Chapter 7: Mrs. Alonso Part II

2414 Words
*** Everything else was ready. The church, venue, guest lists pati ang wedding contract ay nakahanda na months ago at tanging groom na lang ang kulang. Nayanig ang buong Las Estancia sa anunsyong ikakasal ulit si El Margareth at mas lalo silang nagulat noong malamang si Adonis ang lalaking ikakasal dito, ang tinaguriang Prinsipeng Bukid. El made sure to keep it a secret and also convinced her groom-to-be, to not announce it even to his family dahil ayaw niya ngang may gugulo pa. Before, it was like a fairytale wedding with a magical theme. Ngayon naman ay kasalungat nung una. Dahil pribado ang kasalang ito, kakaonti lang rin ang tao at tanging mga magulang ni El at ang iilang kaibigan lang ang dumalo.  The church door opened and everyone was shocked seeing the bride in her red wedding gown. It was a tube dress, showing of her cleavage and it’s free flowing with all its intricate beads designed around it. She also wore a pair of black gloves and veil and a matching deep red lipstick along with it. Nakalugay ang buhok nitong hanggang balikat habang dala-dala ang pulang rosas na bouquet tsaka nakangiting naglakad sa isle, mag-isa. Sa unahan naman ay naghihintay sa kanya ang groom na nakasuot rin ng pulang tuxedo at nakahapnig ang kanyang buhok. Sobrang gara nito tignan at walang mag-aakala na ito ang parehong lalaki na ang kabuhayan ay magsaka buong araw. He looks so dashing in his red suite at idagdag pa ang tuwid na tindig nito habang tulalang nakatingin sa kanyang bride na parang naglalakad sa runway ng victoria’s secret fashion show. Even El’s family was shocked seeing her in a red wedding gown at hindi sa puting gown na napili ni Donya Emilia. “Quite staring like I’ve grown an extra head, people. Shall we start, father? Excited na ako sa honeymoon eh,” sambit ni El at ito pa ang kumapit sa braso ni Adonis tsaka hinila sa harapan ng altar. “And you look so handsome, darling.” Sinimulan na nga ng pari ang seremonyas at may pahikab-hikab pa si El sa gitna nito at tsaka lang nabuhayan noong inanunsyo na ng pari ang ‘you may now kiss the bride’. Adonis raised her veil and the shock is still evident in his face. Una dahil may parte sa kanyang hindi pa rin makapaniwala na totoo itong kasalan at pangalawa, sobrang ganda ng bride niya. He wasn’t faking it when he stared down at her with awe and enjoyed that ‘slow motion’ moment as he bent down to meet her lips. Masigarbong palapakan ang umalingawngaw sa buong simbahan at iilang click ng camera ang sunod-sunod na narinig. Panigurado, kakalat na naman sa dyaryo, magazine, at telebisyon ang pangalawang kasalan na ito dahil sa pagkachismosa ng mga tao sa media. “Let’s all welcome the newly wedded-couple, Mr. and Mrs. Alonso!” Pagkalabas nila ng simbahan, doon mas maraming nag-aabang na iilang sibilyan na taga Las Estancia at ang iilan pa ay ang mga taong nakikiusyoso rin na taga media kaya nakapaligid ang mga tauhan ni Don Rafael para hindi sila dagsain. “Miss Mirafuente, maari mo bang ipakilala kung sino itong bago mong groom?” tanong ng isang reporter habang nakatutok ang dalang camera sa bagong kasal. “Paano kayo nagkakilala at bakit ang bilis niyong magpakasal ulit sa iba? Anong nangyari kay Mr. Rayver Salvador?” with the mention of his name, parang on cue ay tinulak nito ang iilang taong nakaharang hanggang sa nasa harapan na siya ni El. Rayver looks so disheveled, mahaba ang buhok pati balbas sa mukha, gusot ang damit at bukas ang iilang butones ng suot na polo kaya kitang kita ang tattoo sa kabilang dibdib, Nakasuot siya ng kulay blue na jeans at ang mas napansin ng nakapaligid sa kanya ay ang umaalingawngaw na amoy ng alcohol. The entire media automatically switched to him but he cared less. Naglakad ito papalapit sa mag-asawa at aawat sana si Don Rafael dahil ayaw na ayaw nito ng gulo ngunit pinigilan siya ng anak. “What brought you hear, ex-husband? Hindi ko naalalang imbitado ka sa kasal ko and you look like a mess by the way,” komento ni El tsaka pinasadahan si Rayver mula ulo hanggang paa. “Paano mo nagawang palitan ako ng ganito ka bilis, Ema? Akala ko ba minahal mo ako pero sino itong poncho pilato na ‘to at pinakasalan mo agad?! Who the f**k are you?!” duro nito kay Adonis na siyang nakitang threat si Rayver kaya humarang ito sa harapan ni El. “Mabuti pang umalis ka na lang, Mr. Salvador. Pupwede kayong mag-usap ng masinsinan kapag nahimasmasan ka na,” mahinahong tugon ni Adonis pero tumawa lang si Rayver. “Masyado ka namang magalang magsalita. Scripted ba iyan? Kaninong anak ka at bakit pinakasalan ka agad ng pinakamamahal ko?” “You’re talking non-sense, Rayver. Kung hindi ka pa aalis dito ngayon din, ipapakuyog kita sa mga guwardya. Hindi pa tapos ang pagpapakuha namin ng litrato at paharang-harang ka diyan sa gitna.” “Aalis ako matapos kong gawin ito,” sambit ni Rayver at ikinagulat ng lahat ang sunod nitong ginawa. Sinuntok niya sa mukha si Adonis kaya bahagya itong napaatras ngunit hindi siya gumanti pabalik. Nagsigawan naman ang mga tao sa paligid at doon na sumenyas ang Don para ipaawat si Rayver pero habang papalayo, nagagawa pa rin nitong magsalita. “We’re not yet done you bastard! Babalikan pa kita at gugulpihin hanggang hindi ka na makatayo! Ema, mag-usap muna tayo, please!!! Tangina, bitawan niyo ako! Hindi niyo ba ako kilala, ha?!! Kaya ko kayong bilhin lahat!!!” The media followed Rayver as he’s literally being dragged by the guards. Napapailing ang pamilya Mirafuente at si El naman ay lumapit kay Adonis para suriin ang natamaang mukha. “Are you okay?? Does it hurt???” may pag-aalala ang boses nito at seryosong nakatingin sa mukha ng asawa. Adonis touched her hand on his face and showed her a reassuring smile. “Okay lang po ako, Sen--- Okay lang ako, El. Hindi naman ganoon kalakas ang suntok niya.” Muntik pa nitong makalimutan na iibahin niya ang paraan nang pakikipag-usap kay El lalo na’t nasa harapan ng kanyang pamilya. “Hindi malakas pero may kaonting dugo ang labi mo. Tara na nga sa venue at baka may first aid sila doon nang magamot kita.” Nakasakay sa bridal car ang mag-asawa habang nasa kasunod na Van ang pamilya ni El. Tahimik itong nakatingin sa labas na parang ang lalim ng iniisip at kahit hindi niya man direktang aminin, nakaramdam siya ng kaonting awa sa itsura ni Rayver kanina. Alam kasi nitong importante rin sa kanya ang reputasyon lalo na’t mas kilala siyang business man sa Manila pero nakayanan nitong mag-eskandalo para sa lang kausapin siya. Rayver never treated him ill within their four months of marriage but she should’ve thought better that he too good to be true. He looked so desperate earlier pero hindi dapat magpapatinag si El sa kanya. She needs to stand her ground and no one can break it this time. “Okay lang po ba kayo, Senyora?” mahinang tanong ni Adonis at hindi na ito nag-aalala na may ibang makakarinig sa kanilang usapan dahil ang driver ng sasakyan ay si Efren naman kaya hindi nila kailangang magpanggap. “Ako pa talagang tinatanong mo niyan eh ikaw nga ang nasuntok. I’m more than fine, Adonis.” “Medyo masakit nung una pero okay na ngayon, Senyora. Naiintindihan ko naman ang galit sakin ni Mr. Salvador. Sino nga lang ba ako,” bahagyang tumawa pa si Adonis pero napatigil rin dahil doon niya naramdaman ang kirot sa labi. “Sabi sa’yo masakit eh.” “Nako, Senyorita El. Alam mo ba noong bata pa iyan si Adonis, madalas siyang napapaaway sa mga kapwa bata kapag naglalaro sila ng luksong baka. Matangkad kasi siya kaya natatalo niya halos lahat kaya napipikon ang mga ito,” pagkukwento ni Efren para kahit paano’y gumaan ang atmosphere ng paligid. “Hindi ba’t pambabae ang larong iyon, Mang Efren?” “Senyora El, kahit anong laro nasubukan ko na pati chinese garter.” “Ano?? Seryoso ka??? Hindi ka naman siguro bakla, ‘di ba?” Natawa ang tatlo at tinuloy na lang ang kwentuhan hanggang sa makarating na nga sila sa venue ng wedding reception. Nasa malawak na opening sila sa patag na araruhan ng Las Estancia at garden ang theme kaya puti at green ang motif. Nabibilang lang ang mga mesa pati upuan dahil nga kakaonti lang ang bisita. Pagkadating nila doon, kanya-kanyang pagbati sa kanila ng ‘congratulations’ ang mga tao at maya-maya ay sinimulan na ang reception program. Pinag-utos ni El na hindi masyadong habaan ang program dahil pang formality lang naman talaga ito at kung pupwede pa sana ang civil wedding ay ginawa na niya pero kailangan nga nila ng ‘exposure’ ika ni Don Rafael. Now it’s his time to give a brief speech for the couple. “Good evening. For those of you who don’t know me, I’m Rafael Mirafuente, and this is my lovely wife Emilia, and we’re the parents of the bride. We would like to thank everyone for joining us on my daughter’s wedding,” panimula ng Don na parang tuwang-tuwa siya sa pinagsasabi pero ang totoo ay ganoon lang siya dahil sa nakatutok na mga camera at mayroon pang naka-live. “As I look at my daughter, Margareth, happily seated beside her new groom, I think back to when the time she introduced me to Juan Adonis a couple months ago. Nagulantang ako to be honest because I was there when she mourned for the loss of my grandchild and it’s still very unfortunate up to this day,” nagpakita ng lungkot sa mukha ang Don pero napairap lang si El. “Ang plastic,” komento nito sa upuan kaya napailing lang si Adonis. “It was a roller coaster turn of events at akala ko’y mas matagal pang bago maka-recover ang anak ko pero dumating itong napakakisig at sobrang bait niyang nobyo na siyang nagpaibig sa kanya ulit kaya sino ba ako para tumutol?” he slightly laughed and some of the people from the crowd giggled along with him. “Napatunayan naman ng binata kung gaano niya kamahal ang anak ko at nakita ko rin kung paano siya tignan ng anak ko pabalik kaya doon ko napagtanto na bigyan sila ng basbas upang magpakasal. Ayoko ko nang patagalin pa ang speech na ito so we everyone of us can continue the celebration. Margareth and Adonis, my last advice would be to support and love each other everyday like how I do with my beautiful Emilia, and your marriage will never fall apart. Once again, congratulations and may your marriage be blessed.” Nagpalakpakan ang mga tao bago bumaba ang pamilya ni El tsaka pumalit ang emcee sa harapan. There were two more short speeches before they moved on to cutting the wedding cake in front and the couple looked so happy together while doing so. Mabilis ring tinapon ni El ang bouquet to do the usual bouquet toss hanggang sa na-excite siya sa sumunod na announcement ng emcee. “Now, we’re going to do the garter toss!” naunang pumalakpak ito bago sumunod ang iba pa at may lalaking naglagay ng upuan sa gitna para doon uupo si El. She gladly sat there gracefully and the crowd cheered as Adonis followed her at the center. Nasa kanila na ngayon ang spotlight kaya itinaas na ni El ang kanyang binti pagkaluhod ni Adonis sa harapan niya na parang nangungusap pa ang mga mata upang magpaalam sa susunod na gagawin. El shrugged her shoulders before she stretched her left foot to expose her leg at naroon ang kulay puti na lace garter na kailangang tanggalin ng groom tsaka itatapon sa pangkat ng tao at kung sino mang bachelor ang makakasalo nito ay pinaniniwalaang susunod na ikakasal. Adonis was about to simply remove it with his hands pero iniwas ni El patagilid ang binti niya. “Nah-uh, I want you to use your teeth instead, darling.” Nanlaki ang mga mata sa sinabi nito pero alam niyang kailangan niyang sundan ang kagustuhan ni El kaya nahihiyang ngumiti pa ito sa karamihan bago unti-unting inilapit ang ulo niya sa kaliwang hita ng asawa hanggang sa lumapat na ang labi sa dulo ng garter. El immediately felt his soft lips on her thigh and the hotness of his breath fanning her skin while his light brown eyes stared up at hers. Adonis gritted his teeth as his jaw also touched her skin as he slowly moved down while El slightly raised her leg up on top of his knee until the garter was completely removed. Napabuga siya ng malalim at doon lang napagtanto ni El na pinipigilan niyang humihinga habang ginagawa iyon ni Adonis. That was utterly hot and she wanted to move past this ceremony and proceed with their honeymoon. Ganoon na lang ang epekto ng lalaki sa kanya ngunit parang hindi pa ito aware at pangiti-ngiti lang habang tinataas ang nakuhang garter sabay hagis nito sa ere. Matapos ang mainit na ganapang iyon, inanunsyo ng emcee ang susunod na ganapan at ito ang una nilang sayaw bilang mag-asawa. Adonis almost looked like a prince as he lightly bowed down in front of her gesturing his hand for her to take. Muntik nang magningning ulit ang mga mata ni El ngunit agad itong umiling tsaka inalalang hindi nga pala ang-eexist ang fairytales. She took his hand anyway and they walked at the center. Ipinatong ni El ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ni Adonis habang hinawakan rin niya ang magkabilang beywang ni El at nakatitig sila sa isa’t-isa. Kasabay noon ay ang pagpatugtog ng ‘Wonderful Tonight’ ni Eric Clapton. They slowly swayed with the music silenty as the spotlight followed them. “You really look wonderful tonight, Senyora El,” taos-pusong puri ni Adonis at pansin na pansin ang pamumula ng magkabilang tainga niya. “Wow, english ah.” “Hindi po ba bagay? Ang baduy siguro pakinggan.” “Not really. Anyway, sobrang gwapo mo rin sa gabing ito. Bagay naman pala sa’yo ang ganitong mga suot.”   “Medyo mainit nga po at minsan makati pa pero kinakaya ko naman. Hehehe.” Yuyuko sana ulit si Adonis dahil sa hiya at sa di malamang dahilan, napadako ang isang kamay ni El sa kanang pisngi nito upang pigilan ang kanyang pagyuko. “Nope, huwag kang mahiya. You’re handsome as heck, my dear husband, and super hot too.” Natawa si Adonis dahil dito kaya nahawa lang rin si El at nakitawa lalong lalo na noong pumula pa ang magkabilang pisngi nito. In that moment, she wasn’t even sure whether she is still pretending. She’s not even sure why she’s laughing freely right now pero bahala na muna. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakatawa ng ganito kaya hahayaan niya muna ang sarili. Tonight, she’ll enjoy being Mrs. El Margareth Alonso.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD