CHAPTER ONE PART 2: BESHY

1429 Words
Kanina pa gising si Rhav pero hindi parin siya bumabangon. Gusto lang niyang humilata buong araw dahil sa matinding pagod. Pinilit niya kasing mag overtime para tapusin ang naiwan niyang trabaho nung minsang kinailangan niyang umuwi ng maaga. She’s now working as a Graphic Designer sa Xiao Builders Corporation o mas kilalang XBC. Ang trabaho niya ay tulungan ang kanilang mga architects to pitch their concepts better with her out-of-this-world designs. Para makuha nila ang mga malalaking proyekto here and abroad. Nagtapos siya ng Bachelor in Fine Arts Major in Visual Arts and Design sa St. Scholastica's College with flying color kaya hindi siya nahirapan noon maghanap ng trabaho. Ang trabaho pa nga ang lumalapit sa kanya noon. Maraming offers ang dumating sa kanya pero sa XBC niya piniling mag trabaho para magkasama parin sila ni Nica. Natanggap naman ito bilang isang Personal Secretary ni Mr. Zhun Xiao—walang iba kundi ang CEO mismo ng XBC. Kahit saan ito magpunta ay laging nakabuntot dito si Nica para gumawa ng schedule nito at magpaalala ng mga meetings nito. Kahit nasa iisang kompanya lang sila ay bihira lang din silang magkita sa loob ng building. Kaya masaya siya tuwing uwian na nila dahil makakasama na naman niya ito. Five years na silang nag tra-trabaho sa XBC at wala naman silang balak na umalis. Maganda ang pa-sahod at benefits ng kompanya. Magkasama sila ni Nica sa iisang condo, regalo iyon ng kani-kanilang mga magulang nung nakapagtapos sila ng college. Nagkasundo ang mga itong bilhan sila ng iisang condo unit para hindi na nila kailangan pang maghanap at makasiguradong safe silang dalawa. Parehas silang nag-iisang anak kaya ganoon nalang kung i-spoil sila ng kanilang mga magulang. Lahat ng kailangan nila ay walang pag-aatubiling binibigay sa kanila. Ma-swerte sila sa kani-kanilang mga magulang. Si Mr. Pancho San Mateo, ay ang kanyang ama na isang sikat na paintor noon. Isa sa obra maestra nito ang binili mismo ni President Ferdinand Marcos bilang regalo kay First Lady Emelda Marcos. Dito niya na mana ang husay sa Arts habang ang kanyang ina naman ay isang sikat na artista noon—si Daniela Chu. Ang Daddy naman ni Nica na si Jonas Valdez ay isang Congressman noon pero pinili na nitong mag retire at tumayo nalang ng laundry shops at car wash business. Si Jennylyn Cruz ang naging asawa nito na isang active composer-singer. Dito naman na-mana ni Nica ang husay sa pagkanta, pero hindi niya sinundan ang yapak ng kanyang ina. “Beshy? Are you awake?” naputol ang pagmunimuni niya ng marinig ang katok ni Nica. Napatingin siya sa pintoan ng kanyang silid kung saan nakasabit ang poster ng sikat na sikat ngayong K-Pop stars na BTS. Pinilit niyang bumangon para pagbuksan ito ng pinto. May bitbit itong paper bag na galing sa KFC. “Breakfast? Lunch?” nangiting bungad nito sa kanya. Kumiwala na naman ang puso niya dahil sa matamis nitong ngiti. Bagay na bagay dito ang mahabang itim na buhok at ang mga mata nitong parang tumutunaw sa kanyang kaluluwa. Kinuha niya ang dala nitong pagkain. “Salamat! Akala ko hindi ako gutom.” “Akala mo lang po iyon,” sabay tingin sa kanyang mukha. “Paano mo nagagawa iyan?” Nangunot ang noo niya sa tanong nito. “Nagagawa ang alin?” “Yan... yang ganyan lang.” - Napailing siya. “Nica—” “Ayan, oh! Ang ganda mo parin kahit bagong gising at wala pang hilamos! Paano mo nagagawa ‘yan?” Natawa siya sa sinabi nito. “Puro ka talaga kalokohan! Kaya love kita, eh!” “I love you too, Beshy! Kain na tayo habang mainit pa,” kumuha na siya ng dalawang pinggan para sa kanilang dalawa. Inilabas niya ang isang bucket ng KFC at pinagsama-sama nila ang gravy sa isang malaking pinggan. Ganun sila kumain—gravy is life. “Tumawag sa akin kanina si Daddy,” sabi ni Nica habang nilulunod ang chicken sa gravy. “Tinatanong niya kung bakit hanggang ngayon wala pa akong pinapakilalang boyfriend.” Napatigil si Rhav sa pagsubo ng chicken at napatitig dito. Dumating na ang araw ng kanyang kinakatakotan—ang maghanap ito ng lalaking gustong makasama sa buhay. “Anong sagot mo?” tanong niya. Nagkibit balikat ito. “Sabi ko hindi ko pa nakikita ang lalaking gusto ko. Wala naman talaga, eh!” “Ahhh...” tango-tango siya. Si Nica naman ang tumingin sa kanya. “Ikaw ba.... wala kang balak magpaligaw? Tama si Daddy, hindi na tayo bumabata. Twenty-seven na tayo at nasa tamang edad na para mag settle down.” Umiling siya. “Bakit? May irereto ka ba sa akin?” Tumawa ito pero unti-unting naputol ang tawa nito hanggang sa maging seryoso ang mukha. “Napaisip lang ako. Dapat ba talagang... may makasama tayo sa buhay? Ang pag aasawa ba ang finish line ng lahat? Magiging kompleto ba talaga ang isang babae pag nagkaroon na ng anak?” “Bakit mo naman naitanong yan?” “Wala lang, na pre-pressure na kasi ako. Ayaw ko naman magkamali at sino-sino nalang ang papatulan ko.” “Mag paligaw ka sa taong gusto mo, mag asawa ka dahil iyon ang gusto mo hindi lang dahil na pre-pressure ka. Ikaw naman ang makikisama sa taong iyon. Don’t worry, tutulungan kitang kumilatis ng mga manliligaw mo. Pag pasado sa akin, goods siya!” “The best ka talaga, Beshy! Simula bukas ita-try ko na’ng mag entertain ng mga boys,” nagningning ang mga mata nito sa tuwa. Sa totoo lang, nahihirapan na siyang itago ang totoong damdamin para dito. Hindi lang kasi bestfriend ang turing niya dito. Mahal niya ito bilang isang babae, alam niyang mali dahil kapwa sila babae at magkaibigan pa sila pero wala e. Ilang beses niyang sinubukan na kalimutan ito pero lagi siyang nabibigo. Kaya sumuko na lamang siya at minahal ito ng palihim. Pero alam niyang hindi sila habang buhay na magkakasama dahil kailangan din nitong magkaroon ng sariling pamilya. Matagal na niyang inihanda ang kanyang sarili pero bakit parang nahihirapan parin siya. “Are you okay? Kanina ka pa nakatulala. Hindi mo ba nagustuhan ‘yong food?” “H-ha? A-ah hindi. May iniisip lang ako.” “Tungkol naman saan?” “Sa Sunday, baka kasi ako naman ang i-pressure nila Daddy. For sure nag-uusap ang mga iyon at nagtataka na siguro kung bakit hanggang ngayon single parin ang mga dalaga nila.” Nica chuckled. “For sure! I also asked myself why...” malamlam itong tumingin sa kanya at parang may gustong sabihin pero mas pinili nitong umiling. “Why?” “I don’t know... siguro dahil sayo? With you, naramdaman ko na secure ako—na masaya naman ako kahit walang boyfriend. Stable yong job ko, may family akong napaka-supportive, kaya siguro dahil doon hindi ko naisipan maghanap pa.” “Talaga? Dahil sa akin?” natuwa siya sa sinabi nito. “May chance kayang pareho kami ng nararamdaman?” “Oo yata!” malutong itong tumawa. “Kung sana isa sa atin ang naging lalaki, paniguradong tayo ang magkakatuluyan. Sa tingin ko iyon din ang hiling nila Daddy.” “Bakit hindi ba pwede kahit kapwa tayo babae?” huli ng ma-realize niya ang kanyang sinabi, napatitig sa kanya si Nica kaya parang tangang nag explain siya. “I mean, dapat ba lalaki at babae lang ang magmamahalan? Marami naman sa office natin at mga ka-klase noon natin na nasa same s*x relationships.” “Alam ko, pero hindi iyon mag aapply sa atin. Naku! Isipin ko pa lang natatakot na ako sa pwedeng gawin nila Daddy.” Tumawa ng hilaw si Rhav. “Panigurado,” uminit bigla sa kusina dahil pinagpapawisan siya, unimon siya ng tubig para maibsan ang kaba. “Joke lang ‘yon kanina,” halos bulong nalang sa sabi niya. Ngumiti naman sa kanya si Nica. “Beshy, kumain kana para mas ma-enjoy mo ang day off mo. Nilabhan ko na rin pala ang labahan mo, tupiin mo nalang iyon mamaya.” “Salamat, Beshy!” kinain na niya ang KFC chicken. “May lakad ka ba?” tanong niya pagkatapos lumunok. “Ah—OO, may business meeting si Bossing at kailangan kasama raw ako. Ipapasundo niya ako dito maya-maya.” “Okay, hindi ko nalang ila-lock yong sa itaas ng pinto at dalhin mo narin ang susi mo dahil baka makatulog na naman ako mamaya.” “Okay!” inubos na nila ang pagkain. Muntik na siya kanina. “Lord, konting tiis pa po please?” piping dasal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD