Tunog ng alarm clock ang nagpagising kay Rabina. Kinapa-kapa niya ang tabi, pero wala na doon si Danica. Napabangon na siya ng tuluyan at tinungo ang banyo para mag shower. Mas lalong bumigat ang pakiramdam niya dahil birthday niya ngayon at nag-iisa lang siya dahil nakalimutan na yata ni Danica ang kanyang kaarawan. Kita mo at wala na ito kaagad sa tabi niya. Dati naman hindi ito bumabangon pag tulog pa siya. Sabay silang magsisilyo, maliligo. Paglabas niya ng silid ay parang mas lalong tahimik. Wala man lang agahan na niluto si Danica. Saan naman kaya ito nag punta? Ang aga aga wala na ito sa loob ng kanilang bahay. Sumilip siya sa labas, at sinalubong din siya ng kakaibang katahimikan. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Danica pero napahinto siya ng mag ring lang iyon sa gilid n

