Chapter 4: Find a Groom

2466 Words
FLASHBACK… 6 MONTHS AGO…   Third Person’s POV Sa oras na sinambit ng doktor ang katagang wala na ang anak nilang tatlong buwan pa ay literal na gumuho ang mundo ng mag-asawa ngunit mas masakit ito sa parte ni Ema bilang ina. She caught her cheating husband and loses her first child at the same time. Tila narinig niya ang pagkabasag ng sariling puso at nahihirapan siyang huminga. The moment they found out she was pregnant, nagbunyi ang lahat lalo na’t lalaki ang panganay pero ganoon kadali nawala nang hindi man lang nasilayan ang ganda at lupit ng mundo. Baby Rayver Salvador Jr. didn’t make it because of a stupid mistake. Walang ibang makapitan si Ema kaya umiyak ito nang umiyak na nakaupo sa kama hanggang sa niyakap siya ni Rayver na umiiyak na din. Hindi siya yumakap pabalik ngunit wala rin itong lakas para itulak ang asawa palayo. “How dare you cry in front of my face right now? This is all your fault…kasalanan mo ito, kasalanan mo…” she felt like she was shouting but it only came out as a whisper pero rinig na rinig ito ni Rayver. “Hindi ko sinasadya, Ema. Maniwala ka, mahal na mahal ko ang anak natin,” sagot ni Rayver pero umiling-iling lang si Ema bilang tugon at sa natitirang lakas, pinagsusuntok niya ang dibdib ng asawa. “Wala kang kwentang ama at asawa, Rayver… wala…” “I’m sorry. I’m sorry… hindi ko sinasadya…” paulit-ulit humingi ng tawad si Rayver at mas hinihigpitan lang ang pagyakap kay Ema hanggang sa nakatulog ito na basa ang mga pisngi at nandoon pa rin ang lungkot sa mukha. Dahan-dahan siyang inihiga ni Rayver sa hospital bed tsaka umupo sa gilid nito hawak ang kamay ng asawa. Ngayon lang siya nakaramdam nang sobra-sobrang pagsisisi buong buhay niya.       *** 3 days later… It is the funeral of Ema’s son at tanging siya at ang pamilya lang niya ang naririto dahil hindi niya pinayagang dumalo ang mga Salvador. Walang niisa sa kanila ang may karapatan na magpakita dito matapos ng ginawang pagtataksil ni Rayver. Tatlong buwan pa lang ang anak sa tiyan ni Ema ngunit walang araw na hindi niya minahal ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos makapaniwalang wala na siya. Sa dalawampung taong pagkabuhay ni Ema sa mundong ito ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng sakit na hindi halos maipaliwanag ng mga salita. Akala niya ay tuyo na ang mga mata kakaiyak pero nagpahinga lang pala saglit at ngayon ay tumutulo na ulit. Four months ago, it was a fairytale wedding. It was the exact life she dreamt of since she was a kid dahil parang prinsesa na ang trato sa kanya kaya akala niya’y makakatagpo rin siya ng prinsipe pero balat kayo lang pala ito ang magandang mukha. Hindi niya alam kung ba’t deserve niyang lokohin ng ganoon ni Rayver dahil wala naman itong ginawang masama kundi magbigay ng pagmamahal at hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya sapat. She wanted to blame it all on him pero alam niyang mayroon rin siyang kasalanan kung di niya basta-bastang sinugod si Vichelle sa araw na iyon at sana’y hinayaan na lang ang mga ito na gawin ang gusto nila ay siguro buhay pa ang panganay. Punong-puno siya ng ‘what ifs’ pero wala na itong magagawa. “I’m very sorry for your loss, anak. Sigurado akong magiging anghel mo siya. You still have to stay strong,” Donya Emilia, Ema’s mother, came to her side while crying on her own. Nagyakapan ang mag-ina habang nanatiling nakatayo sa gilid si Don Rafael at ang bunso sa magkapatid na si Knives Mirafuente. Mayroong iilang importanteng myembro sa pamilya na nakikiramay din sa paligid na siyang nakikiluksa at tahimik na nakatayo. Nang mapagdesisyunan nang umalis ng pamilya ni Ema, mas pinili nitong maiwan muna mag-isa kaya hinayaan na lang nila ito. Hinahaplos lang niya ang nakaukit na pangalan ng anak habang yakap-yakap ang dalawang tuhod na nakaupo doon. “Ema…” tawag ng nanginginig na boses sa kanya kaya awtomatikong nagpunas ng luha si Ema at tumayo para harapin ito. “Sinabi kong hindi ka pupwede dito,” malamig ang tono na pagkakasabi niya sa asawa. “Ako pa din ang ama at nawalan rin ako kaya hindi ko kayang ‘di pumunta, Ema.” Napatitig si Ema sa buong itsura ng lalaking minahal niya ngunit ngayon ay tanging pagkamuhi na lang ang nararamdaman. Gusot ang suot nitong damit at magulo ang buhok at mugto ang mga mata. Nilapitan niya ito at walang sabi-sabing sinampal ng dalawang beses. “Tinatawag mong ama ang sarili mo? Ngayon mo pa nasasabi ‘yan? Ang kapal ng mukha mo! Maiintindihan ko naman kung hindi mo ako mahal dahil sa punyetang arranged marriage pero ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi mo man lang nagawang maging tapat sa amin ng anak mo! Nakulangan ka ba sa s*x, ha? Sumagot ka! Saan ako nagkulang bilang asawa mo, Rayver?!” Ema shouted in all desperation at gusto niyang ilabas lahat-lahat dahil parang mababaliw na siya kakaisip. “Walang mali sa’yo, Ema. Sadyang gago lang talaga ako.” “Alam mo naman palang gago ka eh sana hindi mo na lang ako pinakasalan at hindi dinamay ang anak ko!” Matagal sumagot si Rayver kaya lalo lang nainis si Ema at pinagtutulukan ang asawa hanggang sa sinangga na ni Rayver ang mga braso niya upang tumigil. “Bakit ka pa kasi pumunta sa opisina ko?? Tsaka hindi mo na dapat sinugod si Vichelle dahil alam mong buntis ka. Hindi lang ako ang may kasalanan dito, Ema. Kung hindi ka rin sana naging pabaya edi okay tayong lahat.”   Ema was taken aback by his words and her eyes widened in shock. She covered her mouth with one hand as she couldn’t seem to digest what he said. Sarkastikong napatawa si Ema kaya kumunot ang noo ni Rayver. “So it turns out this is my fault. Lumabas rin sa bibig mo na dapat ay hindi kita sinorpresa para dalhan ng paborito mong pagkain at dahil na-miss kita. Dapat rin pala akong natuwa at pumalakpak pagkakita sa asawa kong nakikipaglampungan sa ibang babae. Ako pa ang pabaya ngayon. You’re unbelievable, Rayver. Really, unbelievable. Ngayon mo mas pinapaintindi sa’kin kung bakit hindi dapat kita pinakasalan in the first place.”   After saying those, tinalikuran na ni Ema si Rayver para puntahan ang naghihintay niyang driver na si Mang Efren na nakatayo katabi ng kanilang sasakyan. Maya-maya habang naglalakad ay naramdaman niya ang paghawak ni Rayver sa kanyang braso pero agad niya itong iwinaksi palayo. “Pag-usapan natin ito Ema. Ilang ulit na akong nagmakaawa sa iyo para patawarin ako pero handa akong gawin ulit iyon nang paulit-ulit hanggang tanggapin mo ako pabalik. Hindi ko sinasadya ang sinabi ko at hindi ko kayang mawala ka sa’kin ng ganito.” “Sana naisip mo iyan bago ka nakipaglandian sa ibang babae. Ipapadala ko sa iyo ang annulment papers natin as soon as possible.” Hindi makapaniwala sa narinig si Rayver kaya naestatwa na ito sa kinatatayuan habang nakatingin kay Ema na tuluyan ng sumasakay sa loob ng sasakyan at nag-drive na palayo si Mang Efren. She did come out strong earlier pero habang lumalayo ang sasakyan nila at tinitignan niya si Rayver mula sa bintana, hindi niya maipagkakailang minahal niya ito ng lubos. She cried again for the nth time as she still can’t understand how he managed to smile at her every morning like she meant the world to him. She couldn’t imagine how he’s able to freely flirt with other girls and kissing her right after. Inabutan siya ng panyo ni Mang Efren at awang-awa itong nakatingin sa kanya. “Maging matatag ka, Senyora. Hindi masisiyahan ang munti mong anghel kung ganito kadaming luha na ang iniiyak mo. Baka bumaba ulit iyon para batukan ang papa niya.” Bahagyang natawa si Ema dahil alam niyang sinusubukan lang nitong pagaanin ang loob niya. “Ngayong araw ko lang po iiyakan ang gago niyang papa at tatapusin ko na ang anumang ugnayan namin pagkatapos.” “Kung ano sa tingin niyo ang tama, Senyora. Makikinig lang rin ako kung sakaling kailangan niyo ng kaibigan,” taos-pusong sambit ni Mang Efren dahil saksi ito sa paglaki ni Ema at para na rin niyang anak kung ituring. “Salamat, Mang Efren. Alam kong mapagkakatiwalaan ko kayo.” Pinunasan ni Ema ang mga mata gamit ang binigay na panyo ni Mang Efren na amoy downy perfume pa. Alam niya kasing nilabhan ito ng misis niya kaya babaeng babae ang halimuyak. Napangiti si Ema doon at bumuntong-hininga nang malalim dahil buo na ang desisyon niya sa taong sunod na haharapin kinabukasan. Ang kanyang ama na si Don Rafael.     *** The 15 year old brother of Ema, Knives Mirafuente, always loved grooming their horses early in the morning kaya alas sinco pa lang ay nakahanda na itong puntahan ang kanilang barn. Kung ang itim na kabayong si Astrid ang paborito ng kanyang ate, sa kanya naman ay ang puting kabayo na si Spear na may halong kulay itim na batik. Ang breed nito ay Orlov Trotter, isa rin sa mga pinakamabilis at mabangis na klase ng kabayo ngunit umaamo ito kay Knives. Pagkadating niya sa kamalig, agad nitong binuksan ang kuwadra ni Spear na siyang humalinghing pagkakita sa amo. “Good morning to you too, Spear. Gusto mo bang mamasyal?” sambit ni Knives habang bina-brush ang mane ng kabayo tsaka hinahaplos ito sa isang kamay. Matapos niya itong i-groom, sinuotan na niya ng kulay itim na saddle at bridle ang alaga tsaka umangkas dito at inangkla ang isang paa. “Hiyah!” bahagyang umiskape ang kabayo dahil dito tsaka unti-unti nang tumakbo na siyang ikinangiti ni Knives dahil ramdam na ramdam nito ang simoy ng hangin. Inikot niya kabuuan ng rancho habang masiglang binabati ang ilang tauhan. “Magandang umaga, Senyorito!” “Magandang umaga din!” “Huwag niyo masyadong bilisan ang takbo at baka kayo’y mahulog, Senyor!” “Hindi po ako ihuhulog ni Spear, lalabas muna kami ng rancho kuya!” Hindi na nagpapigil ang batang Mirafuente at lumampas na sa kanilang gate para tahakin ang daan upang masilayan ang pagksikat ng araw sa kalapit na bayan. Hindi pa siya nakakarating sa destinasyon ay nakilala na niya ang itim na sasakyang kasalungat ng daraanan niya kaya hinila nito ang dulo ng saddle at ginaya patagilid ang kabayo para tumapat sa harapan ng kotse. “Anong ginagawa ng panganay na Salvador sa lupain namin?” pagtatanong ni Knives pagkababa ni Rayver ng sasakyan. “Gusto kong kausapin ang ate mo, Kiv. Makikipag-ayos sana ako,” tawag ni Rayver sa palayaw nito. “Ayaw kang kausapin ng ate ko at narinig kong ipapadala niya sa’yo ang annulment papers kapag handa na o baka excited kang kunin ito para matuloy mo ang pambabae?” Hindi tinatago ni Knives ang pait sa kanyang boses dahil mahal na mahal niya ang kapatid at alam nitong hindi deserve ni Ema ang pagtaksilan ng ganoon. “Naiintindihan ko ang galit mo ngayon at gusto ko ring humingi ng tawad pati sa iyo at sa buong pamilya niyo sa nagawa ko.” “Kaya pala ayaw ko sa’yo noong una pa kasi ilang babae ang nauugnay sa iyo mula high school pero dahil isa ka ngang Salvador, iyon lang ang puntos mo at wala ng iba. Sa madaling salita, kinamumuhian rin kita at ang buong angkan mo, Rayver. Ito naman ay para sa pinsan kong anak mo na namatay nang dahil sa iyo.”     Bago pa man ito makasagot, hinila ulit ni Knives ang saddle at bahagyang pinatid ang paa sa gilid ng kabayo upang maingat ito tsaka iginaya sa trunk ng sasakyan para ibagsak ang dalawang paa kaya tumama sa salamin ng kotse ang kakalinis lang na hoofs ni Spear dahilan para mabasag ito. Napaatras si Rayver na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kotse niya habang nakangisi si Knives at proud pang nakangitin sa ginawa niya. “Good boy, Spear. Oh siya, aalis na kami ex-brother-in-law. Adiós!” Natatawang umalis si Knives na walang bahid na pagsisisi sa mukha dahil alam niyang ito ang paboritong sasakyan ni Rayver. Kulang pa nga iyon sa sakit na naidulot nit okay Ema.     ***  Alas siyete ng umaga at nagkakape si Don Rafael sa kanyang library habang may hawak na librong binabasa. Bumukas ang pintuan kaya napaangat siya ng tingin at nakita si El na papasok ng kwarto. “Kailangan kitang makausap, Papá,” sambit nito tsaka naupo sa katapat na upuan. Itiniklop ng Don ang libro at tinanggal ang suot na salamin tsaka inilagay sa ibabaw ng lamesa. “Anong gusto mong pag-usapan nang ganito kaaga, Ema?” “Gusto ko ng annulment at nais ko sanang kunin pa rin ang aking mana pagkatapos,” diretsong sambit niya at seryosong nakatutok sa ama. “Alam mong hindi ko binabali ang kasunduang ginagawa ko kahit anak kita, Ema. Anim na buwan kang dapat nakatali sa matrimonyo pero apat palang ang nakayanan mo at pumalya pa,” umiiling-iling pa ang matanda bago humigop ulit ng kape. “Hindi ko kasalanang pumalya, Papá! Kasalanan iyon ng walang kwentang lalaking pinili mo para sa akin!” “Watch the tone of your voice, El Margareth. Isang pagtaas pa ng boses mo at tapos ang usapan natin.”     Napaatras sa sariling upuan si Ema bago napapikit at tsaka huminga nang malalim. “Sorry, Papá. Ang sa akin lang naman ay baka maaari mong bigyan konsiderasyon dahil sa pagkamatay ng anak ko na apo mo. Pupwede naman akong mamuhay mag-isa at itatakbo ko pa rin ng maayos ang negosyo natin.” “Babae ka at hindi mo kakayaning mag-isa kaya hindi ako papayag, Margareth. Kung naging mas maayos ka sanang asawa ay hindi naghanap ng iba ang panganay ng mga Salvador at siguro ay pinabayaan mo kaya nagkaganoon. Kahit kailan talaga ay wala ka nang nagagawang tama at mukhang ikaw pa ang makakasira ng reputasyon ko.”  Naikuyom ni Ema ang mga kamaong nakapatong sa hita niya. Eto na nga ba ang pinakaayaw niya dahil walang usapang hindi siya naiinsulto ng kanyang ama.   “Fine. Kung hindi niyo ibibigay ang mana ko, gusto kong payagan niyo ako sa annulment at bigyan niyo ulit ako ng ilang buwan at ako mismo ang hahanap ng mapapangasawa.” Magdamag nang pinag-isipan ni Ema ang Plan B dahil alam niyang malaki ang tsansa na hindi papayag ang ama sa proposisyon niya. Nag-isip ito saglit bago tumango. “Bibigyan kita ng anim na buwan para humanap ng mapapangasawa at kung hindi, wala kang makukuhang mana kahit piso.” Iyon na nga ang bagong napagkasunduan ng mag-ama at nagpaalam na kaagad si Ema para makalabas na ng library at bumalik ulit sa kwarto niya. Tinitigan nito ang repleksyon sa full-sized mirror at hinawakan ang buhok niyang hanggang beywang hanggang sa umabot ang kanyang kamay sa tiyan. Kailanlang ay tinitignan niya araw-araw ang sarili sa salamin para himasin ang bukol sa kanyang tiyan pero ngayon ay wala na ito. Mariing pumikit si Ema bago kinuha ang gunting sa drawer na nasa gilid at tinapat ito sa kanyang buhok. Patuloy niyang pagluluksaan ang pagkawala ng anak ngunit hindi siya magmumukmok lang sa tabi. Kasabay nang pagbagsak ng ilang hibla ng buhok niya sa sahig ay ang pangako ni Ema sa sariling maghihiganti siya ngunit hindi ito makakagalaw kung wala ang kanyang mana.   First step is to find a groom first.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD