CHAPTER ONE PART 1: RHAV

1545 Words
Hindi mapakali si Rhav habang nakatingin kay Nica na noo’y hinihipan ang sugatang tuhod. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang bench na nakaharap sa malawak na plaza sa loob ng kanilang eskwelahan. Nag-uunahan kasi sila sa pagtakbo para sana maglaro ng volleyball habang wala pa ang kanilang sundo ngunit hindi nito namalayan ang isang nakausling bato, kaya nadapa ito at tumama ang tuhod sa magaspang na semento. Kanina pa niya pinipilit itong pumunta sila sa clinic para sana magamot ang sugatang tuhod pero nagmatigas ito. Ayaw na ayaw kasi ni Nica ang pumunta sa mga pagamotan, tinitiis nito ang lahat ng uri ng sakit ‘wag lang ma-hospital o ma-clinic man lang. Nagsimula itong magkaroon ng takot sa hospital nang mamatay ang Lola Mendy nito tatlong taon na ang nakakalipas. Nasaksihan kasi nito kung paano bawian ng buhay ang pinakamamahal nitong Lola habang pilit na sinasalba ng mga doctor. “Alam kong takot ka sa mga gamot pero hindi gagaling yan sa pa-ihip-ihip lang! Sasamahan naman kita sa loob ng clinic, eh! Promise, hindi kita iiwanan sa loob,” muling pilit ni Rhav dito. Tinapunan lang siya ng mabilis na tingin ni Nica bago muling hinipan ang sugatang tuhod. Hindi siya nito sinagot man lang. “Okay, fine! Hindi na po kita pipilitin basta hintayin mo nalang ako dito,” magkahalong inis at pag-alalang tumayo si Rhav. “Saan ka pupunta?” tanong ni Nica sabay akmang susundan siya. “Hep! Hep!” pigil ni Rhav dito sa pamamagitan ng paghawak sa mga balikat nito, “ang sabi ko hintayin mo ako dito. Babalik din po ako kaagad.” Tumango si Nica kaya iniwanan na niya ito. Tinahak niya ang daan papunta sa likod ng Library building kung saan may mga ligaw na halaman na pwede niyang kunin para idikit sa sugat nito. Naalala niyang iyon ang madalas gawin sa kanila ni Lola Mendy sa tuwing nasusugatan sila mula sa maghapong pakikipaglaro sa labas. Nakita niya ang ilang halaman na may malalapad na dahon, kaya tuwang-tuwa siya. Tamang-tama dahil iyon ang kailangan niya. Nakarinig siya ng usapan malapit sa kinaroroonan niya kaya napahinto siya sa pagpitas. Nakikita din niya ang usok mula sa mga sigarilyong hinihithit ng grupo. “Pare, ang hina mo naman? Ang tagal mo nang nagpapahiwatig kay Nica hanggang ngayon wala parin? Nasaan na ang kamandag mo?” “Oo nga! Wala ka pala, eh. Baka mamaya maunahan ka pa ng iba ikaw din.” "Olats talaga mga Pare ayaw bumigay, eh! Ginawa ko na lahat ng paraan para payagan niya akong manligaw pero wala talaga. Study first ang laging rason niya.” Nagtawanan ang dalawang kasamahan nito. Parang kilala na niya kung sino-sino ang mga lalaking nag-uusap sa kabilang bahagi ng building at alam niyang si Nica—na besftriend niya ang paksa ng mga ito. Si Jap ang inaasar ng dalawa, matagal na rin kasi itong umaaligid kay Nica at ilang beses na rin itong napagsasabihan na tumigil na. Ipinasok niya ang mga dahong nakuha sa bulsa ng kanyang palda. Nakailang hakbang palang siya ng matigilan sa narinig. “Pustahan bibigay din yan sa akin. Ganun naman ang mga babae, diba?Pakipot sa umpisa pero bibigay din naman sa huli!” “Sige, isang linggo. Pag napapayag mo siyang makipag-date sa’yo, ibibigay ko ang bago kong biling Jersey at limang libong pambili mo ng mga skin sa Dota. Diba iyon ang gusto mong makuha?” “Gawin mo naman kahit dalawang linggo, Pare!” “Sige, dalawang linggo. Pag hindi mo nagawa, ikaw ang magbibigay sa akin ng pambiling skin! Deal?” “Deal!” Napakuyom ang kamao ni Rhav sa narinig, parang gusto na niyang sugurin ang mga ito pero mas matatagalan lang siya pag ginawa niya iyon. Papalampasin niya nalang sana ang mga ito ng sakto namang paglabas niya ay dumaan si Ma’am Becca—ang kanilang Principal. “Hi, Ma’am!” abot hanggang tainga ang ngiti niya. “Oh, Rabina, nandito ka pa pala. Wala pa ang sundo niyo?” Rabina ang tawag ng mga ito sa kanya dahil iyon ang buo niyang pangalan. “Wala pa po, eh!” sabay angkla sa braso nito. Likas na malapit siya sa mga teacher nila dahil isa siya sa mga matatalino sa buong school. Lagi din siyang pambato sa tuwing may inter-school Mathematics and Science contests at never pa siyang natalo. “Okay. Nakita ko si Nica na nakaupo sa bench doon sa may plaza, baka lang kako hinahanap mo siya.” “Salamat po, Ma’am!” nagdadalawang-isip siya kung isusumbong ba sina Jap na naninigarilyo pero sa huli nanaig ang kagustuhan niyang gumanti. “Nakita ko pong may naninigarilyo sa likod ng Library building. ‘Di ba po bawal iyon?” Nakita niya ang pangungunot ng noo ni Ma’am Becca at halatang hindi nito nagustuhan ang isinumbong niya. Matapang itong Principal dahil ayaw nitong may hindi sumusunod sa kanilang school rules. Mabigat ang parusa sa sino mang mahuhuling naninigarilyo sa loob ng campus. “Humanda ang mga iyon sa akin!” malalaki ang hakbang tinungo ni Ma’am Becca ang kabilang likurang bahagi bg building. Hindi kasi iyon masyadong pansinin dahil sa mga sun flowers na nakatanim sa daanan. Matagumpay siyang napangiti bago nagmamadaling binalikan si Nica sa plaza. Nakabusangot na ang mukha nito ng datnan niya. Tuyo narin ang ilang namumuong dugo sa sugat nito. Napahalukipkip ito habang nakatingin sa kabilang dereksyon. Kumuha muna ng maliit na bato si Rhav at inilagay ang mga dahon sa semento para dahan-dahan pukpukin para lumabas ang katas bago idinampi sa tuhod nito. Nagbago ang mood ni Nica sa ginawa niya dahil nakatingin na ito sa kanya. Marahan din niyang hinihipan ang tuhod nito. “Salamat, beshy—at sorry sa inasal ko, ha? Ikaw kasi ang kulit-kulit mo kanina. Pasensiya na talaga.” Tinabihan na niya ito sa pag-upo sa bench. “Naiintindihan ko,” sabay pisil sa pisnge nito. “Matapang kalang masyado! Pero kung hindi mo na kaya, hindi naman masama ang magpatulong sa iba. Okay?” “Opo!” nakangusong sagot ni Nica. Hindi na sila makapaglaro ng volleyball dahil sa sugat nito at malapit narin ang kanilang sundo. Tumunog ang cellphone at pagkatapos basahin ang mensahe ay tumayo na ito, “Nasa labas na raw si Mang Boy.” “Okay,” kinuha ni Rhav ang bag ni Nica at inalalayan din ito sa paglalakad. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya sina Jap, Dexter, at Patrick na sinasabosn ni Ma’am Becca habang nakayuko lamang ang tatlo. “Buti nga sa inyo!” “Naku! Anong nangyari sayo, Nica?” si Mang Boy ng makita sila. Kaagad na kinuha nito ang kanilang mga gamit para ipasok sa loob ng sasakyan. Inalalayan muna ni Rhav si Nica paupo sa backseat bago siya pumasok sa loob. “Ang tanga po kasi ng bato, Mang Boy! Alam naman na dadaan ako hindi pa tumabi.” Napabunghalit ng tawa si Rhav. “Oo nga naman.” “Nica, hindi nakakatawa yan, ha. Magka-ka-peklat ka niyan—alam mo naman kung gaano ka ini-ingatan ng Mommy mo,” iling-iling na sabi nito bago hinimas ang maliit na rebulto ni Mama Mary, pagkatapos ay nag sign of the cross din ito. Kabisado na nila ang gawain nito bago paandarin ang sasakyan. Nagpatuloy pa ito sa panenermon sa kanya. “Hindi na kayo bumabata, mga dalaga na kayo. Bawas bawasan niyo na iyong pagtatakbo. Sa susunod na buwan lang ay mag di-debut kana.” Nagsikuhan silang dalawa dahil sa oras na makapagsimula itong manermon hindi na ito titigil hanggang sa makarating na sila sa bahay. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga magulang. Kaya naman naisipan ng mga itong magtayo ng bahay na halos dikit at doon bumuo ng kanya-kanyang pamilya at sila nga ang naging bunga. Sabay silang lumaki, sabay nag-dalaga, sabay sa lahat ng bagay, hindi lang sila best of friend, halos magkapatid na. Hindi nga sila nagkamali dahil natigil lang ito sa panenermon ng makarating sila sa bahay nina Rhav. Sumabay na sa pagbaba si Nica sa kanya kaya tumuloy na si Mang Boy sa kabilang gate—ang bahay nila Nica. “Grabe! Sumakit ang tainga ko kay Mang Boy,” reklamo ni Nica. “Tama naman kasi siya, hindi na tayo mga bata,” inalis niya ang ilang hibla ng buhok nitong natatangay ng hangin at inipit sa likod ng tainga nito. Nagkatitigan sila ni Nica at bumaba ang paningin niya sa mga labi nito. Bakit parang gusto niyang halikan iyon? Napailing si Rhav at tumalikod na dito, hindi niya nagugustuhan ang pumapasok sa kanyang isipan. “Damn! What’s wrong with me?” “Beshy, are you okay? Bakit parang nangangatog ang tuhod mo?” “I’m fine. Napagod lang siguro ako,” mabilis na sagot niya. Pumasok na siya kaagad sa gate ng kanilang bahay. “Bukas nalang ulit!” sigaw niya dito. Naririnig niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib at tama nga si Nica—nanginginig ang kanyang mga tuhod. Lagi ding nag pa-flashback sa isipan niya ang nakauwang na mga labi nito. Mga labing muntik na niyang mahalikan kanina. Para siyang lalagnatin sa kakaibang damdamin na pumupukaw sa kailaliman ng kanyang pagkatao. Nagka-ka-gusto ba siya dito? “Oh God, please no!” she murmured incredulously.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD