Nauna nang nag lunch ang assistant niyang si Bernard kaya naman hinihintay niya na lang ito para siya naman ang makapag-break. “Pasok,” sabi niya ng may kumatok. Ang nakangiting si Jinky ang pumasok at tila may hinahanap sa loob ng office niya. “Huwag mo ng pagpantasyahan, maawa ka naman sa bata. Huwag mong sirain ang kinabukasan niya.” Natawa si Jinky sa biro niya. “Ang bilis mo namang maka-amoy. Alam mo sab inga nila, love is blind and age doesn’t matter when it comes to love.” “Sige ipaglaban mo iyan,” nag-angat siya ng mukha. “Anong ginagawa mo dito? Napapansin kong palagi ka ng nasa office. Ayaw mo na sa site?” “Tapos naman na ako sa layout at may blueprint naman na. Malalaki na sila at hindi ka ba naaawa sa akin? Naliligo ako doon ng alikabok, wala man lang magandang tanawin do

