“Hindi ka magiging masaya ng lubusan kung patuloy kang magbulag-bulagan sa totoong ikaw. Makakamtam mo lang ang kapayapaan kung magpakatotoo ka sa iyong sarili. Palayain mo ang iyong sarili sa mundong huwad.” - Tintin Cares *** “Ma’am, parami na po ng parami ang nag inquire sa website natin at double na ang sale natin this week!” tuwang-tuwang balita ng kanilang empleyado. Lumawak ang ngiti nina Danica at Rabina sa narinig. Last day na nila sa Manila at nakatulong ang pagsali nila dahil mas nakikilala pa sila sa larangan ng sining. Lalo na ang mga painting ni Rabina. Tumunog ang cellphone ni Danica. “Excuse me,” tumayo siya at pumasok sa loob ng silid. Napatingin si Rabina sa silid na pinasukan ni Danica. Kailangan pa talaga nitong pumasok sa silid? Kung sa bagay nasa meeting sila.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


