KINAGAT ni Zoey ang ibabang labi ng paggising niya kinabukasan ay wala na sa tabi niya si Greyson. At sa sandaling iyon ay parang may kamay na sumasakal sa puso niya dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. Nakaramdam kasi ang puso niya ng kirot sa isiping umalis na si Greyson. Pagkatapos nang love making nilang dalawa kagabi ay nag-usap ulit sila. Sinabi nito sa kanya na maaga ang flight nito pabalik sa Pilipinas. Sinabi naman niya dito na huwag na siya nitong gigisingin kapag aalis na ito. Ayaw kasi niyang makita itong umalis. Baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili at pigilan pa niya ang pag-alis nito. Muling ipinikit ni Zoey ang mga mata. And she bit her lower lips once again to stop her emotions. Hindi naman kasi niya masisisi ang sarili kung makaramdam siya ng kirot sa pu

