Warren softly groaned as he felt the sun’s rays kissing his face. Dahan-dahan siyang napadilat at napatingin sa asawang mahimbing pa rin ang pagtulog at nakayakap sa kanya. Kumurba ang mga mapupulang labi ng batang doktor. Masuyo niyang sinuklay ang buhok nito at matamang pinagmasdan. Bagaman magulo ang buhok at bahagyang pawisan ay hindi niya mawari kung bakit napakaganda pa rin ni Anastasia sa kanyang paningin. Kung bakit hindi siya makuntento na pinagmamasdan lang ito. Kung bakit hindi siya nakukuntento na hinahawakan lang ito. Marahan niyang pinadaan ang daliri niya sa mga labi nitong mamasa-masa pa. Hindi na niya napigilan pa ang sarili at hinila ito papalapit, at mas ikinulong sa kanyang matitipunong mga bisig. Awtomatiko siyang napangiti nang maalala niya ang mga nangyari kagabi.

