bc

Killing Me Slowly

book_age16+
11
FOLLOW
1K
READ
teacherxstudent
age gap
others
student
bxg
lighthearted
school
nurse
teacher
professor
like
intro-logo
Blurb

Willow is a frustrated writer who loves to write but can't even finish a story. She tries to remember why. Then it hit her hard, she had no experience in love. She had no idea what's happening outside her own little world, she thought, maybe that's why she can't express herself and her ideas when writing and that she can't rely on her imaginations, she needs to see the reality.

So when she noticed that her English professor had this strange look to her beautiful classmate, as desperate as she was, she decided to help him pursue her even if it was risky. It might ruin them as a student, it might ruin her professor's reputation, and it might ruin her heart for falling on his kindness.

chap-preview
Free preview
Prologue
Writea is now launching the Romantic Comedy writing contest. Enter your story here! Inis kong ibinaba ang aking laptop. Ayan na naman, hindi na naman ako mapakali! I have to join! I really need to join. Hindi ako makakatulog. Kaso anong ilalagay ko? Sinapo ko ang aking noo at muling binuksan ang laptop. I clicked the Writea's announcement post about the contest. Nangalumbaba ako habang binabasa ang mga requirements. Your story must have at least 50,000 word count. Napatigalgal ako. What the hell? Ang haba. Ilang chapters iyon? Ilang words per chapter? Mas lalong nalukot ang aking mukha pero nang makita ko ang prizes ay halos magningning na ang mga mata ko. Holy cow, a freaking trip to Paris? Paris?! Not just that but they also shoulder all the expenses, you can also meet some famous authors from around the world who are invited in the event. Damn! Iyon ang nasa first place habang ang second at third naman ay nasa Pilipinas lang. Boracay sa third habang Amanpulo naman sa second. Not bad. But seriously? Paris? That's insane. Now, I wanted to join more! Agad akong nagbrainwash ng mga plots. I have a lot in mind. Binuksan ko ang file kung saan nakalagay ang mga plots, prompts, characters, at titles. Sobrang dami ko na palang naipon. Hindi na ako mahihirapan! I opened Writea's site and started to write a new story. I typed the story's description which was about a girl who fell in love with her rival. Pretty cliche but the enemy to lover trope is really good and kind of famous these days. Napangiti ako. Nag edit agad ako sa photoshop ng book cover nito and when it's done, I started the Prelude. Hindi ako nahihirapan tuwing nagsusulat ng Prelude o Prologue dahil ito ang simula, marami akong ideas. It doesn't really have to be long, pero napaisip ako. Dapat ko bang habaan? Dapat ba sa bawat chapters ay may two-thousand word count? Para hanggang thirty chapters lang. I spent at least an hour to write the beginning of my story. Nakalimutan kong tingnan ang deadline ng pagpasa ng story kaya tiningnan ko ulit ang announcement. Napahinga ako nang maluwag nang makitang next year pa, thank God! I still have a year to finish it. January pa ang deadline habang March naman mag aannounce ng winners. April palang ngayon. Yes! Ilang araw ay puro pagsusulat lang ang inaatupag ko. Wala pa namang pasok. June is approaching though, one week nalang ata at magpapasukan na. Nanonood ako ng isang movie at may panibagong plot na naman akong naisip. Hindi na talaga mawawala sa isang author o writer ang pasukan ng plots palagi. Kahit nga naliligo ako ay may mga dialogues, prompts o plot akong naiisip. Of course, I have to stop whatever I was doing just to grab my phone or a piece of paper and write all of those. Madali rin kasing mawala sa isip ko, nakakalimutan ko na agad. "Ate, kunin mo na raw 'yung uniform mo." Rinig kong sambit ng aking kapatid na si Rene. Bahagya siyang nakadungaw sa pintuan. "Okay, bababa na ako." Tugon ko habang nasa palabas pa rin ang mga mata. Agad kong hininto iyon at nagbihis na. Isang first year college na ako ngayon, taking Bachelor of Science in Nursing. Nakakakaba. Bukod sa bagong paaralan ay wala rin akong kakilala sa mga kaklase ko. I know I should be thankful, pwede kong baguhin ang aking ugali pero dinaluhan naman agad ako ng takot. Having social anxiety really sucks. Specially when you want to change but just can't. Matapos kong kunin and pinatahing uniporme ay dumiretso ako sa Mall. Syempre, dumiretso agad ako sa book store. Iyon naman talaga ang ipinunta ko dito. I've read all my books and I badly need a new one. May ipon naman ako kahit papaano. I saw a book that really caught my attention, it was a romcom genre, of course I have to get it! Kumuha ako ng isa at agad nagpacounter, okay na 'ko dito. The book was entitled 'One of the guys' agad kong binasa iyon. Kakaiba ang writing style niya. Sa sobrang pagkahumaling ko sa librong iyon ay hindi ko na namamalayan ang sinusulat kong kwento. I literally forgot about it. What's worse? I forgot the story line. Iyong tinipon kong mga ideya ay naglaho. Parang.. parang gusto kong magsulat ng panibago. Fuck. Eto na naman ako sa sakit ko, hindi ako nakakatapos ng kwento! Hanggang anim na kabanata lang ako palagi. Cursed number ko ata ang six. For some reason, I just can't go pass that number. Madalas akong ma-writer's block. Sobrang dami kong drafts na hanggang six chapters lang. Ang pinakamahaba kong naisulat ay ten chapters, noong nagsisimula palang ako. Kapag kasi nakukuha ng isang libro ang atensyon ko, nababago lahat. Pati writing style ay nakukuha ko, pilit ko rin binabago iyong akin. Ang plot ay parang gusto kong gayahin. Nakakabaliw! "Ano? akala ko nangangalahati ka na. Malapit na ang pasukan, Wi. Magiging busy na tayo." Wika ng kaibigan kong si Emma. Nasa kwarto ko kami ngayon, dinalaw nila ako. Nasa kabilang kalye lang naman bahay nila. "Oo nga, anyare? Writer's block?" Deby added. "Ah, hulaan ko, nawalan ka ng gana?" Si Sonya. Ngumiwi ako. Nawalan nga ba ako ng gana? I don't know. Natutop ko ang aking labi at hindi sumagot. Napahilamos ako ng mukha. s**t. Hindi ko na alam ang gagawin. Nilibang nalang nila ako sa mga walang kwentang chikahan na naganap. Kung anu-ano ang pinagusapan naming apat hanggang sa dumating ang gabi at mag-isa na naman ako. I decided to open the site again. Doon, tinitigan ko ang aking ipapasang storya. Anong meron sakin? Ba't hindi ako makatapos? Bakit nawawalan agad ako ng gana? Thinking about all of these made an assumption to my self, ah, baka hindi talaga para sa akin ang pagsusulat. Baka hindi ito ang passion ko. But still, I wanna finish a book. A story. Kahit isa lang sana. Inisip ko ang mga sikat na writers sa Writea. Anong meron sakanila na wala ako? Bukod sa mas matanda sila sa akin at maraming experience sa buhay. Pero mayroon nga'ng kinse anyos lang pero ang dami nang naisulat. Natulala ako sa aking laptop. Napakurap ako nang maisip kung bakit. After all this time. Isang rason lang pala kung bakit hindi ako makatapos ng storya. It's not about the influence of other books. Hindi rin writer's block. It's because I have no experience in love itself. I have no idea what it's like to be in a relationship. How it works, how it feels, Damn. I've been caging myself inside this room without seeing different people that I forgot how life works. Sa sobrang pagbabasa ko ng fictional books ay nakalimutan ko na ang reyalidad. I'm so bad at expressing my imaginations, kulang ako sa kaalaman at pakiramdam. The reason why I can't finish a book was because I have no idea what's happening outside my comfort zone. RAINOFDESPAIR

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook