CHAPTER ELEVEN: YOU ARE NOT ALONE

2007 Words
Napaangat ang tingin ni Rhav kay Jinky ng pumasok ito sa loob ng kanyang office. Nasa mukha nito ang pagaalinlangan dahil sa naging mood niya kanina. “Sorry sa inasal ko kanina,” aniya at tumayo mula sa pagkakaupo. Kumuha siya ng favorite niyang Korean coffe stick na 3in1 at ibinigay iyon kay Jinky. “Peace?” Ngumiti ito. “Hindi naman ako nagalit. Nag-aalala lang ako kung ano ang nangyari sayo. Salamat dito. Uhm, kailangan mong lumabas ipapakilala raw sa atin ang magiging Manager natin.” “Talaga?” Marahan itong tumango. Matagal ng vacant ang manager position nila simula ng magkasakit ang dating nasa pwesto. Akala nila pabuti na ang lagay nito pero hindi na nakayanan dahil narin sa katandaan kaya sumakabilang buhay na. Excited siya kung sino ang kanilang bagong manager. Hinila na niya kaagad si Jinky palabas ng kanyang office para lang matigilan. JC is standing infront of them. Nasa tabi nito sina TL Marjorie at TL Flick. Ang ibang architects na nasa 6th and 7th floors ay nagsibabaan narin para pormal na makilala ang kanilang department manager. Napatingin sa kanya si JC ang malapad itong napangiti kaya ginantihan niya nalang ito ng ngiti at tango. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya si Tom na tinitinggan siya ng matalim. Kung pwede lang ito murahin at mag f**k you sign dito ginawa na niya. “Thank you for the warm welcome, team. I am here to learn more and am not an expert, so please bear with me. I don’t see many rules in the office, but there is one thing I don’t tolerate—s****l harassment. If any of you experience this, please do not hesitate to reach me. Understood?” “Yes, Sir!” panabay na sagot nila. Tiningnan ng may pagbabanta si Rhav kay Tom, nakita niya kasing nagiba ang aura nito sa sinabi ni JC. Mukhang nagkaroon din ito ng takot. Feeling niya hindi masyadong close ang dalawa kaya nabuhayan siya ng loob. Lalo pa at nilapitan siya ni JC at nakipagkamay sa kanya. “I am glad to work with you, Rabina. I heard so many good things about you on how good you are in your job.” “Thank you, Sir.” “It’s JC.” “We are still in the office. I will call you JC when we are not.” Ngumiti ito sa kanya at marahang tumango. Muli silang nagpalakpakan ng isa isa na nitong kinamayan ang mga tauhan doon. Halata sa mga babaeng nagpapa-cute sa kanilang bagong bossing. “Hay, parang ayaw ko nalang umalis at pumunta sa site. Nandito na si JC sa floor natin, hindi ako makapaniwala!” “Kilig na kilig ka naman diyan,” si Rhav at hininaan ang boses. “Wala ka diyan pag-asa dahil patay na patay yan kay Danica.” Napabusangot ang mukha nito. “Kontrabida ka talaga, no? Alam ko naman, eh. Sinira mo na ang pantasya ko.” Tumawa siya sa inakto nito. Nang matapos ang pagpapakilala nito ay bumalik na ang lahat sa kanya kanyang puwesto, papasok na rin sana siya ng tawagin siya ni JC. Pumasok siya sa office nito at kaagad naman siyang pinaupo sa upuan. “How are you?” “Okay lang naman ako, Sir JC.” Tumango tango ito. “Sorry, alam ko naman na may trabaho ka pa pero gusto ko lang sana magpatulong sayo about Nica...” bumuntong hininga ito. “Hanggang ngayon, she is still hesitant on dating with me. Can you help me to get closer with her?” Natahimik si Rhav sandali. “I already told her to give you a chance, and I can see that it is working. She is willing to date you now, isn’t she? We are close as sisters; I know that you are getting her attention slowly. Just give her more time.” “How about you? Why did you turn down Dexter?” “So you’ve heard,” napatingin siya sa labas ng building dahil kita ang kabilang gusali kung saa man siya nakaupo. “Dexter is a good guy but I don’t have feelings towards him. We can be friends in the future and that’s for sure.” “Rabina, I know how close you are to Nica. I saw it myself, and I felt it. We are just the intruders, but please learn to accept the fact that you can’t be with her forever. It would be best if you stepped out of your comfort zone. Try to date, try to make friends with the other people, have life without Nica.” “And why are you telling me this?” He sighed. “I felt that because of you, she can’t be open to the possibility of accepting others in her life. She is so afraid to live without you.” Na-touch naman siya sa sinabi nito, na gaya niya ang takot din si Nica. ‘What do you want me to do, JC?” naging seryoso na siya. “Should I stay away from her? Should I move out? Who are you to dictate what we should do in our lives? You are courting her. You should know her first and let her accept you without asking me to do that for you!’ “Rhav, are you okay?” Napakurap siya. Isip lang pala niya ang naggigil dito. “What did you say?” “I asked if you can go with us this Saturday. For sure, she’ll come if you are going. Please, Rhav?” Ahhh, yon naman pala ang tanong nito. Kung ano ano na ang pumasok sa isipan niya. “Sure, kung okay lang sa kanya. Why not! Saan tayo pupunta?” Mas lumapad ang ngiti nito.   BREAK TIME Nagunat si Rhav ng tumunog ang alarm niya para sa break time.  Isinave na niya muna ang ginagawa bago lumabas ng kanyang office. Nakita niya sa salamin na seryoso sa pag-aaral si JC sa pagpapatakbo at policies sa kanyang department. Tinungo na siya ang elevator para bumama sa 1st floor kung nasaan ang mga bilihan ng snacks. Isa iyong food court na para lamang sa mga empleyado ng XBC. Kahit ano pa man ang posisyon mo, kahit ang mga janitors and janitress ay kasama. May discounts pa nga ang mga ito. Kaya sino ang gustong umalis kung napakaganda naman talaga ang pagpapatakbo nito. Ramdam din ng mga empleyado na hindi sila inaapakan sa loob. Maliban nalang sa individual na ugali ng ibang mas nakakataas na akala mo ay sila pa ang may-ari ng kompanya. Gaya na lamang ngayon. Nagkaroon ng ingay sa isang table kung saan tinuro-turo ni Tom ang ilang mga janitor habang masaya sanang nagkwi-kwentuhan. Nakita pa niya ang ilang kagamitan ng mga ito sa paglilinis na nasa tabi nito. “Are you out of your minds? Kunsabagay, hindi naman pala kayo nag aaral. Alam nitong pantry dito at may ibang kumakain bakit kayo nakikihalo? Ang babaho at dudumi niyo pa!” Nakayuko lang ang mga janitor habang tinuro-turo at sinisigawan nito. Nag init bigla ang ulo niya sa narinig. Bago pa siya humakbang para lapitan ito ay may mga kamay ng pumigil sa balikat niya—si Nica. Bitbit nito ang paperbag na ibinigay niya. “Mas masarap kumain pag kasalo kita,” hindi nakatinging sabi nito sa kanya. “I am sorry for being childish earlier. Alam ko naman na nagsorry kana pero gusto ko lang naman na suyuin mo ako,” parang batang sabi nito. “Pero hindi na ako nakatiis eh, masyado kang pabebe.” Napangiti narin siya. “Sorry din sa inasal ko at sa mga nasabi ko. Nabigla lang ako.” “At natakot dahil baka malaman ko ang sekreto mo no?” tumawa ito. “Okay lang, maghihintay ako pag kaya mo ng i-share sa akin. For now, let’s eat—“ natigilan ito ng marealize ang nangyayari sa  food court at ang pagtaas ng boses ni Tom. “Did I just stop you from punching him?” Tumango siya. “Oh,” bigla siya nitong binitawan at hinawakan ang kanyang mga kamay. Napatingin tuloy siya sa kanilang magkadaupang palad.  Nalusaw lahat ang kanyang kalungkutan at selos, ang weak niya talaga pag dating kay Nica. Sabay nilang nilapitan si Tom na nagwawala.  Umupo sila sa tabi ng mga janitor  at inilabas ang paper bag na dala. Napatingin din sa kanila ang nakayukong mga janitors. Apat ang mga ito sa mesa mabuti nalang at may dalawa pang chairs na bakante. Kinuha ni Nica ang alcohol na bitbit at nag spray malapit sa mukha ni Tom. “Oops, sorry. Magkakalat kasi ang germs mula sa talsik ng laway mo, pasensiya ka na ha? God bless.” Pigila ng tawa ni Rhav habang binubuksan ang kanilang baon. Hindi rin makapaniwala si Tom na doon pa talaga sila puwesto sa mga taong dinuroduro nito. Akmang tatayo na ang mga janitors ng pigilan niya. “Hindi niyo pa po nauubos ang pagkain ninypo. Sayang naman kung itatapon, sige kayo ako uubos niyan.” “Pasensiya na po, Ma’am!” nahihiyang sabi nito. “Huwag kayong mahiya, mas dapat mahiya ang taong dada ng dada na akala mo siya ang may-ari ng kompanya,” parinig niya kay Tom. Narinig nila ang pagtawanan ng ilang kasabay nilang kumain. Mukhang natinag naman si Tom dahil inis na umalis ito sa food court. “Salamat, mga Ma’am,” naiiyak na sabi ng isa. “Ngayon lang po kami nakaranas ng ganito sa tagal naming kumakain dito, hindi po namin alam ang gagawin kanina.” “Okay lang po ‘yon, open naman sa lahat ang foodcourt at isa pa... hindi naman siya ang mag-ari,” napangisi si Rhav dahil nakaganti natin siya kay Tom. Masayang pinagsaluhan na nila ang pagkain at talaga masaya siya dahil okay na sila ni Nica. Nakikipagtawanan pa sila sa mga pabirong jokes ng mga janitor. Kwela din pala ang ito. Naalala ni Rhav ang sinabi ni JC kaya naman tinanong niya si Nica bago pa man ito bumalik sa itaas. “May gagawin ka ba sa Sabado?” “Wala naman, bakit?” “Gusto ko sana mamasyal, e.” “Sure! Saan tayo pupunta?” “Pag-iisipan ko pa, surprise ko nalang sayo.” Niyakap siya nito. “Thank you, bes. Basta don’t forget next Friday ang Saturday ha? You must file the leave.” “Yes, Ma’am!” Ngumiti lang ito, bumukas ang elevator at pumasok na ito doon. Pero kinabahan siya ng makitang nakatayo doon si Tom. Huli na dahil nagsara na iyon. Baka kung anong gagawin nito kay Nica! Kaagad na tinawagan niya ang cellphone nito pero ring lang iyong ng ring. Shit! “Rabina, is there any problem?” “Sir JC, si Nica kasabayan si Tom sa elevator!” “Oh, Tom, don’t worry he is—“ “He is a p*****t!” sa wakas na sabi niya dito. Sa sinabi ay dali dali nitong pinindot ang elevator para sundan ang dalawa.  Sumunod siya dito ng bumukas ang nasa kabilang elevator. Kaagad na pinindot nila ang 58th floor. “I will kill him if he did anything to Danica!” Gusto ng hilahin ni Rhav ang numbers paitaas dahil pakiramdamn niya ang bagal bagal ng lahat. Pag bukas ng 58th ay dali dali silang lumabas. Nakita nila si Tom na nakasandal sa gilid habang takip na takip nito ang mukha, parang namimilipit ito sa sakit. “Danica, are you all right?”  puno ng pag aalalang sambit ni JC dito. “Yes, medyo masakit lang ang kamao ko, but I am fine.” Galit na hinawakan ni JC sa damit si Tom para lang makita ang black eye nito sa kaliwang mata. Natigilan siya at napatingin kay Nica na nagkibit balikat lang. Nakalapit na si Rhav at niyakap naman si Nica. “I didn’t do anything to her!” bulyaw ni Tom kay JC. “That woman is a freak!” “What’s going on here?” Mr. Zhun Xiao’s voice echoed on the floor.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD