V

2060 Words
Warren silently watched Stacy as she fell asleep. Hindi niya tuloy mapigilang hindi ma-guilty sa gagawin niya. Kahit na may pagka-masungit dala na rin ng kalagayan nito ay mabait naman talaga si Anastasia Consuelo. Kung tutuusin pa nga ay mukhang siya pa ang higit na makikinabang sa kasunduan nila. Hindi niya maintindihan kung bakit may kirot sa kanyang dibdib nang makita niya ang pag-iyak ng dalaga. Nais niya tuloy murahin ang kakambal sa ginawa nitong panloloko sa dalaga ngunit ano pa nga ba ang magagawa niya? He walked towards the window and closed the curtains. He let her take a rest. After all, he is sure that Stacy is mentally and emotionally drained these past few weeks. Ang mahalaga ay napa-oo na niya ito sa plano niya. At ang tanging kailangan niyang gawin ay umpisahan ang paglakad sa mga ipinangako niya rito. Bago pa man makalabas ng silid ay tuluyang natukso ang batang doktor na pagmasdan si Stacy habang nahihimbing ito. Hindi niya mapigilan ang pagngiti ng kanyang mga labi habang pinapakinggan ang mahina at mabagal na paghinga nito, pati na rin ang pagyakap nito sa unan na iniipit niya sa pagitan ng mga braso nito. She looked like a child peacefully sleeping on top of the bed, an angel that is-- Jesus, Warren! Focus your goddamn mind! sawata niya sa sarili. Mahina siyang napatikhim at muling tumayo bago tila nahahapo na hinagod ang kanyang batok at nilisan ang silid. Nang makalabas siya ay pansin niya ang mga nag-uusisang tingin ng mga staff ng ospital sa kanya. Nang mapansin ng mga ito na nakasulyap siya ay kaagad na nagsibalik ang mga ito sa ginagawa habang tila pinipigilan na pagtsismisan ang kanyang bawat kilos. Warren immediately walked back to his office with his medical folders and locked the door. He dialled someone’s number and waited for them to answer. Hindi naman siya nabigo dahil kaagad na sumagot ang nasa kabilang linya. “Hello, Warren? Kumusta si Stacy?” “Stacy’s doing fine, Mr. Consuelo.” He cleared his throat again. “I actually called because i have a very important announcement to tell you.” “What is it, Warren?” “Uhm,” he hesitantly started. “I want to bring Stacy overseas. Maybe for a couple of months or a year.” “At bakit?” “I have connections for the best reconstructive surgeon and I can help her live normally again,” saad niya. “Almost half of her face has these contractures and it’s affecting her overall well-being and self esteem. Not to mention what my brother did. I swear, Mr. Consuelo. I can take good care of Stacy. I won’t let her get pushed over by anyone again and--” “Nagpapaalam ka ba na ipaparetoke mo ang mukha ng anak ko? Kasi para kang nagpapaalam na papakasalan siya, hijo,” natatawang usal ng nasa kabilang linya. “Actually, I’m intending to marry her after the surgery is completed,” lakas-loob na saad niya. “And I’m not asking for your permission, Uncle Adrian. I’m just letting you know that Stacy is my fiancee now.’” Sandaling natahimik ang nasa kabilang linya. “You know that I was disappointed by your twin brother, don’t you, Warren? I mean, my daughter might not be ready yet to go through that wedding negotiations and--” “Stacy has agreed to marry me, Mr. Consuelo,” pagbibigay niya ng diin. “Are you sure about my daughter, Mr. Saavedra? Gan’yan din ang nangyari noong tinanong ko si Miguel kung handa ba siyang pakasalan ang anak ko but he ended up breaking my trust. Wala akong pakialam kung magagalit sa akin ng todo si Anastasia pero ngayon pa lang ay ilalayo ko na siya kaagad sa’yo kung hindi naman maganda ang intensyon mo.” "Yes, I am sure of her. I am sure of her because I… I like… No. I love her. I'm sure of it." Warren hates to lie. That was something he was sure of. Ngunit sa pagkakataong ito ay kinakailangan niyang gawin iyon. Isa pa, pareho naman sila ni Stacy makakakuha ng benepisyo sa kasunduan na ito. Kasal lang naman, at kahit na hindi pa siya nito mahalin ay ayos lamang sa kanya. Basta dalhin nito ang apelyido nila at maikasal sila sa harap ng batas. "You only knew my daughter for a month, Warren." He scoffed. "Well, Miguel knew your daughter for almost three years but he still ended up hurting her. Wala naman po 'yan sa tagal na pagkakakilala o sa pinagsamahan. Nasa nararamdaman 'yan." He heard Adrian sigh at the other end of the phone. "Okay, then. I'm giving you my blessing. Sinabi mo na ba sa Papa mo 'to?" He softly chuckled. "I haven't, Uncle." "Don't bother. I'll tell him the news later. Fill me with the details next time, Warren." "I will, Uncle." Ibinaba niya ang tawag at naupo sa swivel chair. Tapos na ang unang hakbang ng plano niya. Alam niya naman na hindi mahirap kumbinsihin ang ama ni Anastasia. Isa pa, halos isang buwan na rin silang araw-araw na nag-uusap. Hindi na nakapagtataka na kahit papaano ay may tiwala na ito sa kanya at sa kanyang mga desisyon. But what puzzles him was how Adrian sounded as if he was indecisive of his own daughter's condition. Kung ibang ama lang siguro iyon ay baka nakipagpatayan na iyon lalo na at kakambal niya ang nanloko sa anak nito. It was as if he… really didn't care at all. Or maybe, pretending to care. Nang sumagi tuloy ulit ang dalaga sa kanyang isipan ay tila nangati ang kanyang mga paa na lumabas muli at silipin ito. At panoorin kung paano ito matulog. Warren softly cursed himself as he shifted on his seat while reading some files. "Goddamnit, Warren!" he whispered. "Could you please stop? This marriage is just for convenience, mind you." He ended up not doing anything at all. Warren stared at his folders until he let out a deep sigh and glanced at his Rolex. Maaga pa naman. Hanggang sa naisipan niya na lumabas at sandaling iwanan ang trabaho. Pinigilan niya talaga ang sarili na silipin si Stacy at alamin kung gising na ba ito. Nang makasakay sa kanyang Mercedes Benz ay tsaka pumasok sa kanyang isipan kung ano ang dapat niyang gawin. May ngiting nakapinta sa mga labi na naapakan niya ang silinyador at pinaharurot ang sasakyan. ---------------------- Stacy yawned as she stared at the empty room. Umalis na pala si Warren. Bahagya siyang napangiti nang mapansin ang iniwan nitong bouquet ng pulang mga rosas sa lamesa. Kaagad niyang naipiling ang ulo nang mapansin na lumalapad na ang pagkakangiti niya habang pinagmamasdan ang mga mapupulang bulaklak. Ibinaba niya iyon at nagtungo sa banyo ng kanyang pampribadong silid upang maghilamos. Bahagyang natigilan ang dalaga nang makita ang kanyang sariling mukha sa salamin sa banyo. Halos kalahati niyon ay may marka at peklat na dulot ng apoy. Marahan niyang pinadaan ang kanyang mga daliri roon at malungkot na ngumiti. Kung noon ay ayaw na ayaw niya ang kanyang itsura, ngayon ay tila mas ayaw na niyang makita ang sarili sa salamin. Paano ba naman, sino ba namang gugusto na makita ang mukha na iyon sa bawat umaga ng buhay niya? Sino ba namang magkakagusto sa mukha na hindi namang kagandahan? Sa mukha… niya. Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga at ipinagpatuloy ang dapat na gagawin. Ayaw niya mang aminin sa sarili niya ay nalulungkot din ang dalaga.Hindi niya naman ginusto na magkaganito siya. Kung papapiliin lang ay gugustuhin niya na maging maganda. “Princess? Where are you?” Bahagya siyang napapitlag at pinatay ang gripo bago dali-daling lumabas ng banyo. Inabutan niya si Warren Saavedra na tila hinihintay siya. Kaagad itong napangiti nang makita ang kanyang pigura. “Ano na namang kailangan mo?” “Gan’yan ka ba sa fiance mo?” nang-aasar na wika nito. Inirapan niya na lang ito at naupo sa pinakamalapit na couch. “Hindi por que pumayag ako sa kagustuhan mo e ibig sabihin magdidiwang ka na, Doctor Saavedra. Baka nakakalimutan mo, ikaw na rin ang may sabi, marriage out of convenience lang ito. Hindi kung ano pa man.” He dismissively waved his hand. “Yeah, yeah, whatever you say.” May inilabas ito mula sa bulsa nito na maliit na pulang kahon bago lumuhod sa harapan niya. Nang kuhanin ni Warren ang kanyang kamay ay hindi siya nagprotesta o nagpumiglas man lang. Hindi maintindihan ni Stacy kung bakit tila nakaramdam pa ng kaunting kilig ang kanyang dibdib nang hagkan nito iyon. “You know what, Anastasia? I just want this marriage to work out, at least. So please, can we stop bickering at each other? Oh, and also,” dugtong nito bago inilabas ang nasa loob ng kahon. Isa iyong singsing na may asul na bato sa gitna. He slipped it on her ring finger and smiled. “Wear that. I bought that for you.” “Anong…” He casually smiled and glanced at the ring again. “See? It looks pretty on you.” Binawi niya ang kanyang kamay at hinubad ang singsing. “Hindi naman ‘to bagay sa akin, Warren…” He tsked. “Here we go again. How many times do I have to tell you that anything looks good on you, hmm? You should at least be confident on your own skin, Stacy. That’s the first rule of self-love.” Nag-iwas siya ng tingin. “To be honest, Warren, natatakot ako. Paano kung…” “Kung?” “Mas lalo akong mapasama kapag nagparetoke ako?” He sighed and gently squeezed her hand. “I’m here, Stace. Hindi ba, sinabi ko naman sa’yo? I’ll take care of everything. Pakasalan mo lang ako. ‘Yon lang ang tangi mong gagawin.” She sighed. “You’re really determined and persistent, huh?” He chuckled. “Yeah.” Tumayo ito at naupo sa tabi niya. “Well, I’ve already contacted beforehand Doctor Williams, and she has already agreed to put you on a priority list. She suggested either skin grafting or skin expansion on your face. Kung sa skin grafting, kukuha kami ng tissue o balat sa ibang parte ng katawan mo. We’ll use that to reconstruct your face. Kung sa skin expansion naman, we’ll place a balloon filled with saline water under your skin and that will help your skin grow, probably around 3 or 4 months. Then doon lang kami magpe-perform ng reconstructive surgery. Either way, we’ll look for a way to make the scars entirely invisible. Isa pa, kailangan nating pumunta overseas for a while in order to do those since walang sapat na equipment dito sa bansa. I have already talked to your father and he agreed. He also gave me his blessing.” Stacy sighed. She could not help but to feel amazed on how Warren already took care of those things for her. Mabilis ang mga pangyayari para sa kanya at kailangan niya pa ng kaunting oras para iproseso ang lahat. “Kapag nakabalik tayo galing sa ibang bansa, tsaka tayo magpapakasal, Stacy. I guess that’s enough time for us to know each other better. I don’t want to force you, anyway.” She timidly smiled. “Salamat.” Warren chuckled and leaned on the couch. “Just trust me, Stace. Kung iniisip mo na iiwan kita sa ere, I can assure you, hindi ko gagawin ‘yon. Hindi ako kagaya ni Miguel. Tumutupad ako sa pangako ko. Isa pa…” Natigilan siya. “Nevermind.” Nagtataka man ay hindi na nag-usisa pa ang dalaga. Hinayaan na lamang niya ito na magpahinga sa couch. Tumayo ang dalaga at lumipat sa higaan, habang tahimik na pinagmamasdan ang naka-idlip na na lalaki. Bakit ka gan’yan, Warren? Bakit ambait-bait mo sa akin? Sana wala kang binabalak na masama, bulong ng isipan niya. Sana sinsero ka talaga sa mga sinasabi mo. Kasi… hindi ko alam pero nagtitiwala ako sa’yo. Pinagkakatiwala ko sa’yo ang sarili ko. Sana. Sana talaga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD