Chapter 8: Asawa Ko

1067 Words
Third Person’s POV Natapos rin ang wedding ceremony at deretso na sa biyahe patungong airport sina El at Adonis for their honeymoon as they’ll be heading to the famous surfing capital of the Philippines, Siargao Island. Mananatili sila doon ng limang araw at ngayon ay kasalukuyang nakasakay na sa kotse at babiyahe ng tatlong oras patungong airport at dagdag na 2.5 hours flight via Cebu Pacific direkta Siargao. Napapaidlip si El from time to time pero pagkagising niya makalipas ang mahigit isang oras na biyahe ay nilingon niya ang katabi at nakatutok lang ito sa labas ng bintana. “Aren’t you sleepy?” “Hindi naman po, Senyora. Ngayon lang kasi ako nakakabiyahe ng ganito kalayo kaya lulubus-lubusin ko na ang bawat view na madaraanan.” “Wala pa namang view kasi madaling araw pa. Why don’t you talk to me instead dahil medyo naiinip na rin ako.” Nakasakay sila sa isang Mercedes Sprinter Van na kung saan may maliit na higaan sa likod ng dalawang lounge chair na inuupuan nila, may mini-cabinet katabi nito at may lamesa pa sa gitna. Mayroon ding pintuan na nagkokonekta sa kanila papuntang driver’s seat para may privacy. “Ano pong gusto niyong pag-usapan, Senyora?” “Ayan. Ayang pagtawag mo sa akin ng Senyora, I think you should stop dahil hindi pupwedeng marinig iyan ng mga magulang ko.” “Nakakahiya naman po kasi.” “And that too. Stop addressing me with ‘po’ like what I told you before kasi nagmumukha akong matanda. You’re two years older than me, FYI.” Nag-aalinlangan pa ang mukha ni Adonis dahil pakiramdam niya ay nakakawala ng respeto kapag gagawin niya iyon pero baka mas ma-offend rin si El kung hindi niya susundin. “Susubukan ko…po.” Napatampal si El sa sariling noo pagkarinig non at hindi sigurado kung maiinis o matatawa sa tono ng pananalita ni Adonis. “Ang kulit ng lahi mo ano? Ganito na lang. Kada bigkas mo ng ‘Senyora’ o kaya ‘po’, may punishment ka.” “Ha? Ano po ‘yun??” Tinitigan ni El ang mukha nito at hindi pa rin mapigilang mamangha sa kagwapuhang taglay. He really has this light brown eyes that’s looking at her with so much innocence and his pointed nose na mukhang mas matangos pa sa kanya pati ang mga pilikmatang mahaba. Then her eyes moved down to his symmetrical upper lip with the lower lip being a bit fuller. Natural pa itong mamula-mula at pansin ni El ang pagtaas-baba ng adam’s apple ni Adonis na mukhang nate-tense sa paraan ng pagtitig niya dito. “How is it possible for your features to be this perfect?” “Sabi po ni nanay, may kaibigan siya noon na nabuntis raw ng isang dayuhang espanyol at tinakbuhan pagkatapos. Iyon ang tatay ko at hindi rin siguro ako kayang buhayin ng nanay ko kaya niya ako iniwan sa pamilya ko ngayon. Sa ama ko namana ang kaibahan ng itsura.” “Kaibahan ang tawag mo sa perpekto mong mukha? Ewan ko lang pero mukhang hindi mo alam kung gaano ka kagwapo, Adonis. I might as well prove to you how attractive you are,” binulong ni El sa tainga ni Adonis ang panghuling linya matapos hilahin ang pulley ng inuupuan nito para mapahiga. El playfully smiled as she climbed on top of him and his eyes widened. “Simulan na natin ang honeymoon ngayon din,” she then took her shirt off in one swift motion showing her violet sheer bra. “Teka po, Senyora---” “There you go again. Gusto mo lang atang maparusahan talaga, my dear husband. Just shut up and relax.” The hands of El reached for his jeans to unbuckle it until it’s completely loose. Hinila niya ito pababa hanggang sa bumulagta sa kanya ang suot na boxer brief ni Adonis. Isang matingkad na kulay pulang ibon. “Angry bird?! Pfftt! Hindi ba’t may pinadala akong mga masusuot mo? Hahahahah!” “Mukhang mamahalin po eh tsaka komportable ako dito, nabili ko ng set sa palengke,” nahihiyang sambit ni Adonis at uminit ang magkabilang pisngi. “Set? Anong character ang tatak nung iba?? Hahahah!” Habang busy sa pagtawa si El at unti-unti nang naalis sa ibabaw ni Adonis, itinaas naman nito ang natanggal na pantalon. “Grabeng tawa naman ‘yan, asawa ko.” Awtomatikong napatigil si El pagkarinig non at pagkalingon niya kay Adonis, bahagyang nakataas ang gilid ng labi nito habang nakatingin sa labas. “Anong sabi mo? Can you repeat that?” “Anong uulitin, asawa ko?” sabay lingon nito kay El nang nakangiti kaya ito naman ngayon ang nanibago. She’s not used to that endearment dahil sanay siya sa sosyalan kahit sa mga nakaraang flings at nababaduyan sa call signs ng mga pinoy pero nang si Adonis ang sumambit, ang ganda pakinggan. Tamang-tama lang lalo na’t natural na malambing ang boses nito kahit malalim. “Ayaw niyo po ba?” “No.” “Ay sige huwag na lang---” “No, I mean. I don’t mind. It’s okay… asawa ko,” she tried uttering it and smiled as it came out of her mouth. Medyo slang ang pagkakabigkas pero okay naman pala. “Isuot mo muna ito at baka lamigin ka. Walang mauunang honeymoon dahil tinawanan mo ako kanina, asawa ko.” Isinakbit ni Adonis sa ulo ni El ang kaninang nahubad na T-shirt hanggang sa nasuot na nga ito ulit tsaka pa hinila pababa ang lalayan para maayos. El’s head slightly tilted sideways as she observed him do the gesture. “Para akong bata na dinadamitan mo.” “Ako ang panganay kaya sanay ako dito.” “Pero hindi mo ako kapatid. Bakit ang kalmado mo sa’kin, Adonis? Pangit ba ako sa paningin mo??” El asked all of a sudden with the insecurity evident in her voice. Bigla niya ulit naalala ang nagawang kataksilan ni Rayver at iyong mga sinabi ni Vichelle na kaya lang siya nito pinakasalan dahil sa yaman at hindi dahil maganda siya o magaling sa kama. These thoughts are still haunting her up to this day. “El Margareth, tumingin ka sa’kin. Kasing ganda ka ng pangalan mo at baka hindi mo rin alam kaya ipapaalala ko din sa iyo araw-araw kung kinakailangan. Hindi ibig sabihin na hindi kita madalas masabayan ay hindi na ako nagagandahan sa’yo. Sadyang ayaw ko lang maramdaman mong hindi kita nirerespeto dahil hindi ako sanay. Ikaw ang pinakamagandang dilag sa buong Las Estancia, asawa ko.” Sa paraan ng pagtitig ni Adonis kay El habang sinasabi iyon, punong-puno rin ng sinceridad ang kanyang boses. Napaawang ang bibig ni El kaya napadako ang tingin ni Adonis dito hanggang sa unti-unting ibinaba ang kanyang ulo para salubungin ang kanyang labi sa pinakabanayad na paraang posible.  The way he kissed her first was as gentle as he treats her as his woman.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD