Kaagad na napakunot ang noo ni Anastasia nang mapansin ang pigura ni Miguel Saavedra na nakatayo sa may gilid niya. Dadalawin niya sana si Warren sa trabaho nito pero napagpasyahan niya na dumaan muna sa gorcery upang bumili ng pagkain. Muling nagbalik ang kanyang atensyon sa lalaking nakatayo sa harapan niya. Ngiting-ngiti ito. Kung hindi niya lang alam ang pinagkaiba ng itsura ni Miguel at ni Warren ay baka napagkamalan niya na ito ang asawa niya. Dahil walang plano na makipag-usap sa dating nobyo, tinalikuran niya ito at kaagad na lumipat sa kasunod na estante. As she scanned the aisles she can notice him following her. Hindi umimik si Stacy dahil alam niya na mananawa rin naman ito sa kakasunod sa kanya. “Are you going to visit my workaholic brother? You might bother him,” komento ni

