“Malalim na naman ang iniisip mo ngayon, si Danica na naman ba ang dahilan?” Kinuha ni Rhav ang bote ng alak mula kay Dexter at tinungga iyon. “Ano pa nga ba? Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.” “Tama na yan, hindi mo na kaya. Huwag mo ng pilitin ang sarili mong maglasing.” Muli niyang iniiwas ang bote mula kay Dexter. “Shhh! Tinawagan kita para samahan ako. Hindi para pigilan ako.” “Wala naman kasing magbabago kahit lunurin mo pa ang sarili mo sa alak. Sila parin ang nagmamahalan pagmulat mo kinabukasan. Tanggapin mo nalang na ganoon talaga ang buhay pag-ibig, wala na tayong magagawa kung hindi tayo ang gusto ng mahal natin. Gaya ng hindi mo kayang ibigay sa aking ang pagmamahal mo,” kinuha nito ang isang bote at siya naman ang tumungga. “May party party pa tayo

