Chapter 2

2016 Words
I've watched a video on YouTube one time. As a writer, we tend to read people easily. Observer kumbaga. Hindi lang writer, maybe those introverted people too. I am both so probably why I concluded that. Wala man akong karanasan sa pag-ibig ay malakas pa rin ang kutob ko. So I started keeping my eyes on them. Marami na rin akong naging kaibigan sa loob ng klase, simula noong orientation. Hindi ko alam na effective pala pang closure ang introduce your self nang paulit-ulit. Biruin mong iyon lang ang ginawa namin buong araw noong first day? We got comfortable with each other, kahit ako na mahirap makisama at mahiyain ay naging komportable. The girls were happy for me too, sila rin ay may mga kaibigan na. The Lorenzo guy even made his move on Emma. "Willooow, partner tayo!" I made a friend, sort of. Nakita ko ang nakangising si Sirius habang papalapit ito sa upuan ko. Agad kong narinig ang pag ingos ni Lucian. We got closer too. Lagi kaming nagsheshare ng mga answers pero madalas ay siya ang nagbibigay, I bet he's going to be a laude when we graduate. "Alis na diyan, Benitez. Nasa likod partner mo." May pang-aasar sa tinig niya habang nakangisi. "Ikaw ang mag-adjust, Rossi." Balik ni Lucian. Ngumisi rin ito at lumingon sa likuran, di kalauna'y lumapit sa amin si Fiona na siyang partner ni Lucian. Umupo ito sa tabi ni Lucian kaya wala nang nagawa si Rius at kumuha ng ibang upuan. Naririnig ko pa ang pabulong niyang pagmumura kay Lucian. Kailan kaya sila magbabati? Hindi ko alam kung ba't parang inis na inis sila sa isa't-isa. Noong unang araw ay hindi na sila natatapos mag-asaran. Ipinag-dugtong ni Rius ang armchair namin. Nasa harap ko siya. "Ako na magsusulat, parang tinapakan ng manok yung papel pag ikaw eh." Kinuha ko ang yellow pad niya. "Grabe siya oh! Kala mo naman ang ganda ng sayo, well, maganda nga naman talaga." He laughed. Napailing nalang ako. "May sagot na ako, dapat talaga ako lagi partner mo eh. Always ready! Gusto mo yorn?" Dagdag niya pa. Nilapag niya ang libro at may mga sagot na nga ito. I snorted with what he said. "Wala akong tiwala sayo, pare." I teased. "Stop calling me that! Mas maappreciate ko pag papalitan mo ng 'Baby' yan. s**t. Kilig naman ako!" Umakto pa siyang kinikilig. Parang tanga talaga. Bumelat lang ako sakanya at nireview ang mga sagot. In fairness tama naman. Hindi rin naman kasi mahirap 'tong Filipino eh. Sa lahat ng subjects namin ito ata ang pinaka madali, pwera lang sa project. Lalo na yung kailangan mag acting. Shuta. Magdodoctor ako at hindi artista. Hindi ko rin alam kung paano kami naging close ni Rius. Basta noong naging magkagrupo kami sa Logic ay lagi na niya akong kinakausap, ginugulo kamo. Lagi tuloy kaming inaasar ng mga kaklase at ang nakakainis ay ako lang yung sumusuway habang siya ay pangisi-ngisi lang. Sirius is handsome too, halata rin na may lahi siyang amerikano sa tingkad ng balat niya at ang matangos niyang ilong. Magaan siyang kasama dahil na rin sa hindi mawalang ngiti sa kanyang mga labi. "Ang ganda rin talaga nitong si Hestia, 'no? Kahit si Sir Santi nagagandahan din eh." Biglang sambit niya na ikinatigil ko sa pagsulat. Mas lalong lumakas ang kutob ko. We've been together for four months now, marami akong napansin na hindi nakikita ng iba kasi magaling din magtago eh. Or maybe coz I was doubting Sir's action since day one. I continued writing as if it didn't fazed me. "True, kung lalake lang ako ay liligawan ko talaga 'yan. Pero saan mo naman nalaman 'yan?" I asked. I wasn't lying though, i really find her pretty, yung hindi nakakasawang tingnan. "Ulol. Mas maganda ka syempre. Sasagutin agad kita 'pag naging lalake at liligawan mo 'ko pag naging babae ako." He waggled his eyebrows. Napasinghap ako. Wala talaga siyang kwenta kausap. "Ang landi mo, letse ka. Isusumbong kita kay Ma'am Riosa." Pananakot ko. Agad namang lumukot ang mukha niya na ikinatawa ko. God, I remembered how our Math teacher, Ma'am Riosa made him answer our assignment. Paano ba naman ang lakas ng boses niya habang nakikipagharutan sa kaklase namin. Ang masaklap, hindi niya pa maexplain kasi nangopya lang. Pahiya si Kumag. "Wag mo na nga ipaalala!" Singhal niya. "Sinabi ni Sir sa amin, nagkukulitan lang kami nung break time hanggang sa tinanong namin kung sino ang nagagandahan namin sa room. Alam mo ang sagot ko?" He grinned. "Nandon ba 'ko?" Mataray kong sagot. Umirap siya. "Ikaw kaya yung sagot ko. Give me some credit naman! Lagi mo nalang ako inaaway." Pagmamaktol niya. "Ulol ka. Tigilan mo nga 'ko. Ipasa mo na 'to." I gave him the yellow pad. Umirap lang siya ulit bago tumayo para ipasa iyon. Nag-inat lang ako at saktong may dumaan sa bintana. It was Sir Santi, I was about to ignore it when I thought he would just pass us but Hestia went out. ✎ . . . Nakaharap ako sa aking laptop. Kanina ko pa pinag-iisipan. I already chose an option, iyong pangatlo. To observe some couples. Pero wala naman akong kakilala kaya may naisip akong.. medyo komplikado. Gumawa muli ako ng panibagong storya. Pinamagatan ko itong 'Always Forever' at ginawan agad ng book cover sa canva dahil nakakapagod pag sa photoshop. Itatry ko lang naman. Hindi ko alam kung matatapos ko ba ito pero kung matutuloy ang plano ay panigurado. Since it's impossible for them to know about this, I used their original names. Tinatamad din akong mag-isip ng pangalan eh, maganda naman yung pangalan nilang dalawa. Yes, I planned on writing their love story. I can see that what's between them are mutual. Hindi nga kasi ako tanga. Ilang buwan ko nang napapansin. Napaisip pa nga ako kung illegal ba 'to kasi guro at estudyante. Mas matanda pa ng ilang taon si Sir Santi. He's already twenty-seven while Hestia is twenty-one. Hindi naman siguro masama. I wrote the Prelude. Ang isinulat ko ay ang nangyari sa first day, kahit yung ganap sa jeepney ay isinama ko pati ang mga pinaggagawa ni Hestia noon. Kung paano siya tiningnan ni Sir. I added some things that didn't actually happened, wala lang, wala naman kasi silang interaction that time. Nang matapos ay isinave ko iyon sa draft. Ang dami na pero wala akong pake. Kung magiging successful ang plano ko, matatapos ko 'to. I grinned at my thoughts. I hope he'll cooperate. Of course he will. Eto na nga ako bilang tulay, whatever it takes, he will have to cross me to claim his goal as I finish this novel. It's a win-win situation after all. ✎ . . . When we got inside the school, we parted ways. Nakasalubong ko pa ang class president namin na si Allison. We just talked about random things until we reached our classroom. Naroon na rin si Rius na antok na antok akong binati. Mukhang wala pa nga siyang tulog dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Hindi ko nga alam ba't lagi siyang maaga dumadating. "Samahan mo 'ko, Wi. Sa canteen." Napapaos niyang sabi nang makalapit sa'kin. Hindi pa naman ako nakakaupo kaya pumayag ako at inilagay muna sa upuan ang bag. Lumabas kami para magpunta sa canteen na hindi naman kalayuan sa building namin. "Ba't ba ang aga mo palagi? Tapos kung matulog kay ay ang late na. Di man lang umabot ng walong oras ang tulog mo." I asked. Bigla siyang ngumisi at tinukso ako. "Hala, concerned siya oh! Wag kang ganyan kung hindi mo naman ako papanagutan! Paasa ka, Willow!" Agad ko siyang kinurot nang isigaw niya iyon. Tarantado talaga. Nauwi sa asaran at hindi na niya sinagot ang tanong ko. Baka early bird lang talaga siya. Nang makarating kami sa canteen ay agad kong namataan si Sir Santi na kumakain ng breakfast. He was busy messing with his phone with his forehead creasing as he chew his food. Shet, he's really a head turner. Malayo palang naaagaw na niya ang atensyon mo. Nilakasan ko ang aking loob. Kailangan kong gawin 'to. We both have benefits if it goes well. Tama! Habang busy sa pagbibili si Rius ay nilapitan ko si Sir na mukhang nagulat sa presensya ko. We seldom talk to each other unless he asks me something related to his subject. "Good morning, Sir. Anong oras ka po available mamayang lunch?" Walang kaabog-abog kong tanong. I think it was adrenaline rush that made me confident to talk to him. His brows rosed up with my question. Nilingon ko ang direksyon ni Rius na ngayon ay busy sa pagtuturo ng pagkain sa tindera. Bumalik ang tingin ko sakanya. Boy, he doesn't look like a twenty-seven-year-old man! "Why are you asking, Willow? May kailangan ka ba? I'm free now." He answered before drinking his water. Bahagya pa akong natulala sa pag galaw ng adam's apple niya. Ang hot, gago. Napakurap ako bago sumagot. "Hindi na Sir, mamaya na. Anong oras nga po?" Pabalik-balik na ang tingin ko sakanya at kay Rius na ngayon ay nagbabayad na. "Lunch time. Twelve thirty. Bakit?" He was eyeing me intently as if he was reading me. Nanatili akong blanko at tumango. Ayos. "Thank you, Sir." Agad akong umalis at lumapit kay Rius na mukhang hindi nakita si Sir. Nang makapagbayad siya ay agad ko siyang hinila pabalik sa classroom. Kinabukasan ay hindi ko alam kung may galit ba si Sir Santi sa akin o ano dahil kanina niya pa ako binabato ng mga tanong. Siya kasi ang teacher namin sa English na siyang first subject namin sa umaga. Naisip ko pa nga na wag nalang ituloy ang plano pero sayang naman, nakakainis siya. Buti nalang at binubulungan ako ni Lucian pag hindi ko alam ang sagot. Bait din nito eh. "Hindi ka ba nakikinig kanina, Willow? Lagi kang tinatanong ni Sir eh." Lumapit si Allison sa akin nang matapos na ang oras ni Sir. "Oo nga, inaantok ka 'no?" Tanong naman ni Klent, ang katabi ni Lucian. "Hindi ko nga alam eh. Nakikinig naman ako! Napagtripan siguro ako ni Sir." Natawa pa ako. Hindi rin sila makapaniwala pero agad kong pinalitan ang usapan. Lunch break. Agad akong nagpaalam kina Emma, Sonya at Deby matapos naming kumain. Nagdahilan nalang ako na may project sa History. Hindi na rin naman sila nagtanong kaya mabilis kong hinanap si Sir. Shit naman. Nakalimutan kong tanungin kung saan siya kakain. Faculty siguro. Mabilis akong nagtungo doon pero wala siya. Pumunta rin ako sa student's lounge pero wala rin. Last kong pinuntahan ay ang canteen, at doon ko nga siya naabutang kumakain sa pwestong inuupuan niya kaninang umaga. Mabilis akong nagpunta doon. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya nang makaupo ako sa harap niya. Kumunot ang noo niya pero agad nawala. "Pwede po bang mahingi ang number niyo, Sir? Itetext ko kung saan tayo mag-uusap. Wag po dito." I uttered frankly. He was taken a back with what I said. I know, I sounded so.. odd. Kung ako ang sasabihan no'n ay mapapaisip din ako ng malisyoso. I just don't want to waste my time. I have to be straight forward. Kahit na kinakain na ako ng hiya. "You can talk to me right here, Willow." He placed his right hand on the table. "Makikita po tayo, Sir. Baka kung anong isipin nila. Lalo na at pinagtripan niyo 'ko kanina." I said with emphasis. I squinted my eyes when a grin formed on his face. Talagang pinagtripan niya ako! Bwisit! Kung alam niya lang na may takot ako sa recitation, kung paano ako manginig. Nakakainis siya. Bakit nga ba niya ako pinagtripan? He sighed in defeat. "Fine, bring out your phone. Siguraduhin mong may kwenta ang pag-uusapan natin." He then recited his number as I type it in my phone. Ibinulsa ko iyon pagkatapos. He was eyeing me really well. Parang nagdududa siya sa akin at pilit binabasa ang emosyon ko. I got conscious and intimidated with his glares. "Don't worry, Sir. You'll like it." I smirked at him and left. KILLING ME SLOWLY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD