. Nakagat na lamang ni Stacy ang kanyang labi nang tumayo ito at hinila siya patungo sa mga estante ng damit. “Empire dresses suit you since you are short,” saad nito sabay hatak ng isang bestidang kulay puti na may lace sa bandang dibdib at de-tali sa may bandang balikat.  Kaagad na napa-atras ang dalaga nang makita na bahagyang lilitaw ang kanyang cleavage kapag isinuot iyon. “Ayoko n’yan, Warren! Litaw ‘yong cleavage--” Ngumisi ito. “Why, you want to keep them for my eyes only?” Hinambalos niya ito ng hanger na dahilan para mapangiwi ito. “Jeez, woman. You’re such a brute.” “Napaka mo,” inis na saad ng dalaga. Warren softly chuckled and hung the dress on his shoulder. Then he scanned the aisles again. Mayamaya ay may hinila itong kulay asul na lace midi dress na litaw ang kanyang mga braso kapag isinuot. “This looks good on you ,too, Stace. Lace would not make your legs look short.”  Ibinaling nito muli ang atensyon nito sa mga estante. Tila alam na alam nito ang mga pinipili nito dahil seryosong-seryoso ang mukha nito habang tinitingnan ang mga damit. Bahagyang may pilantik ang mga daliri nito habang pinapadaan ang mga tela sa kamay nito. Napamaang na lang ang dalaga kaya naman nang lingunin siya nito ay nahuli na lamang siya nitong nakatulala. “Anastasia, matutunaw ako n’yan.” “Andami mo palang alam sa ganito, ‘no?” He only scoffed. “Yeah.” Pinagmasdan niya ito habang panay ang paghila nito ng mga damit mula sa mga estante. Mula sa mga kulay hanggang sa itsura at haba ng mga iyon ay talagang pinag-iisipan nito at talagang kinikilatis bago alisin sa pagkakasabit. Hinayaan niya ito na mamili ng damit habang palinga-linga lamang siya sa paligid. Nang matapos ito ay hinatak naman siya nito sa estante ng mga sapatos. Hindi na nakapagprotesta ang dalaga nang ikuha siya nito ng mga sapatos na may heels. Warren paid for all of them and pulled her towards the nearest cosmetics store. “Warren, anong ginagawa natin dito? Hindi naman ako marunong mag-make up--” Nilingon siya nito. “I’ll guide you.” Nalaglag ang panga niya sa itinuran nito. Marunong itong mag-make up? Warren grabbed sets of eye shadow palettes, brushes, lipsticks, blush ons, and other stuff that Stacy only sees in her friends’ purses. Binayaran din iyon lahat ng lalaki bago siya hinatak palabas ng tindahan.  “Warren, saan mo na naman ako dadalhin, aber?” “For your makeover, I guess.” “Ayoko nga sabi, e!” Huminto sa paglalakad ang lalaki at sinulyapan siya. “I’m sorry. Ayaw mo ba? Then let’s go to the hotel now.” Hindi niya matantiya ang ekspresyon sa mukha nito kaya naman napahalukikip na lang ang dalaga. “E kasi naman, e… Masyado ka nang gumagastos.” “Don’t worry, princess. I’m enjoying doing this so, no worries.” He sighed. “Maybe I really went overboard. Kung ako lang din naman, ayos na sa akin kung anong itsura mo, even before the surgery. I don’t see you ugly, Stace. But the problem is that, if ever you and my brother cross paths again, isn't it better to show him that you look better off without him? Na mas lumitaw ang ganda mo kasi wala ka na sa poder niya At hindi ka naikasal sa kanya?” She let out a deep breath. “Yeah.” “I’m doing all of this for you, my princess. Pero kung ayaw mo naman, ayos lang. I understand.”  Ngunit hindi gastos ang bumabagabag sa dalaga. Bagkus ay ang nakatagong dahilan, ang posibleng paliwanag bakit siya nito nais na pakasalan kaagad. Sa paraan pa lamang ng pagkilos nito, sa pilantik ng mga daliri, sa pagiging maalam sa mga gamit na pangbabae at sa fashion. Habang nakatitig siya sa guwapong mukha ni Warren ay hindi niya tuloy mapigilan na mapa-isip, bakla ba ito? Kaya ba siya nito gustong pakasalan ay upang itago ang tunay na seksuwalidad nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD