bc

SECRETLY YOURS

book_age16+
663
FOLLOW
3.2K
READ
forbidden
second chance
friends to lovers
tomboy
drama
twisted
sweet
gxg
bisexual
shy
like
intro-logo
Blurb

LGBT+ | GxG Romance | COMPLETE

Rhav has long struggled with deep feelings for Nica, yearning to confess her love as something more than just friendship. However, the weight of her family’s expectations and the fear of societal judgment leave her hesitant. Adding to her uncertainty is Nica’s engagement to JC, a man who is widely admired and loved. Rhav is left wondering: Is she prepared to risk everything for the chance to reveal her true feelings?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Ano nga ba ang tunay na pag-ibig para sa atin? Paano ba natin nalalaman na siya na ang ‘the one’ for us? Paano natin malalaman kung ano at sino ba talaga tayo? Maraming mga bagay na mahiwaga sa mundo, mga bagay na walang sagot sa mga tanong. Mga bagay na kahit pilit nating takbuhan, lumayo, ay sadyang nakatadhana na sa atin. Wala tayong magagawa kundi ang harapin iyon at tanggapin. Naniniwala ba kayong nakaukit na sa bituin ang ating tadhana? “Hoy, Nica! Ano na naman iyang pinapakinggan mo?” untag ni Rhav sa kaibigang si Nica. “Naku, ang babata mo pa para makinig sa mga kwentong pag-ibig na iyan. Isusumbong kita kina Tito at Tita pag-uwi natin!” “Huwag!” sabay hawak sa kama ni Rhav. “Sige na, papatayin ko na ang radyo. Teka, hindi ba’t pumanta ka sa canteen? Bakit wala kang dalang pagkain?” “Paano ang tatakaw ng mga ka-klase natin. Inubos na nila ang paborito mong turon.” “Ano ba yan!” napasimangot ito pero muli ding nagliwanag ang mukha. “Dahil hindi mo ako nabili ng poborito kong turon puwedeng makinig ako ng love story sa FM station ngayon? Break naman natin, eh. Please?” “May nagugustuhan ka na ba kaya gusto mong matuto ng mga love love story na iyan kahit ang bata bata mo ba?” Nanulis ang nguso ni Nica. “Kaya nga ako nakikinig dahil wala akong maramdaman, eh. Gusto ko lang magkaroon ng kaalaman para paglaki ko alam ko na ang pag-ibig.” Napailing si Rhav at nabatukan ito ng mahina sa ulo. “Mag hintay ka lang dito, maghahanap lang ako ng turon mo. Huwag kang makikinig, ha!” Tumayo na ito kaagad at lumabas ng kanilang classroom. Ilang minuto ang kanyang pinalipas at siya naman ang tumayo at sumilip sa pinto sa labas, isinuksok ang earphone at muling binuksan ang FM radio station para makinig sa mga kwentong pag-ibig at payo. Nacurious lang talaga kasi siya kung ano nga ba ang pag-ibig. Bakit kailangan magsama ang isang babae at lalaki? Dahil iyon ang nakikita niya sa kanyang mga magulang na hanggang ngayon ay sweet pa rin. Wala naman iyon sa edad pero alam niyang darating din ang oras na siya naman ang maghahanap ng lalaking mamahalin. Aksidente lang niyang na diskubre ang FM station na iyon ng mapindot niya ang icon sa kanyang cellphone at saktong nagpapayo ang DJ sa caller sa naging karanasan nito sa pag-ibig. Nahuli siya minsan ni Rhav ng kunin nito ang isang earphone sa pag-a-akalang nakikinig siya ng sound. Kung ang puso mo ay naging mabilis ang t***k na hindi kana makahinga sa tuwing lalapit siya. O, iyong tipong pagkasama mo siya nawawala lahat ng bagay sa inyong paligid. Iyon na ang hudyat na siya na ang the one mo. Kaya pag nangya— “Sinasabi ko na nga ba at hindi ka rin susunod sa akin, eh.” Natanggal ni Nica ang earphone ng sumulpot nalang bigla sa kanyang harapan si Rhav na may hawak na turon. Sa kabilang side pala ito dumaan para mahuli siya. Hindi man niya naiintindihan kung bakit nito iyon ginagawa pero alam niyang dahil lamang iyon sa wala pa sila sa tamang edad para alamin ang tungkol sa pag-ibig. Nagsibalikan na rin sa loob ng classroom ang kanilang mga classmate kaya naman ay tuluyan na niyang pinatay ang kanyang cellphone. Kinuha niya ang turon sa kamay ni Rhav at bumalik na sa kanyang upuan. “Bakit ba gustong- gusto mong makinig ng mga ganoong bagay?” “Wala lang. Nacu-curious lang naman ako,” sabay kagat ng turon. Inabutan din siya ng tubig ni Rhav. “Dahan-dahan lang baka mabilaukan ka.” “Hi, Nica!” bati ni Jap. May dala ding itong turon. “Para sa iyo.” “Kaya naman pala nagkakaubusan na sa canteen dahil pinakyaw mo na ang turon!” galit ang boses ni Rhav dahil napagod pa siya kakahanap ng turon. Mabuti na lamang at pumayag ang isa sa kanilang classmate na bilhin niya ng double ang turon na nabili nito kaya siya nakabalik kaagad sa kanilang classroom. Nag peace sign si Jap sa kanya. “Puwede ka naman kumuha sa ibinigay ko kay Nica, eh. Magkaibigan naman kayo.” Pinandilatan lamang niya ito. Bumalik na ito sa upuan ng tanggapin ni Nica ang turon na ibinigay nito. Alam niyang gusto ni Jap si Nica pero alam din naman niyang wala pa sa isip ni Nica ang bagay na iyon. Pero nababahala na siya dahil panay na ito pakinig sa mga love story sa radyo. Hindi kaya may kakaiba na itong nararamdaman para kay Jap? Napapikit siya. Mawawalan na ba siya ng kaibigan? Ganoon kasi ang nakikita niya. Nasisira ang pagkakaibigan pag ang isa ay nagkaroon na ng boyfriend. Embes na sila ang magkasama, hindi na dahil kasama na nito ang nobyo nito at ayaw niyang mangyari iyon sa kanila ni Nica. Pareho silang maganda. Ngunit, dahil boyish siya at palaban, nagkakaroon ng takot ang gustong sumubok na manligaw sa kanya. Si Nica kasi ang klase ng babaeng madali mong malapitan ngunit magalang din naman itong nambabasted. Napatitig na lamang siya kay Nica habang enjoy na enjoy sa pagkain nito. Nag alis siya ng tingin ng lumingon ito sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang isang turon. Limang piraso kasi ang ibinigay ni Jap. “Peace?” “Peace ka diyan. I-block mo na iyang FM radio app mo sa phone mo. Kung ano ano ang mga matutunan mo diyan.” “Ayaw mo bang malaman ang tungkol sa pag-ibig?” Napaisip siya sa tanong ni Nica. Wala naman siguro masama sa ginagawa nito. Nakikinig lamang ito ng radyo at lahat naman siguro puwede para doon. “Gusto mo makinig tayo mamaya?” Ngumisi siya. “Hindi mo ako madadaan sa ganyan Nica. Tigilan mo na iyan.” “Ikaw din, baka tumanda ka mag-isa.” “Kaka-kinig mo yan ng radyo, Nica.” Tumawa ito at muling ipinagpatuloy ang pagkain. Pumasok na ang kanilang teacher sa Matt. Hindi sa pagmamayabang, kapwa matalino sila ni Nica. “Nica, finish your food in five minutes. Kulang pala sa iyo ang fifteen minutes break time.” Tawanan sa loob ng classroom, pati si Rhav ay nakitawa na rin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

BAYAW

read
81.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook