Pagkarating nila sa Manila ay kaagad na sinalubong sila ng event organizer at inalalayana kung saan sila magdi-display ng kanilang product. Hindi maitago ang sayang kanilang naramdaman ng mga sandaling iyon. Hindi nila sukat akalain na mapapasama sila sa mga ganoong pambihirang okasyon kasama ng ilang kilalang galary na nag-o-offer ng mamahaling painting. “Love, look. Kasama si Tito Pancho sa event na ito.” “Ha?” napatingin si Rabina sa isang booklet na binigay sa kanila at tama nga si Nica. Nandoon ang pangalan ng kanyang ama. Isa ito sa bumuo ng event na iyon. Nagkaroon tuloy ng lakas ng loob si Rabina na dalawin ang ama. Baka ito din ang nagsabi mismo na isama sila sa event na iyon. Baka natanggap na sila nito pero ayaw lang magsabi. Nagkatinginan sila at napatango. Pagkatapos nilang

