NAALIMPUNGATAN si Zoey mula sa pagkatulog ng marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Pumipikit pa ang mga mata ng kapain niya ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng bedside table niya. Sinilip niya kung sino ang tumatawag sa kanya sa social media account niya sa sandaling iyon. Hindi na kasi niya ini-off ang wifi niya kagabi noong matulog siya. Agad namang iminulat ni Zoey ang mga mata nang makita na Tita niya ang tumatawag sa kanya sa sandaling iyon. Tuluyan naman na siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. Pagkatapos ay isinandal niya ang likod sa headrest ng kama at saka niya in-accept ang pakikipag-video call nito. "Tita," banggit naman ni Zoey sa Tita niya nang makita niya ito sa screen ng cellphone niya. Mula din sa background ng cellphone ay naririnig niya ang bo

