Kare-kare, kaldereta, cassava cake, pininyahang manok, mechado, dinuguan, at puto ang masaganang nakahain sa hapag. Umaalingasaw ang halimuyak ng mga lutong bahay na tila kayang yakapin ang sinumang makalanghap. Sa ilalim ng mesa, may ibang laban na nagaganap. Palihim na nag-uumpugan ang mga paa nina Rhav at Nica, kapwa nag-uunahan kung sino ang mapipiling manguna sa panalangin.
“Rhav, lead the prayer.”
Wala nang nagawa si Rhav nang utusan siya ni Pancho. Napabuntong-hininga siya bago dahan-dahang pumikit. Sumunod ang lahat, sabay-sabay nag sign of the cross.
“Bless us, O God. Bless our food and our drink. Since you redeemed us so dearly and delivered us from evil, as you gave us a share in this food, so may you give us share in eternal life. Amen.”
“Amen,” sabay-sabay nilang tugon.
“Hope you enjoy what we’ve made for you,” nakangiting wika ni Jennylyn habang inaayos ang mga plato.
“I miss Filipino food. I will enjoy them,” magalang na sagot ni JC. May kakaibang kinang sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang mga putahe, tila ba may hinahabol na alaala.
Hindi nagpahuli si Dexter. Agad niyang sinandukan ng kanin si Rhav, na lalo namang napayuko sa hiya. Sa gilid, lihim na nagkakatinginan at napapangiti ang mga magulang.
“What is this again? Pu...” nag-isip si JC habang hawak ang isang pirasong puto.
Napangiti si Rhav sa kanyang iniisip. Putcha!
“Puto,” sagot ni Nica.
Tumango si JC, saka ito isinubo. “Thanks! Delicious!”
“Try to dip it in dinuguan. It is a perfect pair,” mungkahi ni Nica.
Agad niya itong sinunod. Muli siyang tumango, halatang natuwa. “Yes, it is. Thank you. This is masarap.”
Napuno ng tawanan at kwentuhan ang hapag. Sinadya ni Rhav na damihan ang kain, umaasang baka mawalan ng gana si Dexter sa kanya. Ngunit kabaligtaran ang nangyari. Lalo pa itong natuwa.
“Ikaw, Dexter. Paano mo nakilala ang anak ko?” tanong ni Pancho habang abala sa kare-kare at bagoong.
“Magkaklase po kami noong high school,” sagot ni Dexter, may ngiting hindi maikubli habang nakatingin kay Rhav.
Pinandilatan siya ni Rhav.
“Kailan ka nagkagusto sa kanya?”
“Crush ko na po siya noon pa. Pero matapang po kasi ang anak ninyo, kaya hindi ko na itinuloy. Iyong kaibigan ko na lang po ang nanligaw kay Nica.”
“Correction, hindi ako nagpaligaw. Ang bata ko pa noon!” sabad ni Nica.
Natawa ang lahat.
“Paano ka naman nagkalakas ng loob na ligawan siya ngayon?”
“Dad, tama na po. Let’s enjoy our food first, okay?” pigil ni Rhav.
“It’s okay,” kalmadong sagot ni Dexter. “Mas mabuti na rin pong makilala nila ako nang paunti-unti.”
Tumango si Pancho, halatang natutuwa.
“We accidentally met sa isang grocery store malapit sa unit nila. Na love at first sight ako sa kanya.”
Napatakip si Rhav sa bibig bago pa niya maibuga ang kinakain. Agad siyang inabutan ni Nica ng tubig.
“Continue,” utos ni Pancho na halatang nae-enjoy ang usapan.
“I visited her sa unit. Doon ko nalaman na magkasama pala sila. No wonder kung bakit ganoon na lang ang closeness ng pamilya ninyo.”
“Yes, we are like brother and sister here,” masayang sabad ni Daniela.
“You were my Mom’s favorite actress,” dagdag ni Dexter. “Tinago pa niya ang mga posters at CDs ninyo. It is an honor to meet you, Ma’am Daniela.”
“Aw, pakisabi salamat sa kanya. Sana makilala rin namin siya,” tugon ni Daniela.
Sa ilalim ng mesa, biglang malakas na naapakan ni Rhav ang paa ni Nica.
“Aray!” Hiyaw nito habang napatayo.
Napatingin ang lahat.
“Oh, what happened?” agad rin na tumayo si Rhav para sana alalayan ito.
“I am fine, don’t worry,” pinandilatan siya ni Nica. Halatadong gumagawa sila ng paraan para makaalis sa sitwasyon na iyon.
Tumayo si JC at walang pag-aalinlangan na inalalayan si Nica papunta sa restroom kung saan naroon ang kanilang medical kit. Susunod sana si Rhav ng mapansing nasugatan ang mga daliri nito sa paa ngunit pinigilan siya ng ama.
“Hayaan mo na si JC.”
Parang may kung anong sumikip sa dibdib ni Rhav. Napalakas pala ang apak niya sa paa nito.
“They look good together, right, honey?” bulong ni Jennylyn.
“Yes. Bagay sila. At mukhang galing sa magandang pamilya si JC,” sagot ni Pancho.
“Pati hitsura,” dagdag ni Daniela.
Tahimik na lamang kumain si Rhav.
Makalipas ang ilang sandali, bumalik sina JC at Nica. May bandage na ang dulong daliri ng paa nito. Maingat siyang inalalayan ni JC paupo bago ito umikot sa kabilang upuan.
“I am sorry,” muling sabi ni Rhav.
“It’s okay, bes. Nagulat lang ako. Akala ko may zombie na kumagat sa akin sa ilalim,” biro ni Nica.
Napangiti si Rhav. Naalala niya ang pinanood nilang pelikula kagabi.
“So, where were we?” masiglang tanong ni Pancho.
“Dad?” protesta ni Rhav.
Hindi siya pinansin.
“Basta alagaan mo ang anak ko. Huwag mo siyang lolokohin,” seryosong sabi ni Pancho kay Dexter.
“Makakaasa po kayo, Sir.”
“It’s Tito.”
“Opo, Tito.”
“Good! Mukhang nakapasa ka sa unang round!” masayang sabi ni Daniela.
Napangiti si Jennylyn at bumaling sa asawa. “Ikaw naman. May itatanong ka ba kay JC?”
Pinunasan muna ni Jonas ang bibig bago nagsalita.
“Tell us how and when did you start liking Nica.”
Tumingin si JC kay Nica, puno ng lambing ang mga mata.
“I was in Japan when my Dad sent me her photo. It started there. She became my reason to come home. She helped my Dad in ways I never could. That made me want to know her more.”
Tahimik na nagkatinginan ang mga magulang. Halatang nasiyahan.
Tahimik namang nasasaktan si Rhav.
“What can you offer to my daughter?” tanong ni Jonas.
Ngumiti si JC.
“I can offer whatever she deserves. But most importantly, I can promise you a beautiful and handsome grandchild.”
Sumabog sa tawanan ang buong hapag.
“Very good!” masayang sabi ni Daniela.
At sa gitna ng ingay, tawanan, at halakhakan, nanatiling tahimik si Rhav. Patuloy na ngumunguya, habang pilit nilulunok ang kung anong mas mabigat pa sa pagkain.
***
Nasa hardin sina Pancho, Jonas, Jennylyn, at Daniela, abala sa kanilang tea time routine matapos ang masaganang tanghalian.
Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon at marahang paggalaw ng mga dahon ang maririnig. Sinadya nilang iwan sa loob sina Rhav, Nica, JC, at Dexter upang bigyan ng pagkakataon ang mga ito na mag-usap at higit pang magkakilala.
Sa sala, magkatabi sa sofa sina Nica at JC. May sapat na distansya sa pagitan nila, ngunit ang hangin ay tila masikip sa hindi maipaliwanag na tensyon. Sa itaas naman, sa veranda, magkatapat na nakatayo sina Rhav at Dexter, nakatanaw sa malayo.
“What is this, JC?” basag ni Nica sa katahimikan. Bahagya siyang napailing, pilit inuunawa ang sitwasyon. “Kung bored ka lang at gusto mong mag-enjoy, stop this.”
Diretso siyang tiningnan ni JC. Walang bakas ng biro sa kanyang mukha.
“I am serious, Nica. I like you, and I want to know you more. I would not be here if this is just a joke.”
Napatigil si Nica. Saglit na bumigat ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung paano tutugon. Ayaw niyang masaktan ito, lalo na at may utang siyang loob sa pamilya nito. Ayaw rin niyang masira ang tiwala ng kanyang amo.
“Don’t rush yourself,” dugtong ni JC, mas lumambot ang boses. “You don’t have to answer me now. I just want the chance to know you.”
“I am sorry… I am not used to this,” mahina niyang tugon.
“That’s okay,” ngumiti si JC. “I am happy just being here with you and your family.”
Napatingin si Nica sa kanya. Sa mga mata ni JC, malinaw ang katapatan. Walang halong pagdududa, walang laro. Lalo tuloy siyang nalito. Paano nangyari na ang isang lalaking halos perpekto sa paningin ng iba ay nahulog sa kanya?
Hindi niya maintindihan ang sarili niyang nararamdaman.
Kanina pa niya ito pinagmamasdan. Hindi dahil sa paghanga, kundi dahil sa kuryosidad na tila unti-unting nagiging kung ano mang mas malalim.
Sa itaas, sa veranda, tila wala namang naririnig si Rhav sa mga sinasabi ni Dexter. Lumilipad ang kanyang isip pababa, kung nasaan sina Nica at JC.
Napabuntong-hininga siya.
“Guess you didn’t like what I said. Sorry,” mahinang sabi ni Dexter.
Ibinaling nito ang tingin sa labas. Mula sa kanilang kinatatayuan, tanaw ang hanay ng mga pine tree na marahang sinasayaw ng hangin. Sa di kalayuan, nakita niya si Mang Ben na abala sa paglilinis ng sasakyan nina Nica. Kumaway siya rito, at agad namang gumanti ang matanda.
“Sorry, ano nga ulit ‘yong sinasabi mo?” balik ni Rhav, pilit binabalik ang atensyon.
Huminga nang malalim si Dexter, tila kinakalap ang lahat ng lakas ng loob na matagal na niyang iniipon.
“I said, I like you so much,” marahan ngunit malinaw niyang sabi. “Kahit paulit-ulit mo akong itinutulak palayo, nandito pa rin ako. Pinipilit ko pa rin kahit alam kong hindi mo naman ako gusto.”
Sandali siyang tumigil, tila hinahanap ang tamang mga salita.
“Pero sana bigyan mo ako ng chance na ipakita sa’yo ang nararamdaman ko.”
Napayuko si Rhav. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binitawan ni Dexter. Hindi iyon biro. Hindi iyon simpleng paghanga lang.
“It is not about you, Dexter. It is about me,” maingat niyang sagot, halos pabulong. “Hindi pa ako handa sa kahit anong relasyon. I appreciate you, believe me. Pero mahirap magpanggap alang-alang sa iba. Ayaw kong dumating sa punto na ginagamit lang kita para maging masaya ang pamilya ko, habang ako hindi.”
Tahimik na nakinig si Dexter. Walang pagputol, walang reklamo.
“Can you be honest with me?” tanong nito. Ngayon, seryoso na ang boses. Wala na ang dating mapagbiro at mapang-aasar na Dexter na kilala niya.
Dahan-dahang tumingala si Rhav at sinalubong ang mga mata nito. Doon niya nakita ang isang taong handang masaktan, basta makuha lang ang katotohanan.
“Sige.”
“Don’t say anything if ‘oo’ ang sagot mo. Then I will leave you alone.”
Isang maikling tango ang isinagot ni Rhav.
“Is this because of Nica?” marahang tanong ni Dexter. “Do you like her? Kaya ka ba hindi makausad dahil mahal mo siya higit pa sa kung anong meron kayo ngayon?”
Naging tahimik ang buong paligid.
Walang hangin. Walang ingay. Tanging t***k ng puso ni Rhav ang tila umaalingawngaw sa kanyang tenga.
Hindi siya nagsalita.
At sapat na iyon.
“I knew it,” bulong ni Dexter, kasunod ang mabigat na buntong-hininga. “It was actually obvious.”
Saglit siyang napatingin sa malayo, pilit inaayos ang sarili.
“Wala akong karapatang kwestyunin ang nararamdaman mo,” dugtong niya. “Pero kung sakaling maging sila ni Nica at JC… hayaan mo sila. Huwag kang gagawa ng bagay na ikakasakit ninyo lahat.”
Tahimik na nakinig si Rhav. Pagkatapos ay nagsalita siya, mahina ngunit buo ang loob.
“I know where I stand in Nica’s life. Hindi ko pinapanghimasukan ang desisyon niya. Kung sino ang pipiliin niya, susuportahan ko. Kung magiging masaya siya kay JC, I will be on her side.”
May kirot ang ngiting pilit na sumilay sa labi ni Dexter.
“I understand now,” sabi niya. “Can I at least hug you?”
Hindi na nagdalawang-isip si Rhav. Lumapit siya at niyakap si Dexter nang mahigpit, tila pasasalamat at paalam na rin sa kung anong maaaring mangyari.
“Thank you, Dexter,” mahina niyang sabi.
“Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Anytime. Anywhere.”
Dahan-dahang kumalas si Rhav. Ngumiti siya, pero bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.
“Kalimutan mo na ako, Dexter. Doon mo mahahanap ang tunay mong saya. Sa babaeng mamahalin ka rin.”
Bahagyang natawa si Dexter, kahit ramdam ang sakit.
“Sana nga, Rabina,” sabi niya, sabay iling. “Sorry, Rabina ako nang Rabina. Nakasanayan ko lang.”
Napangiti si Rhav. Hindi na siya nagtanong kung paano nito nalaman ang tinatago niyang lihim.
“I don’t mind,” sagot niya. “Alam kong tinatawag mo ako sa buo kong pangalan para lang asarin ako.”
Saglit silang nagkatitigan.
At sa sandaling iyon, parehong malinaw sa kanila na may mga damdaming kailangang bitawan, kahit gaano pa iyon kahirap.