CHAPTER TWO: THE PARTY

2475 Words
Wala ng nagawa si Nica ng pilitin niyang samahan ito pababa. Dumating na kasi ang sundo nito. “Bye, see you later!” “Bye,” pinagbuksan ito ng driver bago pumasok sa loob. “Mag-iingat po kayo sa pagda-drive!” bilin niya sa driver. Nakikita na niya ito minsan sa office dahil ito ang personal driver ni Mr. Xiao. Kumaway-kaway pa si Nica sa loob ng sasakyan habang papalayo. Naibaba naman niya ang kamay ng mawala ang sasakyan sa kanyang paningin. May isang grocery store sa gilid lamang ng condo unit kaya naisipan niyang mamili muna ng makakain. Sinalubong siya ng lamig pagpasok sa loob. Parang ministop ang tema sa loob. Kumuha siya ng basket at nagsimula ng mag ikot-ikot. Junk foods, softdrinks, ice cream, biscuits at tinapay ang kanyang pinamili. Napangiti siya ng malapad, mukhang mag i-enjoy nga siya mamaya habang nanonood ng Netflix. “Hi, Miss!” Napalingon si Rhav at nakita niya ang isang may katangkarang lalaki. Moreno, matangos ang ilong, makakapal din ang kilay nito at mapalad na mga dibdib. Tumikhim ang lalaki habang amuse na amuse na nakatingin sa kanya, sumilay din ang mapuputi at pantay na pantay nitong mga ngipin. “Yes?” sagot niya. Lumapit ito sa kanya. “Malapit ka lang ba dito?” Napangunot ang noo niya. Bakit parang close na sila sa uri ng pagtatanong nito. “Sorry pero hindi ako nagbibigay ng information sa hindi ko naman kilala.” “Ouch!” anito habang kunwaring may sumaksak sa dibdib nito. “Hulaan ko... hindi mo ‘ko nakikilala?” “Hindi, at wala akong panahon para manghula. Excuse me!” tinalikuran na niya ito at tinungo ang counter. Sinundan siya nito. “Ako lang naman ang isa sa isinumbong mo kay Ma’am Becca noon. Remember?” Napalingon siya dito. “Sino ka sa tatlong unggoy noon na pinagpustahan ang kaibigan ko?” “Kaya mo ba kami isinumbong? Alam mo bang sa ginawa mo muntik na kaming hindi makapag-graduate at kinailangan namin mag walis araw-araw sa campus? Napakawala mong puso.” “Nararapat lang iyon sa inyo.” Tumawa ito at inilahad ang mga palad. “Dexter nga pala—ang nanalo sa pustahan namin ni Jap noon.” Tinanggap niya ang palad nito bilang respeto narin. “Ang laki nang pinagbago mo, ah? Mukhang tao ka na ngayon.” “Grabe ka naman po!” natatawang sabi nito. “Anyways, kung may free time ka—kung pwede lang naman. Yayain sana kitang kumain sa labas. Matagal narin naman ang lumipas, siguro naman pinatawad mo na ako?” Pinandilatan niya ito. “Is this part of your game again? This time, ako naman ang pinagpupustahan niyo?” “Of course not! Matagal na akong walang balita kay Jap. This is just me, and myself only.” “Nice to meet you again, Dexter. Pero wala akong panahon para magpaligaw.” “Dahil ba may boyfriend kana? Or may asawa?” “Wala.” humarap na siya sa cashier para magbayad at binitbit ang plastic bags palabas. “Let me help you, please,” kinuha ni Dexter ang isang plastic bag kung saan nakalagay ang mga softdrinks. May kabigatan rin kasi iyon. Huminto sa paglalakad si Rhav at binawi ang plastic bag mula sa kamay ni Dexter. “Salamat, pero kaya ko na ‘to.” “Bakit ba ang ilag mo sa mga lalaki? Tomboy ka ba?” hindi napigilang tanong ni Dexter. May inis narin sa boses nito dahil hindi siya pumapayag na makipag-date dito. Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ito. “Kasi kung hindi ka tomboy, bakit hanggang ngayon ayaw mo parin magpaligaw? Bakit hanggang ngayon magkasama parin kayo ni Nica? May gusto ka ba sa best friend mo?” dagdag pa nito. “Huwag kang gumawa ng kwento! Writer ka ba? O tsimoso ka lang talaga?” naiinis narin siya dito. Pero na-alarma din siya sa tanong nito. “Huwag mo na akong sundan sa loob kung ayaw mong ipaharang kita sa guwardiya,” pagbabanta niya. Nagtaas ito ng mga kamay bilang pagsuko. “Fine! I am sorry! Gusto lang kitang mas makilala pa. Hindi kita susukuan, Rabina.” Masamang tiningnan niya ito at pumasok na sa loob ng condominium building. Nag-alala siya bigla sa sinabi nito. Paano nalang kung lahat ng taong nakapaligid sa kanila ay iyon din ang iniisip? Paano kung pati ang mga magulang nila... napailing si Rhav sa naisip. Malabong mangyaring pag-isipan sila ng kani-kanilang magulang. Alam naman nilang hindi talaga sila mapag-hiwalay ni Nica. "Buweset na Dexter, sinira niya ang maganda na sanang araw ko!” PUMASOK SA loob ng magarang hotel si Nica. Doon siya dinala ng kanyang sundong driver at mukhang exclusive ang nagaganap na meeting sa loob. Halatang pinaghandaan ng hotel kung sinomang mga bisita dahil sa ayos ng paligid. “Hi!” bati niya sa isang service crew. “I am here to attend a meeting for XBC. Where is the venue?” “Hello! You must be, Miss Danica Valdez?” “Yes, I am Danica Valdez.” “This way, Miss Danica,” pumasok sila sa napaka-lawak na bulwagan, at doon nakita niya si Mr. Zhun Xiao habang masayang nakikipag-usap sa mga kilalang personalidad. Maraming table rin ang naka-setup at sa isang sulok naman ang mga nakahilirang iba’t ibang pagkain. “It looks more like a wedding venue or a birthday party than a simple business meeting.” sa isip niya habang nakamasid sa paligid. Napatingin sa kanya si Mr. Zhun Xiao at kaagad na senenyasan siya nitong lumapit. Nahihiyang lumapit siya dito. Naka-business attire kasi siya habang ang mga babaeng nandoroon ay naka-dress. Kung alam lang niyang party pala ang pupuntahan niya, nagsuot sana siya ng bestida. “There you are,” nakangiting sabi sa kanya ni Mr. Zhun Xiao. “My amazing personal secretary,” may halong proud na pagkakasabi nito at habang pinapakilala siya sa mga taong nandoon. Hindi naman nito pinansin ang kasuotan niya. Puro ngiti lang ang ganti niya sa mga ito at isa-isang tinanggap ang palad. Expert na siyang peke-in ang kanyang ngiti sa tuwing may ipapakilala ito sa kanya. “Sir, hindi ko po alam kung para saan ang party na ito? Wala po ito sa notes ko.” bulong niya nung nagkaroon siya ng pagkakataon. “This is my Son’s 30th birthday. Hindi ko sinabi sayo dahil alam ko namang hindi ka pupunta dito. Lalo na pag nalaman mong walang kinalaman sa trabaho ang invitation ko. Don’t worry, alam kong day off mo ngayon, kaya bukas wala kang pasok para makapag-pahinga ka. Okay, ba?” “Wala naman pong problema sa akin, Sir! It is an honor for me to attend this occasion. I know this day is significant to you. Thanks for inviting me!” Malapad itong napangiti. “This is my son’s request. Pinagmamalaki kasi kita sa kanya, kaya gusto ka niyang makilala ng personal.” paliwanag nito at napatingin sa kanyang likuran. “Oh, there he is!” Napalingon si Nica sa lalaking tinutukoy nito. Kung mayroong tall, dark, and handsome, eto naman ay tall, white, and handsome. Chinito din ito at malinis tingnan dahil sa clean-cut brown hair nito, samahan pa ng maganda nitong katawan. Simple lang kung tutuusin ang suot nito. Isa lamang iyon jeans at gray na t-shirt, pero ang lakas na kaagad ng s*x appeal nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata at wala yatang balak na umiwas ito. Nakipagtitigan pa ito sa kanya. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin ng malapit na ito sa kanila. Kaagad na niyakap nito ang ama. “Hi, Dad! Nice to see you again!” masiglang bati nito. “Happy Birthday, Son!” tinapik nito ang balikat ng anak at tumingin sa kanya. “Son, this is Danica. My beautiful personal Secretary. Siya lang ang nakatagal sa akin,” sabay tawa nito. “Hi! Happy birthday, Sir!” bati niya dito. Ngayon lang niya ito nakita ng personal dahil naglagi ito sa Japan. Nakikita naman niya ito sa family picture ni Mr. Zhun Xiao sa office, kaya familiar sa kanya ang mukha nito. “It’s JC... you can call me JC, not Sir,” ngumiti ito sa kanya at siguro kung ibang babae lamang siya ay nahulog na ang panty sa perperktong ngiti nito. Kumbaga, ito ang prince charming sa karaniwang leading man sa isang romance book. Humanga siya dito pero hindi nagbago ang t***k ng kanyang puso. Sabi kasi nila, malalaman mo pag nagugustuhan mo ang isang tao dahil lalakas at bibilis ang t***k ng puso mo. “Okay. JC,” mabilis na tugon niya sabay tanggap sa palad nito. Nahiya naman siya ng konti dahil mas malambot pa ang palad nito sa kanya. “Excuse me, hahanapin ko lang ang Mommy mo. Dito na muna kayo para mas makilala niyo pa ang isa’t isa,” may halong tuksong paalam ni Mr. Zhun Xiao sa kanila. “Thanks, Dad!” muli siyang hinarap ni JC pagkatapos ihatid ng tanaw ang ama. Napatingin din ito sa suot niya. “I know what you are thinking,” sabay tingin din niya sa suot na black slacks at blazer mabuti nalang ang puti ang t-shirt niya at nakaopen lahat ng butones ng kanyang blazer para mas classy siyang tingnan. “You look good in your outfit. Mas maganda pa nga yan kaysa sa mga babae ditong naka-party dress.” “I will take that as a compliment, thank you.” Ngumiti ito. “I am serious,” dinala siya nito sa isang mesa at tinawag nito ang isang waiter para dalhan sila ng pagkain. “Kukuha lang ako ng food—” “Don’t bother, let them,” pigil ni JC sa kanya. Tinawag nito ang isang waiter para dalhan sila ng pagkain sa mesa. Pagkaalis ng waiter ay muli siya nitong tiningnan, para na siyang natutunaw sa paraan ng titig nito. “I heard so much about you from Dad. I want to know you more, Nica.” “This is your birthday, dapat nasa family mo muna ang atensiyon mo. Lalo pa’t kakarating mo lang dito sa Pinas,” pag-iiwas niya. Hindi naman siya manhid, alam niya na ang susunod na mangyayari pag hinayaan niya lang ito. Alam niyang mahirap i-reject ito dahil sa kanyang bossing. Pero mukhang hindi umubra ang kanyang pag-iwas, dahil mukhang mas na-amaze pa ito sa kanya. "May boyfriend kana ba?” walang paligoy-ligoy na tanong nito. Kaya napatitig na rin siya dito. Naghihintay siya sa susunod nitong sasabihin. “Sorry kung nabibilisan ka sa akin,” anito at umusog palayo ng kaonti sa kanya. Naramdaman siguro nito na hindi siya komportable. “I admit, na curious kaagad ako sayo when I first saw your picture together with Dad. That’s the reason why I am here. Ikaw lang din ang nagtagal kay Daddy, so there is something special in you.” “Gusto ko lang ang trabaho ko. At isa pa, mabait naman ang Daddy mo kaya wala akong reason na umalis.” Biglang tumugtog ang isang napaka-lamyos na musika. Nagulat si Nica nang inilahad nito ang mga palad sa kanya. Kung wala lang doon ang bossing niya, baka kanina pa siya umalis. “Can I have this dance with you?” “I don’t know how to dance!” “I’ll take care of you, I promise.” Napatingin sa paligid si Nica, may ilang nakatingin din sa kanila lalo na ang ama nitong tuwang-tuwa. Nag thumbs-up pa ito bilang pahintulot sa kanilang pagsasayaw. Tinanggap na niya ang mga palad nito at pumunta sila sa gitna. Ikinawit niya ang mga kamay sa batok nito habang nakahawak naman ito sa kanyang baywang. Nadismaya si Nica dahil hindi parin nag-iiba ang t***k ng kanyang puso. Akala niya ito na ang unang candidate niya pero hindi pala. Naramdaman niya ang pag-alalay nito sa kanya. May ilan naring pareha na sumabay sa kanila sa pagsasayaw kaya hindi na siya nailang masyado. “You are good,” puri nito sa kanya. Hindi niya kasi naaapakan ang mga paa nito at nakakasunod ang katawan niya sa galaw nito. “Thanks! Iniisip ko nalang nasa JS prom ako.” “JS Prom? What is that?” “Seryoso? Hindi mo alam?” “Yes? Care to tell me about it? I can listen to you all day!” Sa malayo natutuwa si Mr. Zhun Xiao habang nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi naman itinago ng kanyang anak na may gusto ito sa kanyang personal secretary. Nagsimula iyon ng ipinadala niya dito ang larawan nila. Kuha iyon sa isa sa business meeting na dinaluhan nila. Simula noon, hindi na siya nito tinatantanan. Okay naman sa kanya si Danica. Matalino ito, maganda at mukhang nasa maganda ding pamilya. Higit sa lahat, ma-respeto itong tao. Iyon ang pinaka-gusto niya dito. “They looked together,” puna ni Mrs. Xiao. May bibit itong regalo at nakamasid narin sa kanilang dalawa. “And he looks happy,” dagdag pa nito. “Yes, love! Bagay na bagay sila!” NAPAPATINGIN na si Rhav sa wall clock dahil wala pa rin si Nica. Mag alas-onse na iyon ng gabi. Kanina pa niya ito tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang tawag. Nag-aalala na siya dito. Marami narin siyang natapos na movie sa Netflix. “Hay, nasaan na kaya ang babaeng iyon,” kausap niya sa sarili. “Ngayon lang siya ginabi ng ganito, ah!” Mabilis na napatayo siya sa sofa ng marinig ang click ng pintoan. Sinalubong niya kaagad si Nica. “Kanina pa ako tumatawag sayo, akala ko kung may nangyari ng masama sayo,” may pagtatampong sabi niya. “Sorry, naka-silent kasi ang phone ko.” halos pabulong nalang na sagot nito. Inamoy-amoy niya ito. “Naka-inom ka ba?” “Slight lang, hindi naman pala kasi business meeting ang pinuntahan ko. Birthday party pala ng anak ni bossing, napasubo tuloy ako.” Tumango-tango si Rhav at kinuha ang dala nitong bag. Inilapag niya iyon sa side table habang bagsak na bagsak namang nahiga si Nica sa sofa. Tinanggal niya ang suot nitong sapatos at tinulungan din tanggalin ang suot nitong blazer. “Para akong tanga kanina...” mahinang bulong nito habang nakapikit. “Ako lang ang naka-business attire samantalang ang ga-ganda ng suot ng mga babaeng nandoroon.” “Sos, ikaw parin naman ang pinaka-maganda kaya wag mo ng isipin iyon. Magpahinga ka na. Gusto mo bang alalayan kita papasok sa kwarto mo?” Umiling si Nica. “Hindi na, dito nalang ako matutulog...” tuluyan na nga itong nakatulog. Mahina kasi ito sa alak, ilang shots lang tulog na kaagad ito. Kumuha siya ng cotton at cleaner para tanggalin ang make up nito sa mukha. Napatitig siya sa maganda nitong mukha habang inaalis ang blush-on nito. Hindi na niya kayang pigilan ang kanyang sarili. Kaya naman, unti-unting naglapat ang kanilang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD