It was not the first time that she kissed her. Una niyang nahalikan ito pagkatapos ng debut party nito noon. Dahil sa matinding pagod sa party ay doon na siya nakitulog sa silid nito. Nagising siya ng madaling araw na ito ang katabi sa kama. Akala niya noon nanaginip lamang siya kaya nag lakas loob siyang halikan ito sa mga labi, pero totoo pala ang mga nangyayari. Isa iyong lihim na ayaw niyang mabunyag kailanman.
Ngayon, nagkaroon na naman siya ng pagkakataong mahalikan ito kahit panakaw lamang. Magkakasya na lamang siya sa ganito. Tatapusin na sana niya ang halik ng hawakan siya ni Nica sa batok at mas inilapat pa ang mga labi sa mga labi niya. Tila nanaginip itong may kahalikan. Hindi niya alam kung itutulak ito, o hahayaan na lamang... mag-iinarte pa ba siya? Ito naman ang gusto niya diba? Pinili niyang lunurin ang sariling pantasya sa sekretong halik na kanilang pinagsaluhan, kahit pa hindi nito alam.
Narinig niya ang mahina nitong hilik at tuluyan ng lumaylay ang kamay nito sa ibaba. Ibig sabihin, tulog na tulog na ito. Inilayo na ni Rhav ang sarili kay Nica dahil baka kung ano pa ang magawa niya. Naghilamos na muna siya para gisingin ang sarili. Nang masigurong okay na siya ay bumalik siya sa sofa para ipagpatuloy ang pag tanggal ng make-up sa mukha nito. Inayos din niya ang pwesto nito at inusog ng kaonti para hindi mahulog sa lapag.
Nang makitang okay na si Nica ay nag prepare narin siya ng soup para initin nalang nito kinabukasan. Paniguradong tanghali na ito magigising at kailangan niyang pumasok sa office ng maaga.
“Goodnight, princess... sweet dreams!” nag flying kiss pa siya dito bago pumasok sa sariling silid.
TANGHALI na nga ng magising si Nica. Umikot ang kanyang paningin ng bigla siyang bumangon kaya napahawak siya sa kanyang ulo. Napatingin siya sa notes na nakaipit sa center table.
Initin mo nalang ang soup na gawa ko. Sa susunod, ‘wag ka nalang uminom. See you! – Rhav
Napangiti siya. Kahit kailan talaga alagang-alaga siya ng kanyang BFF. Uminom na muna siya ng isang baso ng tubig n aini-handa din nito sa kanya at muling ibinalik sa center table. Maganda ang simula ng umaga niya, wala naman siyang pasok kaya su-suprisahin niya na lang ito sa office mamaya. Susunduin niya ito bilang bawi sa ginawi nitong pag aalaga kagabi.
Pagkatapos maligo at ayusin ang sarili ang naglinis na muna siya habang iniinit ang mushroom soup na inihanda ni Rhav. Pa kanta-kanta pa siya habang nag ma-mop sa buong salas, sinasabayan niya ang kanta ni Moira na ‘Tagpuan’. Ito ang paborito nilang sente ni Rhav, dahil para lamang silang lasing pag sumasabay dito.
Naputol ang kanyang ginagawa dahil sa doorbell. Wala naman silang inaasahan na bisita. Binitiwan na niya muna ang mop at tinungo ang pintoan habang nasa background ang malamyos na boses ni Moira.
Pagbukas niya ng pinto ay tumambad sa kanya ang isang bouquet ng red roses. Nakaharang ito sa kanyang mukha kaya hindi niya nakikita kung sino man ang may hawak nito.
“I told you, hindi kita susukuan R—” napatol ang nakahanda na nitong ngiti ng hindi si Rhav ang bumukas ng pintoan kundi si Nica. Napatingin pa siya sa paligid at sa numerong nakaukit sa pintoan. Baka nagkamali lang siya, pero tama ang numero.
“Nica?” hindi makapaniwalang tanong ni Dexter. Ibinaba na niya ang bulaklak.
“And, you are?” tumaas ang kilay ni Nica dahil nakilala siya nito.
“Hi! Sorry for being rude. My name is Dexter, ako iyong ka-klase niyo dati. Tropa ni Jap, remember?”
“Ah...” sabay kilatis sa mukha nito. “Yes, I remember you. What I can do for you?” sabay tingin sa bulaklak na bitbit nito. “I know for sure, na hindi para sa akin ang bulaklak na iyan. Are you Rhav’s suitor?”
Malapad na napangiti si Dexter at napakamot pa sa ulo. Napangiti naman si Nica. “I bet, hindi siya pumayag.”
Marahang tumango si Dexter. “Pero hindi ko siya susukuan. I really like her.”
Tumango-tango naman si Nica. Natapos na ang kanta ni Moira kaya napalingon siya sa loob at ibinalik ang tingin kay Dexter. Nilakihan niya ang bukas ng pintoan. “Come in. Pasensiya ka na sa kalat, naglilinis kasi ako sa loob.”
“No problem!”
“Gusto ko lang sabihin sayo na magaling ako sa self-defense. Kaya kung may balak ka wag mo nang ituloy.”
“Nakakatawa ka pala.” si Dexter. Tuluyan na itong pumasok sa loob. Nakita niya kaagad ang mga litrato ng dalawa na nakasabit sa dingding. Napansin din niya ang pictures nito noong graduation. Nandoroon din ang class picture nila noong highschool. Hindi napigilang kinuha niya iyon para mapagmasdan ng mabuti. “May kopya pala kayo nito.”
“Yes, talagang kinuha ni Rhav ang kopya para raw may alaala kami,” sagot ni Nica habang inililigpit ang mop. Tumunog narin ang oven. “Feel at home, babalikan kita.” Paalam niya dito.
Inilapag ni Dexter ang bulaklak sa side table at ibinalik ang litraro sa pagkakasabit. Naupo siya sa sofa. Napatingin din siya sa notes na nasa side table at binasa iyon.
Initin mo nalang ang soup na gawa ko. Sa susunod, ‘ wag ka nalang uminom. See you! – Rhav
Iba talaga ang nararamdaman niya. Parang may something, parang may mali. Mabilis na binalik niya ang notes ng maramdamang pabalik na si Nica. May dala na itong isang baso ng orange juice at dalawang cookies. “Pasensiya na ito lang ang merun kami. Alam mo na, girls kaya puro sweet ang nandirito.”
“Thank you. I love cookies.”
“Glad to hear that!” inilapag na nito dalawang food sa center table at kinuha ang notes at ang basong wala ng laman.
“Hanggang ngayon, magkasama parin pala kayong dalawa.”
“Yes! Ganoon talaga pag masyadong close, pati paglaki ay magkasama parin.”
“Nakaka-inggit naman ang samahan niyo. Ikaw ba ay may boyfriend na?”
Hindi kaagad nakasagot si Nica. “Bakit parang ang personal naman ng mga tanong mo? Hindi lang ako komportable dahil hindi naman tayo naging close.”
“Sorry,” napayuko si Dexter at inisang lagok ang orange juice. Tumayo na ito. “Babalik nalang ako. Salamat sa pag-welcome. It is nice to see you again.”
Inihatid ni Nica si Dexter sa pintoan at padabog na isinara ang pinto. Umuusok ang kanyang ilong sa inis. Pinagsisipa pa niya ang pintoan kahit wala na ito.
“Napaka presko naman! Buti nga binasted ka ni Rhav dahil napakaaa—ah!” napatingin siya bulaklak na dala nito. “Tsss! Kala mo talaga!” inirapan niya ang pobreng bulaklak at pumasok na sa kanyang silid. Itutulog nalang niya ang inis.
SUMASAKIT na ang mga mata ni Rhav habang nakatitig sa monitor. Malapit na siyang matapos pero nadi-distract siya kakaisip sa halik nila ni Nica. Nahihiya siyang makaharap ito, kaya sinadya niya talagang pumasok ng maaga kanina bago pa ito magising.
“Ang lalim yata ng iniisip mo?” tanong ni Jinky. Isa itong architect at kasalukuyang tinutulungan niya sa graphical design na gusto nito.
Napalingon siya dito. Dinalhan siya nito ng kape at inilapag sa mesa. “Salamat,” nag-unat siya dahil sumakit ang kanyang likuran kakayukyok sa monitor.
“Lalaki?”
Napalingon siya dito. “Anong lalaki?”
Natawa ito. “Lalaki ang iniisip mo.”
“Baliw!” hinampas niya ito sa braso. “Mag trabaho ka na nga d’yan!”
“Oh, bakit ka namumula?” tuloy-tuloy na tukso nito.
Napahawak siya sa pisnge dahil naramdaman din niya iyon. Paano mas nag flash pa sa isipan niya ang halik nila ni Nica. Lalo na ang malambot nitong mga labi. Muli siyang napailing ng mabilis, kailangan niyang mag focus sa trabaho.
“Mainit lang dito! Ikaw talaga kung ano-ano na naman ang iniisip mo.” Pinandilatan niya ito. Natatawang bumalik na ito sa upuan.
“Nabalitaan mo bang nandirito na ang anak ni Bossing? Super hot, daw! Maraming nais masungkit ito, dahil...” tumingin ito sa kanya. “Single lang naman siya. Ibig sabihin, walang sabit. Libreng pagpantasyahan!”
Naalala niya ang party na dinaluhan ni Nica. Kung ganoon, nakilala na ito ni Nica. Ito kaya ang napanaginipan nitong kahalikan kagabi? Mas lalo tuloy siyang natahimik.
“Oy, hindi ka excited?”
“Hindi. At, huwag ka na po umasa dahil masyadong mataas ang tulad nila.”
“Aba! Anong akala mo sa akin?” tumayo ito at inayos ang sarili. Para itong rarampa ng beauty pagent. “Kung hindi mo naiitatanong, maraming nagkakandarapa sa akin. Akala mo ba?”
Natatawang sinaway niya ito at pinaupo muli. “Oo na, naniniwala na po ako,” humigop na siya ng kape.
“Surprise!” biglang bulaga ni Nica sa pinto. Halos maibuga niya ang kape sa gulat dito. Kumuha kaagad siya ng tissue para punasan ang bibig.
“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba’t off mo ngayon?”
Lumapit sa kanya si Nica at may panunukso sa mga mata. “Ikaw, ha? May inililihim ka na sa akin.”
“L-lihim?” dumadagundong ang t***k ng puso niya. Paano nalaman nito ang lihim niya?
“Oo!” umupo ito sa isang vacant chair habang tinititigan siyang mabuti
“Nica...” napatingin siya kay Jinky na noo’y halatang nakiki-chismis sa kanilang dalawa. “Sa bahay na tayo mag-usap. Malapit narin naman ang uwuian ko, ipagtatapat ko sayo lahat—”
“No need! Alam ko na, Beshy. Bakit di mo sinabi sa akin na may gustong manligaw sayo? Alam mo bang dumating kanina sa bahay si Dexter at may dalang bulaklak?”
Nangunot ang noo ni Rhav sa narinig. “Dexter? Siya ba ang tinutukoy mo na lihim ko?”
“Oo! Teka—” sabay tayo at sinipat siya mabuti. “Don’t tell me... may iba pa?”
Umiwas siya sa mapanuring tingin nito. “Wala! Akala ko kasi kung ano na. Hindi ko alam kung bakit nalaman niya yong unit natin, pero wala naman akong balak na i-entertain siya.”
“Hmmm, sigurado ka bang siya lang ang manliligaw mo?” pangungulit nito.
“Correction, hindi ko pa siya manliligaw dahil hindi ko naman siya pinapayagang ligawan ako.”
“Sabagay... well, hindi ko rin siya type for you. Masyado siyang maangas at feeling close,” bumalik muli ang inis ni Nica. “Mabuti naman at ni-reject mo siya kaagad. Hindi ko feel yong aura niya. Masyado siyang presko umasta.”
Nakahinga nang maluwag si Rhav. Akala niya, tungkol sa halik ang sasabihin nito. “Maiba tayo, bakit ka pala nandirito?”
“Ako ang magiging driver mo ngayon, dahil inalagaan mo ako kagabi!”
“Driver lang? Wala man lang libre d’yan?”
“Anong gusto mo?”
“KFC!” sabay pa silang dalawa at nagtawanan. Napapailing nalang si Jinky habang pinapakinggan sila. Alam naman ng lahat kung gaano sila ka-close, five years ba naman sila sa kumpanya.
“Sige tapusin ko lang itong ginagawan ko.”
Okay na sana ang lahat ng may kumatok sa pintoan. Paglingon nila ay nakatayo doon ang lalaking kanina lang pinagpantasyahan ni Jinky—si JC Xiao. Naka-paskil dito ang isang napakatamis na ngiti at kita ang pantay na pantay nitong mga ngipin. Mahihiya ang mga modelo ng toothpaste sa puti nun. Nakakadagdag din ng charisma nito ang mga mata, na akala mo isang member ng K-POP idol.
Napatingin si Rhav kay Nica dahil nakipagtitigan ito kay JC. May kaba siyang naramdaman, parang biglang may warning sign na sumagi sa kanyang isipan. Habang sa gilid naman ang hindi maka-ihing si Jinky sa kilig ng makita ito.
“Siya na ba ang bibihag sa puso ng prinsesa ko?”