Hapon na nang nagtext ako kay Sir Santi. Hindi ko na hinintay ang tugon niya at naghintay sa lugar kung saan ko siya kakausapin. Sa may kalayuang coffee shop. Heck, I look like a student who's about to confess. Sinigurado kong walang estudyante sa paaralan namin ang nasa coffee shop. Ang weird kasi tingnan kung nakikipagkita ako kay Sir dito.
4:30 PM. Umayos ako nang makita siyang pumasok. I raised my hand for him to find me. Nakakunot pa ang noo niya habang umuupo sa harap ko. Agad kong binaba ang nanginginig sa kaba na mga kamay. God, I'm sweating bullets! Hindi naman ako magcoconfess!
He broke the silence.
"Anong sasabihin mo?"
"You like Hestia." I directly uttered, awtomatiko iyong lumabas sa bibig ko. Nakita ko kung paano siya natigilan. His eyes widened with what I said. Bingo! Bullseye! Sabi na nga ba eh.
Base sa reaksyon niya ay tama nga ako. He wouldn't react like that if he doesn't like her. Umayos siya sa pag upo at bahagyang binuksan ang pangalawang butones ng polo niya. He was also sweating. Kung tititigan mo talaga siya ay aakalain mong kaklase ko lang. He doesn't look like a teacher at all. He comb his hair using his fingers, bumagsak ang konting bangs sa noo niya.
"Hay nako, Sir. Wag kang mag-aalala ako lang naman ang nakapansin. Hindi naman kayo halata." Ngumiti ako para maibsan ang tensyong nararamdaman niya.
"Then how did you know?"
Oh, he didn't even deny my assumption.
Saktong dumating ang order ko, umorder naman siya ng black coffee. I took a sip on my milkshake and pursed my lips, trying to stop my lips from smiling.
"Kasi unang araw pa lang ay pinagdudahan na po kita. Hindi kayo halata Sir, pwera nalang kung may katulad kong magaling bumasa ng tao." Hindi ko na napigilan at ginawaran siya ng matamis na ngiti.
His hands balled into fists. Oh boy, he's getting pissed.
"Anong kailangan mo, Willow? Ibablackmail mo ba ako?" Inis niyang tanong.
Pagak akong tumawa. "Grabe ka naman po. Actually, I have a very wonderful offer! Paniguradong magugustuhan mo rin ito." I winked at him. Parang mas lalong nagalit pa ata siya doon sa sama ng tingin niya sa akin.
Sumandal siya sa upuan. Inilayo ko muna ang milkshake at pinatong sa lamesa ang mga kamay ko.
"Tutulungan kita, Sir Santi. I'll help you pursue her. Hindi naman 'to illegal, nasa tamang edad na siya. I can see that she likes you too. Isn't it thrilling having a relationship with your student? Pang nobela talaga!" I grinned and snapped my fingers.
I don't know but I feel comfortable with him, yung totoong ako ay naiilabas ko agad sakanya na hindi nahihiya.
"You're insane. Mapapahamak lang kami. Yes, I do like her but it isn't as deep as you think it is, so I won't do such thing. Malaking eskandalo kung gagawa ako ng katarantaduhan." Umiiling niyang wika. Huminga ako ng malalim.
"Hindi ka mapapahamak kung hindi ka magpapahuli. Easy as a pie. Kaya nga po ako narito para tulungan kayo." I clasped my hands as I smiled sweetly at him. Jusko, bakit bigla akong nawalan ng hiya?
Natahimik siya doon. Nag-iisip. Hanggang sa dumating na iyong kape niya ay tahimik pa rin siya. I guess he's making his decision right now. Sana naman pumayag! Sana! Payag ka na please!
Ang laking eskandalo nga kung hindi sila mag-iingat. Syempre kapag nahuli sila ay isasama niya ako kaya gagawin ko ang aking makakaya na itago sila. That's like part of the story too. Ipapasok ko doon ang karakter ko bilang ako. Estudyanteng tumutulong para itago ang sekreto ng kanilang kaklase at guro. I'm so thrilled!
He took a sip on his coffee. Tumingin siya sakin na puno ng katanungan at kuryusidad ang mga mata. "Why are you doing this? What for? How can I trust you if I'll say yes? Paano kung galit ka pala kay Hestia at sa huli ay ilalalaglag mo kami." Nanunuri niyang mga tanong.
May trust issues ata si Sir. Napalabi ako sakanya, hello? Mukha ba akong maldita para gawin 'yan?
"May makukuha rin ako dito, Sir. Hindi ko na iyon sasabihin. Basta pareho tayong makikinabang, a win-win situation." I shrugged.
Napasinghap siya roon. He scratched his nape, mukhang nalilito nga siya. Ayoko namang sabihin na gagawin ko silang karakter sa nobela ko. Baka hindi siya pumayag. Delikado rin ang isusulat kong kwento pero hindi pa naman ako sigurado do'n eh.
"I swear to God, Sir. Tutulungan ko pa kayo. Hindi ko kayo ilalalaglag kasi madadamay din naman ako eh. I swear to protect your privacy." I even raised my right hand. Ilang oras din siyang nakatingin sa akin tila nananantya.
"Fine. Damay ka dito kaya ayusin mo!" He flared up.
Napangiti ako sa naging tugon niya. Alright! Didn't took a lot of time, huh. He probably really likes her pero hindi niya pa narerealize. Akala ko kukumbinsihin ko pa siya ng ilang araw. Ilang oras lang pala. I clapped my hands as I giggle in excitement. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay nasa morgue na sana ako ngayon. Geez.
"So, here's your first move.."
✎ . . .
"Willoooow!" Bungad sa akin ni Sirius nang makapasok ako sa gate. Nakaabang pala siya doon at kakarating lang din. His hair was still wet.
Ngumiti lang ako sakanya at tumango. Sabay kaming naglakad papunta sa classroom. Hindi ako sumabay sa mga kaibigan dahil kailangan kong agahan, I have to make the first move of the plan.
"Himala, ang aga mo. Excited kang makita ako 'no? Sus! Paasa ka talaga." He nudged me jokingly.
"Asa ka naman. Ang feeling mo, Rius! Hindi ba pwedeng nagbabagong buhay?" Ngumisi ako.
Talagang pagbabago ito sa buhay ko. I never thought I could have this much guts to do this plan for my novel. Akala ko matutulad lang noong junior high ang buhay ko sa paaralan. Palaging tahimik at nagcecellphone. Now, I don't even have the time to look at my phone. Iba talaga ang kolehiyo.
"Ulol. Deny pa more! Napaghahalataan ka na masyado, Wiwi." He retorted. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang salbahe!
"Wag mong babuyin pangalan ko!" Kinurot ko siya sa tagiliran pero agad niya akong bineletan at tumakbo papasok sa classroom.
Walangya talaga. But what he did really helped me. Imbes na dumiretso ako sa classroom ay sa locker room ako pumunta. Agad kong hinanap ang section namin. Isinuot ko ang aking facemask bago hinanap ang locker ni Hestia.
Cojuangco, H. There it is. Sinipat ko kung may tao ba sa hallway pero wala kaya agad kong hinulog ang letter na isinulat ni Sir kahapon. Mabilis akong tumakbo papunta sa classroom.
"San ka galing?" Sirius was leaning on the door. Ibinulsa ko agad ang facemask.
"Nag-CR lang." Kibit balikat kong tugon.
"Pakopya naman sa Filipino! Lilibre kita mamayang recess." Umupo siya sa upuan ni Lucian. Malamang ay natutulog pa iyon ngayon. Palagi namang late yun eh pero bawi naman sa grades niya. Nag-aagawan sila ng pwesto ni Allison sa ranking. Sure talaga akong gagraduate sila na laude.
"Ayoko nga! Binaboy mo pangalan ko. Bahala ka diyan." I stick out my tongue on him.
"'To naman parang hindi friends!" Kunwari pa ay nagtampo siya. Tumawa lang ako at inilabas ang notebook sa Filipino at ibinigay sa kanya. Hinalikan niya pa iyon bago siya kumopya.
Pumatak ang alas otso, nakita ko nang papalapit si Sir Santi. Ngumisi ako nang patago sa nakitang hawak ni Hestia. She got the letter. Nang tingnan ni Sara iyon ay mabilis niyang tinago. Her cheeks were red.
When Sir Santi entered the classroom we immediately settled on our seats. Nang magtama ang paningin namin ay ngumiti ako. Of course he didn't smiled back instead he gave me a frown. He started his lesson immediately.
"So, here's your first move." I handed him a pink envelope.
Kinuha niya iyon at nagtatakang tiningnan ako. Duh, hindi niya ba agad nagets?! Ang modern naman niyang tao.
"Love letter, Sir. Ano ba naman 'yan." Napaikot ang mga mata ko.
"Aamin ako? Dito? I want it to be done personally, Willow." Ibinaba niya iyon at dinaosdos sa direksyon ko. I took my pen out of my pocket at binuksan nang maingat ang envelope. Doon ay hinugot ko ang kulay pink na nakatuping papel na may mga hugis puso sa gilid.
Ibinigay ko iyon sakanya na may matamis na ngiti sa'king labi. Ang choosy ni Sir.
"Alam mo bang nakakakilig para sa aming mga babae ang makatanggap ng letter? Syempre hindi. Pero anyway, for your first move.." Ngumiti ako sakanya. "You're going to write a poem! English teacher ka kaya madali lang 'yon sayo."
Lumabi siya at tumango-tango. Of course, I got him a scratch paper. Scratch paper ko pa iyon sa Algebra.
"What am I going to write? About what?" He asked while tapping my pen on the table.
"Just tell her how beautiful she is. Tell her what you like about her, parang confession pero hindi direct."
Tumingin siya sa kawalan at tumango. Doon ay pinanood ko lang siyang magsulat ng poem. It took him ten minutes before he handed it to me. Nang tingnan ko ay nasa apat na stanza lang iyon pero ang ganda ng mga salitang ginamit niya.
It was sweet, talagang kikiligin kung sino man ang makakatanggap nito. I gave him a thumbs up as a sign of my approval. Taray. Hindi masyadong malalim ang gamit niyang terms, mas mabuti. Hindi mahihirapan si Hestia. Mas nakakakilig kasi maiintindihan agad.
I took out my stick glue from my bag. Inilagay ko iyong letter sa loob ng envelope at nilagyan ng glue para masirado. Bahagya ko pang tinaas iyon at ngumisi.
"Charan! Makakarating po 'to, Sir." Ngumisi ako at kinindatan siya. He just sighed and took a sip on his black coffee.
And that concludes my first chapter. Dang, no sweat.
KILLING ME SLOWLY