Chapter 8

2289 Words
September 13, 1999 when the Sonrientes decided to build their first ever school. And here we are, celebrating our Foundation day. Busy kaming lahat dahil sa booths at events. May pakulo rin ang mga councils sa bawat classrooms. We have to put designs base on the given theme which was Under the sea. "Usog mo pa nang konti, Lana." Narinig kong sabi ni Allison. Tutal siya ang president namin sobrang busy niya. Kulang nalang ay dito na siya tumira sa dami ng gawain niya. "Hoy! Bilisan mo nga." Pinitik ni Rius ang daliri niya. Inirapan ko siya, kung makautos 'kala mo ang dami nang nagawa. Sa paglalagay kami ng fake octopus naassign ni Rius. Ako ang taga bigay at taga hawak ng hagdan habang siya naman ang nagdidikit sa kisame since he's the taller one. "Guys, we only have 30 minutes left!" Sigaw ni Hestia na kakapasok lang. As usual, she looks gorgeous with her outfit. Kahit simpleng pants at shirt ay magandang tingnan sakanya. I feel like everything suits her. Iyong hindi na siya mahihirapang mamili ng susuotin, iyong kahit sako ng bigas ay magiging trend pa kapag siya ang susuot. She's that beautiful. No wonder Sir likes her. No wonder everyone likes her. "Hoy! Ang tagal mo! Palit na nga lang tayo." Naramdaman ko ang mahinang hampas ni Rius sa ulo ko. "Baka mahulog pa 'ko!" I snapped. Ngumisi siya at kumindat. "Edi I'll catch you! Yieee!" Kulang nalang ay itulak ko ang hagdan sa inis. Tarantado talaga. We continued our task until it was finished. Ang ganda tingnan, may pa LED at projector light din. Parang nasa ilalim ka talaga ng dagat. Our hardworks were worth it. We all decided to take a picture, nagtawag sila ng schoolmate sa labas para kunan kami gamit ang DSLR ng kaklase ko. Sakto namang napadaan si Sir Santi kasama ang isang professor na kaedad niya lang din, tulad niya ay gwapo at matipuno rin iyon, I couldn't help but stare at Sir Santi. He looks good in his white button down polo and black trousers. Lagi naman siyang gwapo kahit anong susuotin. Kaya nga bagay sila ni Hestia. "Halika, Sir! Picture po!" Tawag ng isang kaklase ko. Sir Santi just grinned and joined us after he bid goodbye to the other professor. Nakapatong kami sa armchair habang sila sa harap ay nakatayo lang. I looked down and saw Hestia standing beside Sir Santi. Bigla akong nakaramdam ng.. inggit. "Hala grabe, kung hindi ka lang namin teacher Sir mapagkakamalan ka naming jowa ni Hestia!" "Bagay kayo, oh my god!" Inulan sila ng asar at puri. I couldn't smile.. which was weird. Biglang sumama ang pakiramdam ko sa naririnig at nakikita. Iniwas ko ang aking tingin at ngumiti sa camera. Pagak akong natawa, I bet he will crop that later and make it his phone's wallpaper. Matapos kaming magpicture ay inaya ako ni Rius tingnan ang mga booths. Gutom na rin kasi ako kaya sumama na 'ko. When Rius was walking in front of me, agad kong napansin ang pasa braso niya. Hinawakan ko iyon na siyang ikinatigil niya sa paglalakad. I saw a glint of fear in his eyes but it immediately disappeared. "Anong nangyari dito?" Sinuri ko iyon pero bigla niyang binawi at tumawa. "Tumama sa lamesa, nagwoworkout kasi ako. Alam mo na, ikaw din makikinabang nito in the future." He playfully beamed while tapping his stomach. "Tigilan mo 'ko." I rolled my eyes at him, ang kulit talaga. Habang bumibili kami ng pagkain ay nagvibrate ang cellphone ko. I fished it out of my pocket, mensahe agad ni Sir ang nakita ko. Natigilan ako sa sinabi niya. He's going to confess. Hindi ko alam kung anong maramdaman nang basahin ko iyon. I know I should be happy dahil may improvement sa relasyon nila meaning ganon din sa nobela ko. But, but why can't I smile? He wants me to find a place where they wont be seen. Bakit hindi nalang sa kotse niya? I sighed and replied a simple 'okay' to him. Wala naman na akong magagawa. Besides, we have to move forward, dapat by January ay sila na. "Oh, kain na Miss. Sarap 'no? Parang ako lang." He laughed like a maniac. Ngumiwi lang ako. Nakakahiya talaga siyang kasama pero magaan din ang loob ko sakanya. We spent our break time buying foods from one booth to another. We decided to visit our own booth, dalawang section ang pwedeng magtayo kaya kasama namin ang katabing classroom. Spin a prize ang tawag namin doon, you gotta spin the wheel with 50 numbers and each of them possess its own prize. Mahal din ang ambagan namin dito, hindi basta basta ang premyo. "Palaro kami! Bukas na ang bayad!" Agad na sumimangot ang kaklase namin. "Joke lang, gagalit ka naman agad!" Bawi niya at naglapag ng isang daan sa lamesa. Singkwenta lang naman pinapabayad namin. Rius immediately spun the wheel. He was screaming while waiting for the arrow to stop. Huminto iyon sa number 12. "Anong nakuha mo? Patingin!" Tumingkayad ako para tingnan ang nakasulat sa number 12. We burst out laughing when he got 12 condoms! What the hell? Is that even allowed?! Mas lalo akong natawa nang ikinwintas niya iyon sa leeg. "Gago ka! Baka makita ka ng teacher! Teka, size mo ba 'yan?" Hinampas ko siya. His eyes widened as his ears turned red. Humalakhak ako sa reaksyon niya, "Ang bastos mo! Layuan mo ako, please lang." He slightly pushed me. Agad niyang tinanggal at ibinulsa iyon. Ako naman ang pinalaro niya. I got number 1 which was a psychological book. Wow, first time kong magkaron ng ganito! Human behavior somehow interests me kaya talagang babasahin ko 'to. "Ang gara ng sayo, tangina ang bata ko para umariba. s**t naman. Sign ba 'to?" Natawa ako at hinampas siya ng libro. "Gago, wag magmadali! Umayos ka. Sign yan na wag aariba nang hindi protektado." Umingos lang siya. We went back to the classroom but I excused myself when I saw Hestia. Oo nga pala at inutusan ako ni Sir. Hindi ko naman gaanong kabisado ang school. Bakit kasi dito pa? Para kapag bumisita sila dito in the future ay doon sila pupunta? Ang corny naman. Pumunta ako sa likuran ng building namin. May mga puno doon kaya mukhang safe. Pero delikado pa rin kasi malapit lang sa classroom namin. I walked further and reached TVL's building. Mukhang wala namang pumupunta dito. Tumango ako at sinend kay Sir ang napiling lugar. Tanders is calling... Ilang segundo ko iyong tinitigan bago sinagot. "Hey, can you pick some roses in the garden? Doon sa college. Don't worry, I already asked permission. Tatlo lang naman." "Okay! Yun lang ba? Anong plano mo, Sir? Parinig ako.." I bit my lip and continued walking. Nadaanan ko ang field at naghahanda na rin iyong music club sa stage. Everyone's gonna be busy watching them later. Prolly why Sir grabbed the chance to confess while everyone's attention is here. "I actually don't have. How about you bring her there? Wag mong sasabihin na nando'n ako. Just tell her to come with you." Okay na rin sigurong makita ko para alam ko kung paano isulat. Tumango-tango ako kahit hindi naman niya nakikita. He just thanked me before hanging up. Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa college building. Hindi naman kalayuan, papasok lang sa isang gate at naroon na. Bubungad din agad ang tinutukoy niyang garden. Namangha ako dahil ang gaganda ng mga bulaklak, there were sunflowers too. Agad kong nabasa ang babala na wag pumitas. Nakangiwi ako habang tinitingnan ang nakuha kong red roses. Tinatanggalan ko iyon ng tinik habang naglalakad. What am I gonna do with this now? Nagtext agad ako kay Sir and he replied immediately. From: Tanders Just leave it on my table. Thank you, Willow. I'll treat you next time. To: Tanders Okay po I exhaled before making my way towards the faculty. Pinagpapawisan na akong nakabalik sa classroom matapos kong ilapag sa desk ni Sir ang rosas. Akala ko naroon siya, mukhang inaasikaso niya ang English club. I heard they're going to perform spoken poetry later. Si Lucian lang ang nadatnan ko sa room. He was busy playing with his phone but he noticed my presence. Tumingala siya at nginitian ako. "You should change." Aniya nang makaupo ako. "Wala akong extra. Keri lang, matutuyo rin naman 'to." Humilig ako sa'king upuan at pinaypayan ang sarili gamit ang notebook. Napakainit. Sa sobrang init pati yung hangin na binubuga ng wall fan ay mainit din, walang silbi pota. "Iyon na nga, bawal 'yan. Hindi dapat hinahayaang matuyo 'yan. Wait, I have one in my locker." Bigla siyang tumayo at hindi ko na napigilan. Tulala lang ako sa harap. Ano kayang mangyayari mamaya? If Sir will confess, nasa ligawan stage na sila? Maybe if Hestia will allow him. Ngayon ko lang naisip, ang weird pala pero if the feeling is mutual then it's fine I guess. Dumating naman agad si Lucian bitbit ang kulay black niyang vneck. He handed it to me before sitting. Nahihiyang kinuha ko 'yon. "Nakakahiya naman. Hindi mo ba 'to gagamitin?" I questioned, raising his shirt. He shook his head. "Ays lang, marami ako niyan sa locker. Pawisin kasi talaga ako. Go and change your shirt." He bobbed his head towards the door's direction. Ngumiti lang ako at tumango. "Thank you!" Lumabas ako ng classroom at nagpunta sa banyo. I changed my clothes and couldn't help but sniff his shirt. Ang bango grabe. Amoy mayaman. Ano kayang fabric conditioner nila? Tamang surf fabcon lang naman kami eh, minsan wala pa nga. It was bigger kaya nagmukha akong rapper. I chose to tuck it in front of my pants matapos ay lumabas na ako. Nakita kong lumabas si Hestia galing sa katabing classroom namin. She was busy talking to some girls. Hindi ko naman mapigilan ang mainggit, everyone likes her. Halos lahat yata ay kilala siya bukod naman kasi sa ganda ay matalino rin. Sinalo niya ata nang magpaulan ng perfection si God. Di man lang ako nainform. Pagbalik ko sa room ay wala na si Lucian at naroon na rin ang dalawa kong kaklase kaya siguro siya nakaalis. I decided to find my friends. Nagchat ako sa GC at hinintay sila sa labas ng classroom. Emma: Sorry, shift ko sa booth namin! Maya pa ako pwede. Sonya: Busy din ako sa club, later nalang din. Willow: Ingat kayo! Sumimangot ako. Deby didn't read the message, she's probably busy too. Ang loner ko naman today! Ano ba 'yan. Chinat ko nalang din si Rius, kahit nakakahiya siya kasama ay masaya naman. Pero ilang minuto na akong nakatayo ay wala pa rin. Tangina. Bumalik nalang ako sa loob at nagscroll sa f*******:. Everyone's busy and here I am.. Hindi naman na 'to bago. Noon pang junior high kami ay lagi akong napagiiwanan. I don't know. Siguro kasi hindi rin ako mahilig makisama. I wasn't even expecting to have new friends. Biruin niyo, pati teacher naging kaibigan ko rin. Or that's what I thought? Technically, we are just using each other. Biglang lumabas nag pangalan ni Sir sa screen kaya agad ko namang sinagot iyon. "I'm on my way to the place. Ikaw? Nakausap mo na si Hestia?" Aniya sa kabilang linya. May naririnig pa akong hiyawan, galing siguro siya sa field. "Hindi pa po. I'll find her. Text nalang kita." Mabilis kong sagot. "Okay. Wish me luck." He ended the call. Tumayo na ako at sumilip sa kabilang classroom, nakita ko namang naroon pa si Hestia at agad siyang tinawag. Ngumiti ako sakanya. "Hi, Willow! You called me?" Her white set of teeth almost blinded me. "Pwede mo ba akong samahan? I don't have anyone with me right now and I consider you as one of my friends, can you accompany me for a minute?" She beamed in glee. Mukhang nasiyahan siya sa sinabi ko. Mabilis siyang tumango at nagpaalam sa kaibigan niya. She was busy telling me stories about her career. I can say that she's really dedicated in becoming successful in the future. Parang planado na ang buhay niya at dadagdag si Sir doon. "Where are we going?" She asked while combing her soft hair using her fingers. "Sa likod ng TVL. May kukunin lang ako. Sorry, kailangan ko talaga ng kasama." Nahihiyang tugon ko. Totoo namang nahihiya ako sakanya, pretty girls like her are always intimidating. But I guess she's not, judging by the way everyone treats her. "No, no! It's okay." Matamis siyang ngumiti. No wonder everyone likes her. She's really kind. Kahit siguro hindi niya ako kilala ay sasamahan niya pa rin ako. Magaling akong kumilatis at mahahalata ko kung pinepeke lang niya ang kabaitan pero hindi eh, she's genuinely kind. She's soft spoken and tender. If their relationship would level up then both of them are lucky to have each other. Hope all. Pasimple kong tinext si Sir at sinabing magtago muna siya. When we reached the place I roamed my sight and he was nowhere to be found. Great. Tumigil ako sa paglalakad na siyang ikinatigil niya rin. "Ay, may kukunin lang ako! Pwede bang hintayin mo 'ko dito? Mabilis lang talaga 'to!" I didn't wait for her respond and ran away. I even heard her calling me. Agad akong nagtago sa gilid ng building. Biglang dumating si Sir na ikinagulat ni Hestia. I can see her lips parting in shock when he handed her the roses. She was blushing and giggling while Sir was telling her something, I think he's confessing. Hindi ko alam pero parang ayoko nang tingnan. For some reason, I couldn't fathom seeing this scenario. The mere sight of them together irks me.. and I don't know why. KILLING ME SLOWLY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD