Tumagal ang halik nila na puno ng pananabik sa isa’t isa. Pusong naghihintay lamang na mabuksan para sa isa’t isa. Pagmamahal na matagal na nilang pilit na binabalewala. Hindi nila namalayang nakarating na pala sila sa silid ni Rabina. Habang nasa ilalim si Nica ay hindi parin naghihiwalay ang kanilang mga labi. Puno ng pag iingat, puno ng pagmamahal na unti unti nahuhubad ang kanilang mga saplot. Hinayaan nilang ang puso ang magdidikta sa kanila habang sumusunod lamang ang katawan nila. Unti-unting tumambad sa bawat isa ang kabuuan ng kanilang katawan at muling naglapat ang kanilang mga labi. Ngayon napatunayan ni Nica na totoo talaga ang nasa pocket book. Totoong mabilis ang t***k ng puso at wala kang ninais kundi ang huminto ang kamay ng orasan. Ang pakiramdam na sila lang dalawa sa

