Chapter 1

2179 Words
WINONA LOUISE ROMUALDEZ Alas sais na at naghahanda na ako. Pasukan na kasi. Maaga ang call time naming magkakaibigan para may oras para hanapin ang mga classroom. Ako lang ang nasa Nursing department habang silang tatlo ay nasa Education. Mas lalo tuloy akong kinabahan, hindi man sila magkaklase ay nasa iisang department lang sila. Tama nga ang katagang be careful what you wished for. Dahil nagsisisi na ako sa hiniling ko na walang kakilalang magiging kaklase. Sa lahat ng hiling ko ay ito pa talaga ang natupad! Ang galing! Bwisit. Sobrang badtrip pa rin ako. Kailangan kong umani ng mga karanasan sa pag-ibig at sa paligid. It doesn't mean I have to enter a relationship! May choices akong naiisip. First choice, ang magbasa nang magbasa ng mga libro tungkol sa relasyon. Shuta, gusto ko nga iyong nakikita ko sa reyalidad kaya ewan at naisipan kong ilagay ito sa choices. Second choice, ang magtanong sa mga may karanasan sa pag-ibig na halatang hindi ko naman kakayanin. Ni tumingin nga sa mga mata ng hindi ko kakilala ay nanginginig na ako sa takot at kaba, pakikipag-usap pa kaya? Third choice, ang pag-aralan ang mga magkasintahan at magbabarkadang makikita ko sa paaralan. Nakakatawa, s**t. Parang extra subject lang ngayon semester? Hindi ko alam kung alin sa tatlong iyon ang gagawin ko. Titingnan ko nalang mamaya. Pero baka kasi pag nagbabasa ako ay mas lalo akong mawalan ng gana para ipagpatuloy ang sinusulat kong kwento. Tatamaan ako ng katamaran, iyong mas gugustuhin ko nalang na magbasa nang magbasa at huwag nang magsulat. Iyong mawawalan ako ng interes sa totoong buhay, "Ang tagal mo, Emma." Naiinip na sambit ni Sonya. Nasa labas kami ng bahay ni Emma, hinihintay siya. Ang bruha, late ba naman natulog kakalaro ng Mobile Legends. Nakalimutan atang first day ngayon? Nagmamadali siyang nagsuot ng sapatos. May tinapay pa sa bunganga niya kaya hindi siya nakapagsalita. Hindi pa nga siya nakapag-ayos ng buhok niya. ML pa more, wala naman siyang mapapala riyan. Hingal na hingal siya nang makalabas sa kanilang bahay. Umiinom na siya ng tubig. When she recovered, she pulled our hair one by one. "Bwisit talaga kayo! Sabi nang wag niyo akong hintayin eh, alam niyo naman si Mama. Daig pa ang nalindolan sa pagpapanic!" Singhal niya. Kinuha ko ang suklay sa bag at ibinigay sakanya. "Sino ba kasing naglalaro hanggang alas dos ng madaling araw?" I teased. Mas lalong nalukot ang mukha niya. "Sino ba 'yang kalaro mo? Iyan ba yung kaklase mong si Lorenzo? Tangina, hindi pa nga kayo nagkikita naglandian na agad!" Humagalpak ng tawa si Deby. I cringed at what she said. "Pakyu ka, Deborah." Ang tanging sagot ni Emma at itinaas nito ang gitnang daliri. Natigil ang aming pag-uusap nang may jeep na pumarada sa harap namin. Agad kaming sumakay doon, isang jeep lang naman ang kailangang sakyan namin dahil medyo malapit lang ang university. May kaharap kaming lalake na matangkad at medyo moreno. Nakasuot siya ng shades at bahagyang nakatukod ang siko sa bintana at nakapatong sa kanyang kamay ang kanyang sintido. Putsa. Hindi ko alam pero bigla akong nailang. Tangina, nakatitig ba siya sakin? Iyon kasi ang nararamdaman ko, I feel like he's been watching me since I sat in front of him. Iniwas ko ang aking tingin. Kakaligo ko lang pero bakit ang init na? Muling dumapo ang tingin ko sa lalake. Ngayon ko lang napansin ang suot niya, estudyante ba siya? He was wearing black trousers and a gray hoodie. Malinis at makintab din ang suot niyang black shoes. He looks neat. May bag ring nakalagay sa kandungan niya. Biglang lumundag ang jeep at bahagyang bumaba iyong shades niya na siyang dahilan kung bakit kita na ang mga mata niyang nakapikit. Akala ko kanina pa siya nakatitig, tulog naman pala. Ang assuming ko! Napatitig ako sa kanyang mukha. Ang haba ng pilik mata niya, pormado rin ang kanyang kilay. Ang kapal no'n pero bagay naman sakanya. Matangos ang kanyang ilong at maputla pero halatang inaalagan naman ang kanyang mga labi. May kaonting balbas din siya sa panga that made him look manly. Damn.. "Girl, ang gwapo." Bulong sa akin ni Sonya. Siniko ko siya dahil baka marinig kami. Lahat naman ata ay gwapo sa paningin niya. Biglang sinambit ni Manong ang paaralan namin. Ibinigay ko agad and pamasahe kay Emma na siyang nakaupo malapit sa driver. Nakita kong gumalaw na ang lalake at kumuha rin ng bayad. Ang comb over na buhok niya ay bahagyang nasira at bumagsak, tumatama ang bangs sakanyang mata. Nagtama ang paningin namin nang tinanggal niya ang kanyang glasses kaya agad akong umiwas. His glares were too intense for me. I bit my tongue. Shuta, ang gwapo nga niya. ✎ . . . "Puntahan ka nalang namin dito mamaya, Wi. Mag online kayo! Sa messenger nalang tayo mag-usap." Bilin ni Deby nang mahanap na namin ang classroom ko sa Nursing dept. Lumabi ako. Kinakabahan na talaga ako. Hinaplos ni Sonya ang buhok ko. "Wag kang kabahan, kaya mo 'yan. Isipin mo nalang na kaklase mo kami." She gave me a warm smile. Hinawi at inayos naman ni Emma ang curtain bangs ko. Ngumiti rin siya sakin. "Kapag may umaway, alam mo na. Talagang magcucut kami at susugurin namin siya! Chat ka lang, okay?" Deby wrapped her arms around my waist. "Kapag pinagtripan ka ng mga lalake ay sabihin mo agad. Susunduin ka namin mamaya, ha? Sige na. Pasok na." I couldn't help but smile at them. Ang swerte ko sa mga 'to. Alam nilang may anxiety ako, they were the first one to notice. Simula nang malaman nila iyon ay mas lalo silang naging understanding pagdating sa mga ganito. Iyong tuwing kakain kami sa labas ay hindi nila ako inuutusang mag-order dahil alam nilang hindi ko kaya. Kapag may recitation naman noong high school ay hinahawakan nila ang kamay ko, tapos pag nagkamali ay talagang nililibang nila ako. Naiisip ko ngang hindi ko sila deserve. Grabe talaga eh. Bukod sa ako ang panganay sa aming magkakapatid, ako naman ang bunso sa grupo namin. Sobrang thankful ko sakanilang tatlo. God gave me a treasure to keep, so I'll keep 'til my last breath! Huminga ako nang malalim. Sabay silang sumigaw ng 'Goodluck' nang makapasok na ako sa classroom. This is it! Doon ako umupo sa second row, malapit sa bintana ng hallway. Wala pang masyadong tao dahil maaga kaming pumasok. May lalake sa kabilang side na tahimik na nagbabasa, may babae namang nakaearphones sa first row. Tatlo palang kami. Hindi nagtagal ay umingay na ang classroom. Napuno na ng mura ang utak ko. Bakit? Kasi halos magkakilala na silang lahat. Bukod sa magkaklase o batchmates sila noong highschool, extrovert din sila. Karamihan sakanila. Kung anu-anong pinag-uusapan nila habang ako ay nasa gilid ng bintana, tahimik at kunwaring nagbabasa ng libro kahit na wala akong maintindihan. I was so busy listening to them chatting about their summer, and random chitchats. Nakakainggit. "Hello, may nakaupo na ba dito?" Agad na umangat ang tingin ko sa isang lalakeng sakto sa katagang tall, dark and handsome. Nakahawak siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Wala pa po." I replied shyly. Ngumiti siya at inilapag ang bag niya doon. Akala ko uupo na siya pero agad naman siyang nawala. Kinuha ko ang cellphone para tingnan ang group chat namin. May mga chats silang tatlo doon, kinakamusta ako. I told them what I felt. Gusto pa ngang pumunta ni Emma pero pinigilan ko kasi mag aalas otso na. Orientation pa naman ngayon. Mag iintroduce ng mga magiging subjects namin at ang coverage no'n. Ang bumabagabag sa akin ay ang introduce yourself na alam kong mangyayari mamaya. Shuta. Uso pa ba 'yon sa kolehiyo?! Hindi nagtagal ay may pumasok na babae. Around her 40s, she's probably our adviser. Napahinga ako nang maluwag dahil sa ngiti niya palang alam mong mabait siya. She was holding a piece of bond paper, she gave us a warm smile before speaking. "Good morning, class. I was supposed to be your adviser but we have a new applicant. I am here to introduce our new professor in this university which happens to be your adviser. You may come in, Sir Salvatore." Ngumiti siya sa labas. May pumasok na lalake na nakilala ko agad sa suot nito. Nalaglag ang panga ko. Literal. Hindi makapaniwala sa narinig. What the hell? Teacher siya?! "Thank you, Ma'am Lordes." Ngumiti siya sa babae bago tumingin sa amin. "Hello, class! I am Santiago Salvatore, I will be handling your section from this day onwards. You can call me Sir Santi." Inisa-isa niya kaming tiningnan hanggang sa dumapo ang tingin niya sakin. Bahagya pang umangat ang kilay niya. s**t. Naaalala niya ata ako. Hindi naman nagtagal ang tingin niya sakin. Lumipat iyon sa babaeng nasa harap ko. Nakita kong lumunok siya bago nakipag-usap kay Ma'am Lordes. May mga naririnig akong mga puri ng aking mga kaklase sakanya. The girls where yipping silently. Kinikilig ata sa kagwapuhan ni Sir Santi. Not gonna lie, kanina pa nga ako nastarstruck sakanya. Ang bata niya pa, akala ko talaga estudyante pa eh. Heck. Nang magpaalam si Ma'am Lordes ay ngumiti siya sa amin. Then comes my nightmare. "Let's introduce ourselves, shall we?" He chimed in. Halos umitim na ang paningin ko sa narinig. My hands started shaking. Tangina. Walanghiya! Bakit parang ang saya pa ng mga kaklase ko? Hindi ba pwedeng tawagin nalang isa-isa? O di kaya magsuot ng name tag? Hindi ba pwedeng sa index card nalang tapos magkakabit ng picture? Putsa. "Tell us why you chose this course and a little bit of your hobbies. Let's start with you, Miss." Sir Santi announced and pointed at the girl in front of me. She immediately stood up. My mouth agape when she turned around and faced us. Tangina. Ang ganda niya. She's freaking glowing! Anak mayaman siguro 'to dahil sa mga parapernalyas niya sakanyang katawan ay halatang mamahalin. She looks neat too. Her dark brown hair has minimal waves. Natural kaya iyon? ganda eh. Ang puti niya rin kaya para talaga siyang kumikinang. I bet she's chinese or japanese because of her chinky eyes. "Hello, classmates! I am Hestia Marie Cojuangco. I chose this course not because I want to be a nurse but as my pre-med, which can be a great experience for me who's going to med school someday. I have a lot of hobbies, but I love to sing. Singing is on my top list." Nakangiti niyang sambit. The way she talks and move really screams wealth and kindness. Nagkagulo naman ang mga kalalakihan maliban sa katabi kong nakangisi lang. "Sample nga diyan!" Sigaw ng isang lalakeng nakasuot ng 'Nirvana' jacket. "Sample! Sample! Sample!" The boys cheered. I saw how her cheeks went red. Mas nagmukha siyang fresh. Tiningnan muna niya si Sir Santi na may kakaibang ngiti. Tumango naman ito, she started singing the chorus part of 'Crazier' by Taylor Swift. Kahit ang boses niya ay maganda at napakasarap sa tenga. God, she's almost perfect. Para namang nanalo sa lotto ang mga boys, their screams filled the classroom that made me winced. Nagpatuloy lang ang mga kaklase ko sa pagpapakilala hanggang sa tumayo na ang katabi kong lalake. Ang tangkad niya grabe, hanggang tenga na siya ni Sir Santi. May mga naririnig din akong papuri sakanya. He is indeed handsome. Moreno at mukhang atleta. "Hi. I am Luciano Benitez. I want to be an Cardiologist someday and this course is perfect for me. I love to play different instruments like piano and electric guitar." He plastered a loopsided smile that made the girls' hearts flutter. Ang cute niya, s**t. Nang makaupo na siya ay halos mahimatay na ako. Ngumiti siya sakin nang tumayo ako. All eyes were on me as I walk, lahat sila ay tahimik kaya mas lalo akong kinabahan. Nang makarating sa harapan ay kinalma ko ang aking sarili. Inilagay ko ang nanginginig kong kamay sa aking likuran. I managed to smile, buti nalang at hindi iyon nanginig. "I am Winona Louise Romualdez, you can call me Willow. I dream to become a cardiologist too so I took this course as my pre-med. I.." Kinurot ko ang aking palad sa kaba na nararamdaman. "I love to write." I pursed my lips, trying to calm myself. "Like what, Miss Willow?" Nagulat ako nang magtanong si Sir Santi. I don't know if it was just my hallucination but I saw how his eyes flickered in amusement. Agad dumagundong sa kaba ang puso ko. "P-po? Ah, Novels po." Tipid na tugon ko at nag-iwas ng tingin. Tumango siya at nagsipalakpakan naman ang mga kaklase ko. Mabilis akong bumalik sa aking upuan at napahinga ng maluwag. Damn. Pinagpawisan ako ng malamig roon. Hanggang sa natapos na ang pagpapakilala. Muling nagsalita si Sir Santi. Isa lang ang napansin ko habang nasa harap siya. I know I shouldn't take it maliciously pero iba talaga eh. Iba ang mga tingin na iginagawad niya sa magandang kaklase kong si Hestia. I feel like there's something behind his stares. KILLING ME SLOWLY Credits to Tawo Draws on f*******: for the 'jeepney scene'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD