Chapter 5: The Farmer's Son

2505 Words
STILL A FEW MONTHS AGO… FLASHBACK…   Third Person’s POV Bata pa lang ay nasanay na nasa pagtatrabaho si Adonis bilang siya ang panganay sa pamilya at tanging ang tatay niya lang ang tumataguyod sa kanilang pitong magkakapatid tapos ang nanay niya pang may sakit kaya napatigil na ito sa pagtatrabaho. Nakatira ang pamilya Alonso sa isang bahay kubo na gawa sa palmera at kawayan na may isang maliit na kwarto. Napapaligiran ito ng mga puno ng niyog at mangga at sa di kalayuan ay tanaw ang malawak na tubuhan at palayang parte ng Las Estancia. Sa harapan ng kanilang mumunting bahay naman ay ang balkonaheng yari din sa kawayan na sina Adonis at ang tatay na si Jeffrey lang ang gumawa. Alas tres ng madaling araw at nagigising na si Adonis pati ang labing-apat na taong gulang na kapatid nitong si Peter para makapag-igib ng tubig sa poso na komun ilang metro ang layo sa kanila. Ang dalawang babaeng magkakapatid naman ay siyang tagasaing at tagapitas ng gulay para sa almusal nilang pamilya. “Kuya, ayan na naman ang mga babaeng walang sawang nagpapa-cute sa iyo. Ba’t kasi hindi ko namana ang kaguwapuhan mo, ano?” sambit ni Peter habang nakalinya sila sa poso. “Hayaan mo na sila at darating ang araw pagtungtong mo sa edad na disiotso ay ikaw naman ang paniguradong pagpipilahan. Narinig mo ba ang tinatawag nilang puberty? Nakakapogi daw iyon kaya hintayin mo lang.” “Niloloko mo ata ako kuya, eh. Tignan mo ‘yang ilong mong sobrang tangos na daig pa ang mga artista sa telebisyon. Ang pango ng akin kaya hindi ako naniniwalang tatangos pa ito kahit bente na ako.” Natawa lang si Adonis at ginulo ang buhok ng kapatid. Maya-maya ay hindi na rin nakatiis ang dalawang dalaga at nilapitan na ang dalawa. “Magandang umaga Adonis at sa iyo rin, Peter. Gusto mo bang sa inyo na lang itong tubig na inigib namin para hindi na kayo pumila?” sambit ng isa sabay lagay ng ilang hibla ng buhok nito sa likod ng tainga. “Pupwede rin ba kitang imbitahan magkape sa amin, Adonis? Kakaluto lang ni Inang ng puto at tsokolate kaya gusto ko sanang tikman mo,” hindi nagpatalo ang isa na todo bungisngis din. “Hoy mga ineng, magsitigil na nga kayo at walang panahon iyang si Adonis sa dami nang gawain niya buong araw. Gusto niyong isumbong ko pa kayo sa mga tatay niyo, ha?” “Eto naman si Tiyo Jun, masyadong KJ!” “Anong ‘key-jeyy’ ang pinagsasabi mong bata ka? Umalis na nga kayo at kakailanganin iyang tubig para makaligo na ang kapatid niyong pupuntang skwela!” “Pasensya na kayo, sa susunod na lang siguro pero salamat ulit sa alok. Mag-ingat kayo sa daan,” nakangiting tugon ni Adonis sa dalawa at naghampasan pa ang dalawa dahil sa kilig. “Ang sarap niyang pakasalan, inday!” “Mas masarap siguro siya, loka!” Rinig pa ng tatlong lalaking sabay napailing na nakatingin sa dalawang babaeng paalis. Iiyak ata ang araw nang walang humaharot kay Adonis na mga dalagang bukid pati mga dalagang ulay.     *** FLASHBACK… HIGH SCHOOL DAYS OF ADONIS…   Adonis was only 15 when he first saw the 13 year-old Ema in person dahil iisa lang naman ang high school na mayroon sa Las Estancia at hindi ito ganoon kalaki kumpara sa mga paaralan ng lungsod. Ema was homeschooled until she finished elementary and asked her parents if she could go to an actual school in person so she can experience the outside world at sa mahaba-habang pangungumbinsi ay tilungungan siya ni Donya Emilia hanggang sa napapayag na nila si Don Rafael. Mahaba ang buhok ni Adonis sa edad na kinse at medyo buhagbag pa ito dahil tinatalian niya lang ng itim na rubber band para maging ponytail sa ibabang parte ng likuran at minsan ay nakakalimutan pa. Naroon pa rin naman ang magandang feautures ng katawan at pagmumukha niya ngunit natatabunan lang ito ng makalat niyang buhok pati ang sobrang laki nitong polo at pantalon na mayroon pang mga tampal dahil bigay lang itong uniform sa kanya. “Tol, balita ko papasok na ngayong araw ang tagapagmana ng mga Mirafuente. Sobrang ganda at kinis raw! Tara abangan natin!!” excited na tugon ng nag-iisang kaibigan na si Joselito. “Nag-aaral ako dito Jose at kahit gaano pa kagandang dilag iyon, wala kang tsansa.” “Grabe ka naman makapagsalita, Don. Di hamak na mas gwapo ako sa iyo kahit hanggang balikat lang ang tangkad ko sa iyo! Kahit huwag ka nang tumingin at samahan mo lang ako dali! Di ka naman napapakain ng librong iyan eh!” Wala na ngang nagawa si Adonis nang hablutin ng kaibigan ang hawak na libro upang sumama siya. May iilan pang nag-aabang sa tapat ng gate na animo’y isang artista ang dadayo sa kanilang paaralan at hindi naman na-disappoint ang mga ito nang huminto na nga ang isang magarang itim na sasakyan sa tapat ng paaralan. Naunang lumabas si Mang Efren para pagbuksan ng pintuaan ang pasahero niya at doon na lumabas sa likuran ang naka-unipormeng si El Margareth. Simpleng maroon na palda at puting polo na may logo ng paaralan sa bulsa ang soot niya at may kaonting heels ang makintab na sapatos tsaka naka-ribbon ng kulay maroon din ang maalon niyang buhok. May iilang hibla pang nakawala na sumasayaw dahil sa hangin at doon tila napatulala si Adonis. Para itong nakakita ng anghel na bumaba sa sasakyan lalo na’t kumaway ito sa direksyon niya kahit hindi siya sigurado pero nag-assume niyang sa kanya nga ito kumaway at ngumiti. “Tol. Iyong puso ko nalaglag. Ang gandang dilag,” bulong ni Joseph pero nanatiling nakatitig si Adonis kay Ema na ngayon ay binabati na ng ilang kababaihan at pinupuri din dahil sa kagandahan nito at sobrang perpekto nga pati kutis na akala mo’y ngayon lang naarawan sa matagal na panahon. ‘Ang ganda nga’. Pag sang-ayon ni Adonis sa kanyang isipan dahil mahiyain ito. Simula sa araw na iyon ay binabatuhan lang niya ng pasimpleng sulyap si Ema dahil parating maraming nakapaligid nitong mga babae at pati iilan pang lalaki na sinusubukan ring magpapansin. Sa isipan ni Adonis ay hindi naman magiging interesado ang prinsesang kagaya ng dalaga kumpara sa dukhang katulad niya. END OF FLASHBACK…   *** Pinagtimpla ni Sarah ng kape ang asawa at anak mula pa sa sariling coffee beans na ani ng bukid. Madalas itong napapaubo sa bawat araw na lumipas pero binabalewala lang niya at patuloy na hinanda ang almusal ng dalawa bago ito magtungo sa tubuhan dahil pagdapit hapon ay sa rancho naman mamamalagi si Adonis para tumulong. “Ang sarap-sarap mo talagang magtimpla ng kape, nay! Kaya minamahal ka lalo ni tatay, eh! Mhhmm,” inihipan pa ni Adonis ang tasa ng kape bago humigop mula dito at may papikit-pikit pa. “Naku, kahit ata hindi ako timplahan ng nanay mo ay baliw na baliw pa rin ako sa kanya noon pa, anak. Siya ata ang pinakamarikit na dilag dito sa bukid sa kapanahunan namin! Ma, pahinging dalawang pandesal po, hehehe.” “Ayan, kay aga-aga binobola niyo ako at ikaw naman Jeffrey, manghihingi lang ng tinapay andami mo nang sinasabi,” napaubo ulit si Sarah at mas matagal na ito ngayon at umabot sa puntong napapayuko ito ng kaonti kaya tumayo si Adonis para haplusin ang likod ng ina. “Ayos ka lang po ba, nay? Ilang buwan ka na rin umiinom ng herbal na gamot pero hindi ka pa gumagaling. Pumayag ka na kasing dumako tayo sa kabilang bayan para ipatingin kita sa doktor.” “Ano ka ba, mahal iyon anak at tsaka wala lang ito. Simpleng ubo lang dahil sa lamig rin ng klima ngayon.” Napatikhim ito ng ilang beses dahil sa namamaos ang kanyang boses at napahawak rin sa may dibdib tsaka bumuntong hininga ng malalim. Magsasalita pa sana si Adonis ngunit dumating na ang kaibigan ni Jeffrey para sabay na silang pumunta sa tubuhan. “O siya, umalis na kayo at mag-ingat sa trabaho. Huwag kang masyadong magpapagod anak, ha?” “Opo, inay. Iniwan ko ang isang cellphone kay Sonya kaya tawagan mo lang ako kung may kailangan ka. Alis na po kami.” Parehong nakasuot ng longsleeves at maong na pantalon ang mag-ama tsaka sabay kinuha ang balanggot na sombrero. Humalik pa sa pisngi ng asawa si Jeffrey bago sumunod kina Adonis sa labas ng bahay at masayang nagkukwentuhan ang tatlo habang nilalakad ang distansya patungo sa tubuhan. Pagkadating nila sa tubuhan, agad bumati ang tatlo sa iba pang mga kasamahan tsaka na sinimulang magtrabaho. Kahit tirik na tirik ang araw ay nagagawa pa ni Adonis na makipagbiruan sa ilan pang kalalakihan para hindi nila maisip ang pagod. “Hayaan mong ako na ang magbuhat niyan, Tiyo,” prisinta nito tsaka kinuha ang iilang tubo na naputol niya at isinakbit ito sa kanang balikat habang nakasuporta ang dalawang kamay. Sa pagdaan ni Adonis sa grupo ng kababaihan ay napa-sign of the cross ang isa sa mga ito lalo na noong ngumiti ito sa gawi nila kaya sabay na nagtilian ang mga babaeng nakasuot ng mahahabang palda at may nakataling panyo sa ibabaw ng ulo. “Jusko, kung kasingkisig ng katawan niya ang asawa ko ay ikukulong ko na lang siya sa bahay para ma-solo kada uwi galing trabaho.” “Totoo! Sinayang talaga ni Juana ang chansa niya noong sila pa ni Adonis eh di hamak na mas makisig pa ang prinsipeng bukid natin kesa sa manilenyong pinalit niya.” Patuloy sa chismisan ang mga ito hanggang sa nasita sila ng isa sa mga may-edad na upang bumalik sa trabaho. Iyon nga ang nakuhang titulo ni Adonis dalawang taon na ang nakalipas. ‘Ang Prinsipeng Bukid ng Las Estancia’.     *** “Adonis! Tumawag ang kapatid mo at nahimatay raw ang nanay mo!” tarantang sambit ng isang katrabaho niya kaya agad naibagsak ni Adonis ang mga bitbit ng tubo at nagmadaling tumakbo pauwi ng bahay. Pagdating niya doon ay naroon ang dalawang kapitbahay na babae na tumulong kay Sarah. “Ano pong nangyari kay nanay???” tarantang tanong nito bago hinawakan ang kamay ng ina na walang malay sa ngayon. “Sumuka siya ng dugo kanina kuya matapos umubo nang matagal,” sagot ng isa niyang kapatid. “Kailangan natin siyang dalhin sa ospital sa ayaw at sa gusto niya. Peter, ipakausap mo kay tatay si Mang Jun para makahirap tayo ng jeep niya para makapunta sa kabilang bayan.” “Sige po, kuya.” Mayroong kaonting ipon si Adonis para sana pang kolehiyo ng kapatid niyang si Peter dahil wala na siyang plano na magpatuloy pa sa pag-aaral pero ngayon ay gagamitin niya ito para ipagamot sa nanay at kung kinakailangang manghiram pa siya ng pera ay iisa-isahin niya ang mga kakilala. Pagkadating sa ospital, pinasuri na nila si Sarah habang naghihintay ng resulta sa labas ang mag-amang Adonis at Jeffrey. Maya-maya ay lumabas nga ang babaeng doktor para hanapin ang guardian ng pasyente. “Base sa mga sintomas na nararanasan ni Mrs. Alonso, mayroong tumor na na-detect mula sa resulta ng tests,” may tinuturo pang parte sa monitor ang doktor pero hindi halos ito maintindihan ni Jeffrey. “With the overall results, it is determined that she has Stage 3, Lung cancer. Dahil hindi agad ito nakita at kung hindi pa maagapan ay mas lalong kakalat ang cancer cells sa kabilang baga ng pasyente,” mahinahong paliwanag ng doktor sa dalawa. Biglang bumagsak ang mga balikat ni Adonis dahil alam niyang hindi biro ang cancer. Kung sana ay mas tinuunan niya ito ng pansin at hindi nagpadala sa ina, siguro mas maaga itong napa check-up. “Paano po maagapan, dok? Anong pwedeng gawin?” “I would recommend a multimodal treatment of mesothelioma, kombinasyon ng chemotherapy, radiation therapy at ang last resort which is surgery since stage 3 na ang cancer. Gustuhin ko mang tulungan kayo rito pero walang sapat na kagamitan ang hospital na ito kaya kakailanganin niyo pang pumunta sa sentro ng bayan.” Nanlumo ang mag-ama sa narinig lalo na’t pinaliwanag ng doktor ang posibleng mga gastusin na umabot ng ilang daang libo o higit pa kung mas matagal na treatment. Wala silang ganoong halaga at kahit ang ipon ni Adonis ay walang-wala kumpara sa kakailanganing pagamot ng nanay niya. “Gagawa tayo ng paraan, tay. Hindi tayo papabayaan ng diyos.” Pinabantayan ni Adonis ang nanay niya kay Jeffrey habang nauna siyang bumalik sa bukid para subukang kausapin ang mga kakilala upang makahiram ng pera ngunit karamihan sa mga ito ay sapat lang rin ang kinikita para makakain tatlong sa isang araw. Hindi na niya alam ang gagawin at naiinis siya sa sarili dahil hindi niya pwedeng hayaan na lang ang kanyang ina. “Adonis? Ikaw ba iyan?” May humintong itim na sasakyan habang siya’y naglalakad sa gilid ng kalsada kakaisip at nakatingin lang sa kawalan. “Ikaw pala, Tiyo Efren. Kamusta po kayo?” “Mukhang ikaw ang dapat kong tanungin niyan dahil mukhang problemadong-problemado ka. Halika’t sumakay muna at makapag-meryenda tayo sa bahay habang hinihintay ko ang tawag ni Senyora.” Aayaw sana si Adonis pero mapilit si Efren kaya sumampa na siya sa sasakyan. Matalik na kaibigan ito ng kanyang tatay simula pagkabata kaya rin sila malapit sa isa’t-isa. Pagkadating sa bahay, binati din ni Adonis ang asawa ni Efren tsaka sila naupo sa hapag para mag-meryenda. “Salamat pero busog po talaga ako, Tiyo.” “Hindi ako naniniwala dahil sigurado akong magdamag ka sa bukid kaya kumain ka, anak. Ano ba ang problema at ang bigat ng mukha mo kanina pa?” Bumuntong hininga si Adonis tsaka napasandal sa upuan.   “May cancer po si nanay. Stage 3 na.” Nagulat ang matanda sa balita at agad na nakisimpatiya sa binata. Kilala niya si Sarah at sobrang bait nitong ina at asawa pati kaibigan. Kaya pala hindi na niya ito madalas nakikita dahil mas pinili raw nitong manatili sa bahay kasi madalas siyang nakakaramdam ng pagod at hirap sa paghinga pag may kalayuan ang lalakarin. “Ang laking halaga ang kakailanganin, Tiyo. Kahit ata ilang taon kong pagtrabahuan iyon araw-gabi sa tubuhan o kaya sa rancho, hindi ko pa rin kakayanin ang ganoon kalaking pera kaya hindi ko na alam kung saan tatakbo.” Naawang nakatingin si Efren kay Adonis habang marahang tinatapik ang balikat nito. Biglaang may nasagi sa kanyang isipan kaya napaayos ito ng upon a para bang may invisible na bumbilya ang umilaw sa ibabaw ng ulo niya.   “Alam ko na ang solusyon sa problema mo, anak.” “Ano po iyon, Tiyo? Kahit anong trabaho, gagawin ko basta’t makakatulong kay nanay.” “Sigurado akong kilala mo ang panganay na anak ng mga Mirafuente na si Senyora Ema, hindi ba?” “Opo.” Gusto sanang ipaliwanag ni Efren ang sitwasyon ni Ema ngunit naisip niyang wala siya sa posisyon para sabihin ito at baka umatras lang si Adonis. “Naghahanap siya ng personal na tauhan pero hindi pa ako sigurado sa klase ng trabaho. Ang alam ko lang ay malaki ang sweldo at mabait naman si Ema kaya pwede mo ring sabihin ang sitwasyon mo at baka payagan ka niyang humiram ng malaking halaga na pagtatrabahuan mo sa kanya.” “Talaga po? Natututunan naman lahat ng trabaho kaya paano ako makakapag-apply?” “Ibigay mo lang sa akin ang iyong resume at ako na ang magbibigay kay Ema. Panigurado papasa ka dahil bukod sa alam kong mabait kang bata, kay ganda mo ring lalaki kagaya ko.” Bahagyang natawa si Adonis at ilang beses nagpasalamat bago umalis para pumunta sa computer shop upang magpaprinta ng resume at nang maibigay ito kay Efren. “Sana pumasa kang bagong asawa ni Senyora Ema, anak.” bulong ni Efren sa sarili tsaka na pinaandar ang sasakyan dahil magpapasundo na ang amo sa kanya.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD