HINDI mapigilan ni Zoey ang pagkabog ng kanyang dibdib nang paglabas niya ulit nang pinagta-trabahuan ay nakita niya si Greyson. Nakatingin ito sa dereksiyon niya at mukhang inaantabayan nito ang paglabas niya sa hotel. Hindi pa din nagbabago ang t***k ng puso niya na nagpatuloy siya sa paglalakad palapit dito. Pilit din niyang sinasalubong ang mainit na titig nito sa kanya sa sandaling iyon. "Hi," nakangiting bati niya ng makalapit siya kay Greyson. "Hi," he greet her in a baritone voice. Pagkatapos niyon ay may inilabas ito mula sa likod nito. At napakurap-kurap siya ng mga mata nang makita niya ang hawak nito sa sandaling iyon. It was bouquet of red roses. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang siya nito binigyan ng bulaklak. At hindi niya maintindihan kung ano ang nararamdaman, la

